"Where are my clothes? The one I was wearing when I got here?" I asked, frustration in my voice. "Where?!"

She looked down, "Hindi po namin alam, mahal na prinsesa. Ang reyna po ang nag-asikaso ng mga damit ninyo," utal-utal nitong sabi. Even her hands are trembling.

I felt bad.

"Tsk."

Pumunta ako sa kwarto nila Mom and Dad. The door was left slightly open, so I just pushed it, not even came to my mind to knock.

"Hon, magbabayad sila. Kung hindi lang dahil sa kanila, hindi sana nawala ang anak natin," I overheard.

The door spread out, making their attention shift to me.

"Mom? Sino? Sinong sila?" I asked. Anger suddenly rose within me.

I came here to be with my family. I never asked kung bakit ako nahiwalay sa kanila. Now that the question served itself, mukhang nadagdagan ang rason ko para manatili dito.

"Helliana?" gulat na pagtawag ni Mommy.

I remained at the mouth of the door. "Who were they?" I again asked.

Nagkatinginan muna sila bago nagsalita si Daddy.

"Ang hari ng Light Kingdom," Dad shifted his gaze from me to the huge glass window of their room. "If he did not suddenly attacked our kingdom and declared war, hindi ka sana nahiwalay sa amin."

Mom hugged her husband as she felt the rage enveloping the whole room.

Lumapit ako sa kanila at walang ginawa kundi ang tapikin ang likod ni Daddy.

"I demand to know the whole history," I shamelessly ordered my parents.

Demonica's POV

"Long time ago in the Year 2001"

Nagdidiwang ang kaharian ng kaarawan ng mahal kong asawa.

Everyone is dancing and drinking. Everybody's having fun.

"Little one, are you also having fun inside there?" natawa ako nang kausapin ulit ng mahal kong asawa ang anak naming nasa sinapupunan ko pa.

Hinimas niya ang tyan ko, "Should we call him Blood the second? What do you think?" I smiled as I nodded. How adorable of him to be so certain that our child is a boy.

Natigilan ang lahat ng may sunod-sunod na pagsabog ang narinig.

The drums being played energetically stopped. We were put into silence.

And then, small houses from afar started burning. Everyone panicked. Everyone is shouting.

The knights immediately surrounded us, protecting us from possible sudden assassination.

"Ano'ng nangyayari?" mahinahong tanong ng aking asawa sa isang kawal. His left hand was on my tummy and his right hand was on my waist

"Mahal na hari, biglang umatake ang hari ng Light Kingdom. Sobrang biglaan, sinabay pa nila sa inyong kaarawan kaya halos lahat ng kawal ay hindi handa," buong galang na sagot ng kawal. "Patawad po sa aming kapabayaan. Gagawin po namin ang lahat para maprotektahan ang kaharian."

Tumango ang hari.

"Pero bakit sila aatake? Bakit sila biglang nagdeklara ng laban na wala naman tayong ginagawa sa kanila?" protesta ko, nangingilid ang luha.

While surrounded by the guards, we entered the castle safely and put it on lockdown.

Saradong-sarado man ang kaharian, rinig na rinig pa rin ang mga pagsabog sa labas.

Buntis ako, hindi ako maaaring gumamit ng sobrang lakas na kapangyarihan dahil baka ang buhay ng anak ko ang malagay sa alanganin. Wala akong magawa bilang reynang pinagkakatiwalaan ng kahariang ito.

Marami na ang siguradong binawian ng buhay sa labas, habang nandito ako sa loob ng kaharian at walang magawa para ipaglaban ang mga taong lumalaban para sa 'kin, sa 'min, sa buong kaharian.

Nakikita ko sa isip ang mga batang sumisigaw at nagmamakaawang tulungan habang hawak sa bisig ang mga walang buhay nilang mga magulang.

They are all begging.

Tuluyan na ngang tumulo ang mga luhang pigil-pigil ko.

Napahagulgol na ako.

Endless explosions.

Our people did nothing wrong.

How dare that Light Kingdom.

I was thinking what possible thing I can do to help while sitting here nang may maramdaman akong dumadaloy na likido sa gitna ng mga hita ko. Biglang huminto ang utak ko sa pag-iisip tungkol sa digmaan.

Manganganak na ako.

"Mahal!" I shouted with all my might. "Manganganak na yata ako!" dugtong ko.

Dali-daling pumasok si Blood sa silid namin. Kumapit agad ako sa braso ng asawa ko.

"Eldet, Mazi, at Tiya!" sigaw na tawag ng asawa ko. "Dalhin niyo ang aking asawa sa magiging kwarto ng anak namin. Maghanda kayo, manganganak na siya," tumango sila at inalalayan akong tumayo.

"Mahal ko mag-iingat ka," bilin ko habang namimilipit sa sakit. Alam kong sasali siya sa digmaang nagaganap sa labas.

"Oo,naman mahal ko. Magiging ayos din ang lahat," sabi niya at hinalikan ang noo ko.

~

redmigtak

Don't Forget To Comment and Vote Kitties see ya next week!

     "THE SACRED BOOK"Where stories live. Discover now