Napamaang ako nung magsimula siyang kumanta.






Parang mas lalong lumamig ang paligid sa lamig na dala ng boses niya. Nag cross legs ako at nangalumbaba habang pinapanood siyang tumutugtog at kumakanta.







You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh







Tumingin siya sa mga mata ko habang kumakanta. For a brief moment parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Parang umiikot lang sa kanta niya yung buong mundo ko.







Napakurap kurap ako na tila ginigising ang sarili ko sa katotohanan.






Katotohanan na bukod sa pangalan ay wala na akong ibang alam tungkol sa lalakeng nasa harapan ko.







Ngumiti siya kasunod ng pagkanta sa chorus ng awiting tinutugtog niya.









I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best part..







"Hanggang dun palang ang napractice ko eh."







Mejo nahihiya pa atang sabi niya. Tumitig ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung nagpapacute lang ba siya or what pero napangiti ako.







"Hindi daw magaling. Sa lagay na yun!"







Biro ko sakaniya na nagpaluwang ng ngiti sa mukha niya. Bahagya itong napailing-iling kasunod ng pamumula ng mukha.







"Hindi naman kasi talaga ako kumakanta sa harap ng ibang tao. Pang kuwarto lang 'to eh. Tsaka reunion ng pamilya."







Natatawa niyang sabi bago nabaling ang paningin sa isang malaking yacht na naka-dock malapit saamin. Sinundan ko ng tingin ang tinititgnan niya at nakita ko na mula dito sa kinaroroonan namin ay kitang kita yung mga tao na nasa loob ng yacht.






"Ang formal naman nila. Mukhang mayayaman lahat."







Di ko naiwasang maikumento habang pinapanood ang mga guest na lulan ng sasakyang yun habang nagkukwentuhan ang mga ito at may hawak na champagne flute aa mga kamay.







Napatingin saakin si Vice kasunod ng pagsilip ng isang pilyong ngiti sa mga labi niya.







"Eh kung...?"







Sabi niya saakin sabay senyas sa yacht. Nanlaki naman ang mga mata ko nung maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.







"Huy! Wag na no. Nakakahiya. Nakakahiya talaga."







Paulit ulit kong sabi na nagpahalakhak lang naman sa kasama ko. Maya maya ay tahimik niya akong tinignan bago nagsalita.







"Kasama kasi yun sa bucket list ko eh. Halika na dali para ma cross out ko na siya. Akong bahala sayo!"








Natatawang sabi niya bago tumayo at inilahad ang kamay niya sa aakin. Tinignan ko lang yun. Unable to move. Tinignan ko siya sa mga mata niya.








PlaylistWhere stories live. Discover now