chapter 01

34 6 0
                                    

Her POV.

Antagal ko ng trainee pero hindi padin ako nag dedebut .. at parang nawawalan nadin ako ng pag asa ..

"Hoy babaeta !!" napalingon naman ako ayan si carmela best friend ko sabay kami nag audition at sabay din kaming naging trainee ..

"Bakit ??"

"Si mr. Yang pinapatawag ka ,"

"at bakit ?? "

"hindi ko alam .."

"Oh sige na at may gagawin pako .." tsaka sya umalis ..

Inayos ko muna sintas ng sapatos ko .. nandito kasi ako sa dance studio katatapos kong sumayaw tumayo nako tsaka ako naglakad papunta sa office ni mr. Yang ..

By the way ako pala si danika sazaki .. 20 years old at hanggang ngayon trainee padin ako at wala ng nang yayari sa buhay ko charing ..

"Dan." napalingon naman ako.. napangiti ako kasi yung isang crush na crush ko na trainee.. Sino?? Ayan palapit sakin si bang yedam

"oh bat ka nandito ??" tanong nya

"pinapatawag ako ni mr. Yang eh"

"parehas pala tayo. "

Nagtaka tuloy ako bakit kami pinatawag ni mr. Ceo??

Kumatok na lang sya kinabahan ata ako bigla. . Tsaka nya binuksan Napa silip naman kami .

"pumasok kayo" sabi nya pumasok naman na kami. . Sabay bow

Nakatayo lang kami at nakaharap sakanya. .napa gulp naman ako ito kinakatakot ko ang nakakaharap ko si mr. Yang

"ma upo kayo" utos nya

Umupo naman kami. .

"alam nyo ba kung bat ko kayo pinatawag?? "

"hindi po" sabay naming sabi nagkatinginan naman kami ni yedam na parang nag tataka.. Sabay tingin din namin kay mr. Yang

"gusto ko maghanap kayo ng member .. Gusto ko yung kukunin nyo deserving para sa grupo nyo" nanlaki naman Mga mata ko

"mag dedebut naba kami ??" tanong ko..

Napangisi sya..

"hindi.. Sasabak kayo sa isang labanan "

Hindi ko alam pero dalawa lang nagiging reaction namin ni yedam gulat at pagtataka

"gagawa ako ng isang survival show.. "

"panong survival show?? " tanong ko

"mr. Yang dont tell me paglalabanin mo kami?? " sabi naman ni yedam at yun ang ikinagulat ko. . At ayokong marinig sagot ni mr. Ceo..

Ngumisi nanaman sya buset nag aasar ata to

"yun na nga.. Bibigyan ko kayo ng dalawang araw para maghanap ng member nyo. Mag ready kayo ng isang song na ipeperform nyo sa harap ko .. Titignan ko kung tama yang mga pinili nyo kung hindi papalitan ko din sila maliwanag?? "

Sasagot bako dito ?? Wait si yedam makakalaban ko?? Teka di ko ata kaya??

"bakit walang sumasagot??"

"o~opo" utal naming sagot ni yedam

"good.. Ngayon maghanap na kayo bukas mag practice na kayo and next day.. Evaluation"

Napa gulp naman ako. Teka grabe naman 1day?? Kaloka

"yun lang pwede.. Sige na umpisahan nyo na . Anim ang kukunin nyong member.. "

My Vision My weaknessesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ