Through The Years

1 0 0
                                        


Taong 1941.......
Ang pagdating ng mga Hapon noon ang isa sa mga bangungot na hinding-hindi makakalimutan ni Felomena.  Sinakop ng mga ganid sa yaman ang Pilipinas noon. Naging sund-sunuran sila noon dahil kung hindi sila sasang-ayon ay papatayin sila ng mga Hapon. 12 taong gulang noon si Felomena ng dali-dali silang nagtungo sa gitna ng gubat sa Norte dahil nagtatago sila sa mga dayuhang kalaban, Nalaman ng mga dayuhan na isa sa mga nagtatag ng grupong nagbabalak pabagsakin ang mga Hapon ay ang ama ni Felomena. Madaming pamilya ang nasa gitna ng gubat na sadyang liblib. Tatlong buwan silang nanirahan doon na puno ng takot sa dibdib. Minsan ay nagtungo sa isang ilog si Felomena at kaniyang nakilala ang batang si Juanito. Sila ay magkasing edad at sa murang gulang ay makikita na sa kanilang mga mata ang kaba at kawalan ng pag-asa. Mula sa mayamang angkan si Juanito at dahil sa takot ng kaniyang mga magulang ay iniwan nila ang kanilang yaman upang makatakas sa mga demonyong mananakop. Agad na lumusong si Felomena sa ilog ngunit biglang lumakas ang agos ng tubig. Agad siyang nahawakan ni Juanito at nailigtas ang batang babae mula sa tiyak na kapahamakan. Bilang pasasalamat ay ibinigay ni Felomena ang isang kwintas na nakaukit ang kaniyang pangalan. Isang malalakas na pagputok ang kanilang narinig kaya agad na bumalik sa gubat ang dalawa. Napuno ng dugo at mga bangkay ng Pilipino ang kanilang nadtnan sa kanilang pagbabalik sa gubat. Sa kasamaang palad ay namatay ang mga magulang ni Juanito at nakuha siya ng mga Hapon. Nakatakas naman sina Felomena at kaniyang mga magulang at namuhay sa mas liblib na kagubatan kasama ang iba pa nilang mga kasamahan.

Taong 1957.....
Isang opisyal na sa gobyerno ang ama ni Felomena. Mabait ang presidente ng Pilipinas noon na si Ramon Mgasaysay.Isa itong matapang na pinuno at may malasakit sa mga nasasakupan. Minsan ay nagtatalo ang mga magulang ng dalaga dahil minsan ay nadadamay ang haligi ng tahanan sa mga gulong kinasasangkutan ng presidente. Isa sa mga pinuno sa organisasyong sumusuporta sa presidente ang ama ni Felomena at hindi maiiwasan ang mga pangyayaring maaring kumitil sa buhay nito. Noong Marso 16, 1957, umalis si Magsaysay sa Maynila kasama ang kaniyang pamilya at iba pang mga kasamahan papunta sa Cebu City. Nang gabing iyon, mga alas-1 ng umaga, sumakay sila sa eroplano na pabalik sa Maynila. Sa maagang oras ng umaga ng Marso 17, nawala ang eroplano at iniulat ng mga pahayagan na nag-crash ang eroplano sa Mt. Manunggal sa Cebu. Sa kaniyang kalunus-lunos na kamatayan, nakaligtas ang kaniyang biyuda, Luz Magsaysay kasama ang kaniyang tatlong mga anak.Tila napilayan noon ang bansa dahil nawalan sila ng ama na tanging sandigan ng bawat Pilipino. Isang welga ang naganap noon sa kahabaan ng EDSA. Pinipigilan noon nina Felomena at ang ina nito ang haligi ng kanilang tahanan. Madaming tao at nagkakasakitan na sila ng biglang napalingon ang dalaga at nabighani sa kakisigan noon ng isang manunulat sa dyaryo. Kaniya itong tinitigan at tila pamilyar ang mukhang iyon. Kaniyang nakita ang kwintas na suot ng lalaki na nakaukit ang kaniyang pangalan. Hindi siya maaaring magkamali si Juanito iyon na nagligtas sa buhay niya at dahil madaming tao noon ay nagkahiwalay ulit sila ng landas at mula ng oras na iyon ay hindi na niya maiwaglit ang binata sa kaniyang isipan. Nakauwi na noon sina Felomena at mula sa bintana sa kaniyang silid ay nakita niya ang isang lalaking nakatingin sa kaniya at iyon na nga ay si Juanito. Agad siyang lumabas at kinausap ito. Sinundan pala siya ng binata at kaniya naman itong ikinatuwa. Isang maiinit na yakap ang kanilang pinakawalan sa isa’t isa. Nang nagkahiwalay ang dalawa ng panahon ng Hapon ay inalila ang mga batang nakupkup ng mga dayuhan. Sila ay pinahirapan at tinuring na mga hayop. Buti na lang ay nakatakas ito at napadpad sa isang probinsya at siya ay pinag-aral. Hindi nila alam na mabilis na lumilipas ang oras ng gabing iyon. Balak na sang ibalik ni Juanito ang kwintas na iyon ngunit tinanggihan ng dalaga dahil ang kwintas na iyon ang nagpapaalala kay Felomena na habangbuhay niyang dapat na tanawain na isang malaking utang na loob ang pagkakaligtas ng binata sa kaniyang buhay. Bago umalis si Juanito ay inimbita niya si Felomena sa kaniyang kasal. Minsan ay nag-aaway ang binata at ang kasintahan nito dahil sa kwintas ngunit walang magawa ang babae kundi tanggapin ang isang kwintas na naging parte ng buhay ng binata. Habang papalayo si Juanito ay nakaramdam ng kirot sa dibdib si Felomena at tumulo ang kaniyang mga luha sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Taong 1972.....
Lumipat na noon ng bahay ang pamilya ng dalaga dahil gusto na nilang lumugar sa tahimik at makalimutan ang mga pangyayaring minsan ay naglagay sa bingit ng kamatayan sa kaniyang ama. Kasagsagan noon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos. Marami ang hindi sang-ayon sa pamamalakad nito sa bansa kung kaya’t nagdeklara ito ng martial law. Lahat ay nagulantang sa pangyayaring iyon na tumatak sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng iba't ibang mga pangkalahatang utos, epektibong inilagay ni Marcos ang buong kapangyarihan ng pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ng isang tao: ang kanyang sarili. Siya ang nangunguna sa bansa at idirekta ang pagpapatakbo ng buong pamahalaan. Inutusan niya ang mga armadong pwersa na pigilan o pigilin ang anumang gawaing paghihimagsik. Ang mga oras ng curfew ay ipinatupad, ang mga grupong pagtitipon ay pinagbawalan, ang mga pasilidad na may pribadong pagmamay-ari ng media ay nakasara. Isang malaking gulo na naman ang naganap dahil sa sa hindi kagustuhan ng taong-bayan na mamuno si Marcos at isa doon ang ama ni Felomena. Malalakas na putok ng baril ang kanilang nasaksihan at lingid sa kaalaman nina Felomena at ng kaniyang ina ay nagtungo sa Malacanang ang haligi ng kanilang tahanan at sa kasamang-palad ay namatay ito. Labis na pagdadalumhati ang nararamdaman noon ni Felomena sa ospital na iyon na kung saan ay tinangka pang isalba ang buhay ng kaniyang ama. Bilang manunulat ay tungkulin ni Juanito ang makipag-usap at magsiyasat. Nasa ospital din siya sa mga oras na iyon ng nakita niya ulit si Felomena.Agad niya itong nilapitan at ipinahayag ang kaniyang suporta. Nagulat ang dalaga dahil muli na naman niyang nakita ang taong kaniyang minamahal ng sobra matapos ang ilang taon ngunit tila hindi ito ang tamang oras upang sundin niya ang kaniyang puso.Matagal din na nagkasama sa mga panahon na iyon sina Felomena at Juanito dahil sa lamay ng kaniyang ama. Agad na niyakap ng dalaga ang binata dahil tila nakaramdam na ito ng pag-iisa at kawalan ng pag-asa. Naisip ni Juanito sa mga oras na iyon ay sana noon pa niya sinabi sa dalaga ang tunay nitong nararamdaman ngunit huli na ang lahat dahil may asawa na siya at magkakaroon ng anak. Bakit tila ayaw sumang-ayon ng panahon sa kanilang tunay na pagmamahalan? Nailibing na noon ang ama ng dalaga ng nagpaalam na ang binata dahil sa Amerika na sila maninirahan at mas lalong naramdaman ni Felomena na lahat ng taong kaniyang minamahal ay iniiwan siya ng biglaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Through The YearsWhere stories live. Discover now