'Tonight will be the night Rhian, mapapasakin ka ngayong gabi..'

Yan ang tumatakbo sa isip ni Rafael ngayon kasabay ng pagngiting demonyo nito na gumuguhit sa kanyang labi..


"One glass of margarita please."-sabi nito sa bartender na kaharap

———————————-

Parang hindi naman mapakali si Glaiza na wala sa tabi nya si Rhian, hindi pa naman ito ganong katagal nawawala pero para sakanya sobrang tagal na nito.


"Kylie, pakitingin tingin lang si Bianca, punta lang ako ng restroom."-hindi na hinintay ni Glaiza na sumagot ito at naglakad na patungong restroom kung saan alam nyang nandun si Rhian 

—————————-

Kasalukuyang nasa harap ng salamin si Rhian at inaayos ang sarili.


'See? Mas maganda ka dun Rhian kaya please? Calm yourself at magtiwala ka kay Glaiza okay?' -si Rhian na kausap ang sarili habang nakatutok sa malaking salamin, dahil sa totoo lang eh kaya sya tahimik kanina pa dahil hindi sya komportable na nasa paligid nila ni Glaiza si Kylie at Rafael, well sakanya naman walang dapat ipag alala si Glaiza dahil wala naman syang feelings para kay Rafael at wala naman silang nakaraan pero kay Kylie at kay Glaiza? Hindi nya alam pero nag aalala sya sa tuwing lumalapit ito kay Glaiza dahil alam nyang kailan lang ay magkarelasyon ang mga ito at natatakot syang baka sa tuwing nakikita ito ni Glaiza eh ma-realize nito na si Kylie na pala ang mahal nito ngayon.

Pagkatapos ayusin at kausapin ang sarili napagpasyahan na ni Rhian na bumalik sa table nila kung nasaan ang girlfriend nya.

——————————-

Agad na inilabas ni Rafael ang maliit na bote galing sakanyang bag ng maibigay na ang inorder nyang margarita for Rhian at agad nya itong pinatakan ng pampatulog at ibinalik agad sa bag ang bote niyon sa pagkabahalang baka may makakita pa sa ginawa nya.

Ngiting ngiti si Rafael hanggang sa mahagip ng mga mata nya ang babaeng kanina pa nya hinihintay..


"Rhian!"-tawag nito at agad itong nilapitan dala dala ang isang basong margarita para dito


"Oh Rafael?"-taka ni Rhian na nasa harapan nya ito, iniisip nya kung talaga bang hinintay sya nito o sinundan


"Ahh, hinintay talaga kita eh para makausap ka."-Si Rafael na tila ba nabasa ang nasa utak ni Rhian


"Tungkol saan?"-Si Rhian na nagtataka parin


"I just wanna say sorry again sainyo ni Glaiza.."-kunwaring sincere na sabi ni Rafael


"Ah yun ba? Okay na yun Rafael. So, will you excuse me dahil kailangan ko ng balikan ang girlfriend ko."-tipid ngiting sagot ni Rhian dito


"Here. Para sayo. Peace offering?"-nakangiting abot ni Rafael ng margarita kay Rhian. Tinignan muna ni Rhian ang basong iyon bago tuluyang inabot sa kamay ni Rafael


"Cheers?"-si Rafael na itinaas pa ang alak na hawak kay Rhian at tinungga ito


"Cheers."-si Rhian na tatangkain ng inumin ang hawak na margarita pero nagulat sya ng biglang tumumba si Rafael sa harapan nya hawak ang pumutok na labi nito, nagulat din sya na may biglang humablot sa kamay nya ng margarita at itinapon ito kaya naman agad syang tumingin sa taong gumawa non na nasa harapan nya ngayon.



"Love???"-gulat na tawag ni Rhian dito


"Ano bang problema mo?!"-galit na sigaw ni Rafael dito na inaayos ang sarili mula sa pagkakatumba


Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now