Sa huling pagkakataon,
hayaan mong suungin natin
ang hating-gabing pag-ulan,
bagtasin ang mga basang daan,
at tahakin ang mga lugar
na hindi pa nakikilala ng ating
mga paa.
Dahil kung huling pagkakataon,
pagkikita o pagtatagpo na nga ito,
gusto kong ihatid ka
sa iyong kanlungan
nang may alaalang lagi
akong nandito
sa bagyo at daluyong,
sa pag-apaw at pag-agos,
at sa lahat ng hindi sigurado
bago man lang
tayo maghiwalay
bago man lang
ako mag-isa sa umaga.
—theastroguy, sa huling pagkakataon
