Kabanata 1

11 0 0
                                        

         
Zin's POV

Nasa silid-aralan na ako pagkatapos kong masagi yung babae. Maya maya ay kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may mensahe ba si Agata at di nga ako nagkamali.

One message received!
From: Agata!
Hi mahal, sana ayos ka lang. Wag mo kakalimutang kumain at mag-ingat ka diyan. Mahal kita!!!
~9:34 AM~

Composed message!
For:Agata!
kamusta ka? wag mo rin kakalimutan ang mga habilin ko at wag na wag mo ring kakalimutan na susunduin kita diyan sa eskuwelahan niyo baka mamaya ay umuwi ka na naman agad!!!
~9:35 AM~
*sent*

Nakanguso ako habang sinasabi ang mga yun. Tsk! parang unti-unti na siyang nanlalamig sakin ah. Hindi nako nakatanggap pa ng reply sa mensahe kong iyon siguro ay masyado siyang abala sa pagaaral. Hays! Dumaan ang tanghalian at ang tatlo pa naming klase hanggang sa maguwian na. Agad kong inayos ang gamit ko.

"May pupuntahan ka ata at nagmamadali ka ah."
biglang sabi ni Kaizer mula sa likuran ko na siyang ikinagulat ko ng bahagya.

"Ahh... Ehh...  Susunduin ko kasi si Agata at ihahatid sa kanila" medyo nauutal na sabi ko pero di niya na ako sinagot at agad ding bumaling sa iba ko pang kaklase. Medyo malayo din ang eskuwelahan nila Agata sa eskuwelahan ko. Sakto at nakita ko siyang naghihitay sa tapat ng eskuwelahan nila.
"Sakto lang ata ang pagdating ko ah?!"
may ngiting sabi ko sa kaniya. "Ahh, oo sakto lang."
Agad ko namang binuksan ang pintuan ng kotse ko at inalalayan siyang maupo doon. Walang nagsalita sa amin at talagang nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan, pilit ko mang basagin ang katahimikan na namamagitan sa amin ay hindi ko magawa-gawa. Hanggang sa makarating na kami sa bahay nila binuksan kong muli ang pintuan at inalalayan siya.
"magbibigay nalang ako ng mensahe sayo mamaya pagkarating ko sa bahay"
sabi ko at niyakap siyang bahagya
"sige, hihintayin ko yan."
sabi niya sakin at hinalikan ako sa pisnge.
"tsk! parang nanlalamig kana sakin ah?!"
pasinghal kong sabi sa kaniya at kunot noo naman niya akong tinignan
"ano bang sinasabi mo diyan?" pinipilit niyang pigilan ang pagtawa ngunit napapansin ko parin iyon. "tss!"
nakangusong sagot ko
"Mahal kita okay?" bumuntong hininga siya at muling nagsalita "sige na, umuwi kana baka gabihin ka pa marami din akong gagawin. Magiingat ka. Mahal kita Zin." sabi niya at humiwalay sa pagkakayakap ko at tinapik ang aking balikat. "Tsk! Sorry na nga lang. Mahal din kita Agata. Agatang maganda!" sabi ko at sabay kaming natawa "oh siya, sige na uwi kana. Paalam" kumaway siya sakin at nagdere-deretso akong nagmaneho pauwi sa bahay.

How could it be.Stories to obsess over. Discover now