Tama ito. Kapag magkaibigan lang sila, hanggang sa pagtanda, makakasama niya pa rin ito. Kung naglakas loob lang siya na magtapat rito noong highschool pa sila, baka na-basted lang siya nito at baka nagkabahid pa ang pagkakaibigan nila.

            Ngunit, minsan, masakit pa rin isipin na hanggang doon lang siya. Habang ito ay malayang nakapagmamahal ng iba, siya naman ay nakulong na ang puso sa babaeng sa panaginip niya lang yata malayang mahalin.

            Gusto niyang mapangisi sa ka-corny-han na naiisip. Pero realidad 'to ng nagmamahal ng palihim. Magtitiis na lang sa sakit, mangangarap na lang ng mangangarap.

❤❤❤

"ALFRED naman! Bakit mo naman inaangasan si Terrence, wala naman ginagawa sa'yo ang tao," sermon agad ni Rachelle pagpasok nila ng kuwarto na para sa kanya. Nasa isang beach reasort na sila sa Batangas kung saan halatang ang mga may kaya lang na pumunta. May membership daw doon at kasalukuyang member ang nobyo ng kaibigan niya.

            Binuksan niya ang dalang bag at nilabas na ang mga dalang gamit. "Anong inangasan? Ang ayos-ayos nang pakikitungo ko sa boyfriend mo, ah."

            "Maayos ba iyong nakikipag-usap siya tapos puro tango ka lang at isang salita lang ang lumalabas sa bibig mo?" malumanay na sabi nito. "Kung makatingin ka pa, parang maghahamon ka ng away. Hindi ka naman ganyan, Alfred."

            "Hallucination mo lang iyon," tanggi niya pa. Ngunit, sige, aaminin niya. Unang kita pa lang niya kay Terrence, lalo pang napamukha sa kanya ang katotohanan na kahit kailan hindi siya magugustuhan ni Rachelle. Oo, mabait ang lalake at lahat ng gusto ni Rachelle sa isang lalaki ay halatang na kay Terrence na ang lahat.

            Tang'na, selos na selos siya. Lalo na at sa buong biyahe ay nakita niya kung gaano kamahal ni Rachelle ang nobyo nito. Para siyang sinapak sa kanya ang katotohanan na walang-wala siya kumpara kay Terrence.

            "Alfred naman, eh... Umaasa si Terrence na magkakasundo kayo kasi willing rin naman siya."

            "Sigurado ka bang lalaki iyong boyfriend mo? Hindi ba bakla iyon?"

            Nagsalubong ang kilay nito at pabirong hinampas siya sa braso. "Hindi bakla iyon."

            "Too good to be true naman kasi siya."

            "Oo nga, eh. Kaya nga ako na-inlove sa kanya. Kasi nag-e-exist pa pala iyong mga lalaking sa pocketbook ko lang nababasa noon. Pero, wag mong nililiko ang usapan. Umayos ka mamaya sa lunch buffet, ah! Maangas ka lang kapag nakakaamoy ka ng away, eh, wala namang away dito."

            Humiga siya sa malambot na kama pagkatapos ikalat lang ang mga gamit niya sa ibabaw ng kama. "Sinusubukan ko lang tignan kung totoo ba ang pinapakita ni Terrence. Siyempre, kaibigan kita. Mamaya, may gusto lang sa'yo makuha iyon. Huwag na huwag mong isusuko ang bataan, sinasabi ko sa'yo."

            Nanlaki ang mga mata nito at dinaganan siya sa higaan. "Grabe ka, Alfred! Mabait talaga si Terrence! At saka isa pa, hinding hindi ko talaga isusuko ang bataan. Pangako ko sa sarili ko na kapag nagpakasal ako, saka ko lang 'iyon' gagawin."

            "Buti naman. Naninigurado lang ako."

            Tumayo na ulit ito. "Maging mabait ka na kay Terrence, ah? Punta ka mamaya sa may malaking cottage kanina. Doon daw yung lunch buffet. Sunod ka doon, ah?"

            Tumango siya at saka tinitigan ito. Simple ang ganda ni Rachelle. Pero mas gumaganda ito dahil lumalabas ang kabutihan ng puso nito.

Love at its Toughest (Love Series #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя