Chapter 10: ADOBO

Start from the beginning
                                    

"Ayoko nun." bigla kong sabi. 

Pero paborito ko naman talaga yun. One of my favorites. Pero, hindi ko lang feel kumain ng Adobo ngayon. Baka next time na lang. ^_^

Napansin kong nawala ung ngiti sa muka ni Gino.

"Huh? Ayaw? Diba paborito mo yun? Ako pa naman nagluto." nagtatakang tanong nya.

"Oo nga. Hindi ko lang feel kumain nyan ngayon. Sorry." direcho kong sabi.

Tumahimik na lang siya. I guess he let that go.

Pero teka..

"Ikaw nagluto?" napaharap pa ko sakanya.

"Oo." mahina nyang sagot. 

"Weh?" ulit ko pa.

"Oo nga!" 

"Mas lalo tuloy ayokong kumain." sumimangot siya.

"Grabe. Ang sama." 

Nagtataka kayo kung bakit? 

Eh kasi.. sa lahat-lahat ng ulam. Hindi niya maperfect or makuha ung timpla ng Adobo.

Nakailang ulit na kami dati but still, maalat or matabang, mapait, matamis, ung luto niya. 

Ang sama ko ba? Eh kasi naman. Hindi talaga masarap pag siya ung nagluto.. ng Adobo lang naman.

"Babe.." sabi ko sabay tabi sakanya.

Nanahimik lang sya.

"Eto naman.. Hindi na mabiro. Tara na. Kakain na ko." hinawakan ko ung kamay niya pero ayaw niya pa din.

"Babe naman eh. Kakain na nga ako. Sorry na.." niyakap ko pa siya pero waepek pa din.

"Babe--" bigla na lang siyang tumalikod at naglakad papuntang dining. Umupo na siya at kumain.

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now