August 5 na ngayon. So ibig sabihin 6 na naman bukas at magmumukmok na naman siya sa kanila. Kaya inisip ko na yayain na sya na lumabas. Kasi wala din namang pasok bukas.

"Jad? Jam tayo bukas?"

"Ayoko may gagawin ako"

"Magmumukmok ka na naman sa kwarto mo?"

"Paano mo nalaman?"

"Nung june 6 nagpunta ako sa inyo. Nakausap ko din si tita norah nun. Tapos pinuntahan kita sa kwarto mo kaso naririnig kitang umiiyak kaya umuwi na lang ako nun din yung panahon na inadd kita sa fb"

"Ah ok."

"So ano? Tara bukas."

"Ayoko nga"

"Dali na"

"Oo na sige na. Saan ba?"

"Sa bahay"

"Mo? O sakin?"

"Sakin na lang. Jam tayo dun"

"Sige. Agahan mo gumising ha. Agahan ko pagpunta dun"

"Sige sige. Thank you :))" Tapos kiniss ko sya sa pisngi at lumayo na ko papuntang Cr. Nagulat din ako sa ginawa kong yun. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naggawa ng hindi ko inaasahan.

Jad cabrero

Nagulat ako sa ginawa nyang yun. Di ko napansin na namula ako at nag-init yung tenga ko. Tapos nung bumalik sya para pagpasok namin sa classroom binaliwala ko na lang kunware wala na lang nangyare. Kainis naman e. 6 bukas na dapat para kay ellah kaso no choice ako kasi nagmakaawa na sakin si jorine e.

Natapos yung klase. Naguwian na din kami. Hinatid ko sya sa bahay nila. As usual hanggang gate lang. Bukas pa nga lang ako makakapasok sa bahay nila e. Kaya medyo naeexcite ako.

Kinabukasan pag kagising ko niyakap ko na lang yung bear na nasa tabi ko. Yun yung bear na paboritong paborito ni ellah. At habang niyayakap ko yun napaluha na lang ako bigla. Hindi na din ako tinawag ni mommy kasi every 6 ang date di na sya nageexpect na lalabas ako ng kwarto maghapon. Pero tumayo na din ako and naligo at nagbihis tapos bumaba ako. Pag baba ko nakita ko si mommy nakatingin sakin tapos parang medyo gulat.

"Ma!, parang nakakita ka ng multo ah?"

"Hindi baby. Nagulat lang. San ka pupunta?"

"Kina jorine po. Mag jam po kami"

"Ah. Sige mag ingat ka ha. Kumain ka muna”

“Dun na lang ma panigurado naming pinaghanda ako ni jorine dun”

“Sige ikaw bahala. Teka hintayin mo ko dito" pumunta sya sa kitchen saglit pag balik nya meron syang inabot sakin na box na may ribbon tapos brownies yung laman.

"Para kanino to?"

"Bigay mo kay jorine. Sabihin mo miss ko na sya. Dumalaw sya pag may time dito. Nagtaka ako. Kasi magkakilala sila. Yung parang close na close talaga”

"Bakit nyo sya nakilala?"

"Every 6th of the month. Lagi syang nandito sa bahay. Hindi mo lang alam kasi nasa kwarto ka lang lagi" Nagulat ako sa sinabi ni mommy. So kaya pala hindi tinatanong sakin ni jorine kung may kapatid ako. At baka alam nya na din na magpinsan kami ni Rj. Tss nevermind.

"Ah ok ma. Gtg ma." Then i kiss her.

"Ok baby ingat ka."

Nagkotse na ko papunta kina jorine. Bukod sa mainit na sa labas may bitbit pa ako. Napag isip isip ko tuloy na kung nung june 6 pa lang alam nya na ginagawa ko so ibig sabig sabihin 3 months nya ng ginagawa yun pero di nya man lang sinasabi sakin. Bahala sya.

Ding dong~~Ding dong.

Pag ka doorbell ko agad nya akong pinapasok at pinapunta sa kitchen kasunod nya.

"Alam kong hindi ka pa kumakain kaya halika dito saluhan mo ko"

"busog pa ko" Pero ang totoo gutom na gutom na ko

"Tss. Wag mo nga akong niloloko. Dali na tabihan mo na ko dito"

"Oo na ito na"

"Ne sino sya?" Biglang may nagsalita sa likod namin.

"Ah manang. Si jad po classmate ko. Pwede po bang humingi ako ng favor?"

"Sure baby ano yun?"

"Pwede po bang ibili nyo ko ng beer? Thank you po"

"Basta kaunti lang ha"

"Manang. Damihan nyo po. Dalawa kaming iinom e. Mga 2 case. Dali na yaya. Please"

"Ok. Basta wag kakasobrahan pag di na kaya itigil na. Kung hindi lang dahil dyan sa please mo na ngayon ko lang ulit narinig hindi kita pag bibigyan e. Pinalambot ng lalaking yan puso mo ah." Tapos sabay tawa sya ng malakas at nag walk out.

“Ano ibig nyang sabihin na pinalambot ko puso nya? Tsaka oo nga di kita naririnig magplease ngayon lang?”

"Wag mo pansinin si manang. Nababaliw na naman yun"

"Ok fine. Ay teka may kunin lang ako sa kotse."

Pagkakuha ko ng box na pinabibigay ni mommy inabot ko sa kanya sinabi ko na galing nga kay mommy tapos dumalaw daw sya paminsan minsan hindi yung monthly lang syang dumadalaw. At nung na received nya ang laki ng ngiti nya sakin.

Maya maya lang niyaya nya na ako sa taas. Unang pinasukan namin yung kwarto nya tapos naggulat ako dun sa cabinet nya na puro eyeglasses lang din katulad lang din nung sakin. Tapos nung matapos kong isurvey yung mga salamin nakita ko na yung majority ng salamin na meron sya meron din ako. Tapos hinila nya ako palabas. Pumunta kami sa may pinakadulong pinto ng bahay pagpasok namin sobrang dilim tapos malamig. At nung binuksan nya yung ilaw nakita ko yung buong kwarto nakita ko yung mga instruments nya. Kumpleto sya. Ang dami ding nakasabit na gitara dun sa gilid tapos may drum set tapos mas sobra akong naamazed sa nakapaint sa buong palibot nung kwarto.

"Sinong artist pinagpaint mo ng kwarto mo? Ang galing e"

"Ako lang ang gumawa ng lahat ng yan"

"E? Sa susunod gawin mo din to sa music room ko ha."

"May bayad yun. Haha"

"Ano. Naman?"

"Pagiisipan ko pa :D"

Hanggang sa inabot na kami ng tagal dun ng walang naggagawang kanta. Hindi na din namin namalayan yung oras basta ang alam namin madilim na. Nagkwentuhan lang kami sa mga bagay bagay. ikinuwento ko kay jorine lahat ng nangyari samin ni ellah at ni Rj habang ikinukwento ko sa kanya naramdaman ko na medyo naluluha na ko. Hanggang sa medyo nalasing na ako nahilo na ako hindi ko na alam ginagawa ko. At at at………………………………

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dont Play Game With a NerdWhere stories live. Discover now