1┃Kasiyahan
Sumasayaw. Sila'y sumasayaw sa ilalim ng buwan, ngiting bakas sa kanilang mukha. Ang mga bituin sa langit ay patuloy sa panonood sa kanilang pag sayaw, ihip ng hangin sumasabay sa kanilang paggalaw. Oo, eto nga ang kaniyang hiling. Ang dahilan kung bakit pa siya'y naririto, ang kasiyahan na lubos nag papagana sa kaniyang buhay. Ang makapiling ang minamahal kahit isang gabi.
Ang kaniyang palda'y sumusunod sa bawat pag galaw, luhang pumipilit tumulo sa kaniyang mga mata. Ang eksena tila ba'y parang memorya lamang, onti-onting naglalaho, nawawala. Natatakot. Siya'y natatakot pumikit, sapagkat sa kaniyang pag mulat ay hindi na niya masisilayan ang kaniyang mahal. Ang kaniyang boses na sing tunog ng hangin, nagpapakalma at naglalagay ng ngiti sa kaniyang labi, ang matang mapupungay na kahit anong tingin ay ika'y parin mahuhulog, at ang mga ngiting tila ba anghel, nakakabighani. Ang balat na sing lambot ng mamon, at ang buhok na sing bango ng bulaklak. Natatakot. Siya'y natatakot pumikit muli, sapagkat sa kaniyang pag mulat ay ito'y isang panaginip na lamang.
Ito ang kaniyang kasiyahan kinakamit.
-
YOU ARE READING
s c a r l e t
RandomKumusta? I hope you enjoy this oneshot book, even tho it's kinda trash xd
