Rendering Time

44 0 0
                                        

Chapter 1

Biglang nag iba ang reaksyon sa mukha ni Klarence matapos madinig ang mga pag aming sinabi ng kausap na nobyo sa kabilang linya ng telepono.

Toot....toot...toot...

Naputol bigla ang tawag. Gusto niyang sumigaw, magwala, sirain ang  kung ano mang laman ng kwarto niya at maging ang kwarto niya mismo kagaya ng pagkasira ng buhay lovelife niya na dati'y kung iisipin ay mahahalintulad lamang sa isang forever na pagmamahalan kagaya ng mga napapanood sa mga korean novela.

Tumulo na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang lumabas mula sa mga matang mapupungay. Ayaw niyang madinig ng kausap sa telepono na nasasaktan siya. Ayaw niyang maramdaman ng kausap na hindi niya makakayanan pang mawalan ng minamahal...ngunit alam iyon ng nobyo niya. Naroon siya ng mga panahong nagluluksa si Klarence sa pagkawala ng aso niyang si "bogart" na kasama na niya simula pa noong bata pa siya. Naroon ang nobyo niya ng mamatay ang mga halamang inaalagaan niya't mahal dahil sa pesteng hindi matukoy, siguro kapamilya noong ood sa may garden of eden ay biglang nalanta.

Higit pa doon, naroon siya noong naghihingalo na ang pinakamamahal niyang ina sa hospital, sinasabi ang mga habilin sa nag iisang anak, ang magpakatino, ang magtapos ng kolehiyo at atleast daw hindi tibo ang prinsesa ng pamilya nila dahil may nobyo itong dinala sa palasyo nila. Nandoon siya... ngunit pinili pa din niyang iwanan siya kahit na alam niyang masasaktan ito. Ang masaklap sa telepono pa nila tinapos ang apat na taong pag-iibigan...

Inibig ba talaga siya ng lalaking iyon?

Tumakbo siya palabas ng kwarto, hindi alintana ang mga bagay na nakaharang sa daraanan, lahat tumba hanggang makalabas na siya ng tuluyan sa kanilang bahay.

Ulan at dilim, ito ang pagsalubong na ginawad sa kanya ng mundo. Kung makisabay nga naman si mother earth, walang pinagkaiba sa nararamdaman niya ngayon, masalimuot. Mas ginusto niyang tahakin ang mundong ito kahit na ngang halos wala siyang makita sa daan, kahit na mabasa pa siya ng palakas na palakas na ulan, kahit hindi niya alam ang pupuntahan.

Lahat ginawa niya. Inintindi ang lahat para sa relasyon nila. Hindi nagreklamo, ayaw niya ng gulo sa isang relasyon. Ngunit sadyang walang perpekto sa mundo, sa mundo ng mga tao.

Para lang kay snowhite ang halik ng tunay na pagmamahal, kay cinderella ang tintawag na destiny at Belle ang mga salitang Love concourse all. At sa mga nagmamahal ng lubos, katulad niya ay ito... ang maglakad sa gitna ng dilim at sa ilalim ng galit na galit na langit...

At nang biglang...

Bang!!

Slow motion bigla ang lahat ng nasa paligid ni Klarence,  ang ulan na kaninay kay bilis ng buhos at ang pagdulas at pagtilapon niya sa daan dahil sa hindi niya malamang bumangga sa kanya. Hindi man lang nakapagpalambot ng simento ang mga naipong tubog sa bahaging iyon ng daad at matigas na pagbagsak ang kinahinatnan niya matapos ng pagkabangga sa kanya.

Kung kanina madilim lang ang paligid niya, sa mga panahong ito ay malabo na... ang paningin bang papunta na sa mahimbing na pagtulog.

Ipipikit na lang ni Klarence ang mga mata, mapupungay na mata. Ngunit may naramdaman siyang pagyugyug. Dama ang malalaking palad na nakahawak sa magkabilang braso niya. Minulat niyang muli ang mga mata. Malabu pa din kahit may konting ilaw na siyang naaaninag.

Power ranger?

Hindi niya makita ang kabuuan ng muka ng taong iyon dahil may kung ano itong suot sa ulo katulad ng mga power rangers sa tv...

Pinasya niyang ipagpatuloy ang naudlot niyang pagpikit kanina. Kung isa ngang power ranger ang mokong na ito, ito ang sasagip sa kanya sa pakikipaglaban niya sa dilim, ulan at sa lahat ng mga hindi kaaya ayang nangyari sa kanya ng mga sandaling iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rendering Time (Isang Nobela)Where stories live. Discover now