Kabanata 1
" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na graduating student ka?! Kung ipagpapatuloy mo yang katamaran mo hindi ka makakapagtapos!"
" Sorry po sir." nakayuko kong sabi. Hindi ko naman kasi kasalanan na walang laman yung utak ko noh.
" Hay nako, maaga akong mamamatay dahil sayo Morales. "
Grabe everyday routine ko na ata yung ganito. Siguro hindi makukumpleto yung araw ko kung hindi ako napapagalitan ng mga prof ko.
Dahan dahan akong umupo. Hindi ko maiwasang hindi mahiya. Siguro yung ibang tao maaawa sakin pero karamihan sakanila ay naiinis dahil kesyo wala daw akong kwenta, napakabobo daw, walang isip, hindi bagay mamuhay sa mundo at kung ano ano pa. Sa una, oo, masakit pero habang tumatagal tinatanggap ko nalang kasi... totoo.
"Kringgg... Kringgg.. Kringgg.."
Nagring na yung bell.
"Okay class dismiss. Naubos lang oras ko kakasermon kay Morales."
Nang nakaalis na si sir nagsimula na ring magsialis ang mga kaklase ko. Ako? Dito nakatulala. Kahit naman umuwi ako agad ay sesermonan parin ako ng mga magulang ko eh at ang mas malala e baka bugbugin na naman ako. Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ganun sila.. Parang hindi ko sila mga magulang.
Maya maya ay biglang may nagsalita.
"Miss umuwi kana. Ila-lock na namin tong school." sabi ni manong guard.
Agad namang akong tumingin sa relos ko. Hala! Lagot ako kila mama! Isang oras na pala ako dito. Shet di ko namalayan!
Dali dali akong tumayo at lumabas ng school.
"Nako. Lagot ako... lagot ako... lagot.."
Paulit ulit kong sabi sa sarili.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ko samin. Natanaw ko agad si mama sa labas ng gate.... galit na galit.
"Ma sorr---"
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay isang malakas na sampal na agad ang sumalubong sakin.
"Wala ka talagang kwenta!" sigaw ni mama.
"Sorry po talag--"
Napasapo nalang ako sa pisngi ko ng tumama na naman ang palad ni mama sa kabilang pisngi ko.
"Berto! Nandito na yung magaling mong anak!" pagtawag nya kay papa.
Agad ko namang nakita si papa na pababa ng hagdan at may dalang mga damit.
"Wag mong papapasukin yan! Malas yan sa buhay natin!" sabi ni papa
Pagkalabas nya ng gate ay malakas nyang hinagis ang mga damit sa mukha ko.
"Lumayas ka! Wag ka nang babalik dito!"
Unti uniting pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagbuhos ng ulan. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko para parusahan ako ng ganto. Bakit parang ayaw na ayaw sakin ng mga tao? At pati mga magulang ko.. Bat ganyan sila? San ba ko nagkulang? Lahat naman ginawa ko? Anong bang problema?
Lalong lumakas ang buhos ng ulan. Wala sa sariling napaupo ako sa lupa. Tiningnan ko ang paligid. Hindi ko namalayan na nasa parke na pala ako. Hindi ko alam kung pano ako nakapunta dito basta nalang akong tumakbo at dinala ng mga paa ko dito.
Madilim ang paligid at tanging malakas lang na patak ng ulan ang maririnig mo. Bigla akong napatingin sa bata na nakaupo sa swing. Matiim na nakatingin sya saakin. Hindi ko alam pero parang may iba sa batang to. Lalapitan ko na sana sya pero biglang may naagaw ng pansin ko. Sa tabi ng bata ay may kumpol ng tubig na naipon dahil sa ulan. Wala sa sarili ko itong nilapitan at tinignan ang repleksyon ko sa tubig. Madungis, magulo ang buhok at basang basa ako ngayon. Habang nakatingin sa sarili ay unti unting bumabalik yung mga masasakit na alaala. Lalo pang dumami ang mga luha na umaagos sa mga mata ko.
Maya maya ay biglang nawala ang repleksyon ko sa tubig at napalitan ito ng imahe ng isang maliit na syudad. Teka.. Anong nangyari?
Wala sa sarili kong inilubog ang paa ko sa tubig. Unti unti itong lumubog hanggang lumubog na din ang tuhod ko. Teka bat ang lalim yata?
Dali dali kong inaangat ang paa ko at inahon sa tubig. Tinitigan ko lang yung tubig at nakikita ko parin ang maliit na syudad. Bigla nalang akong napatawa.
"haha nababaliw na ata ako."
Tumalikod na ako at akmang aalis na ng bigla akong madulas at mahulog sa lipon ng tubig dito sa lupa.
"ahhhh!!"
At bago ko pa malaman ay nahulog na ko mismo sa lipon ng tubig.
Pero... Pero bakit nalulunod ako? Bakit bigla akong napunta sa gitna ng karagatan?! Whaaaaa!!
Patuloy ako sa paglangoy paakyat pero imbes na tumaas ay lalo pa kong lumulubog.
"tulong! Tulonggg!" sabi ko sa isip ko.
"ayoko pang mamatay..."
Tuluyan na kong nawalan ng hininga. Siguro nga dito na matatapos ang lahat.. Masaya ako kasi sa wakas hindi na ko maghihirap...
Unti unting pumikit ang mga mata ko hanggang sa nawalan na ko ng malay.
____________
Owemgiiii!! Sana guys suportahan nyo ko. First time kong magsulat ng story kaya pagpasensyahan nyo na kung hindi ganun kaganda, pero I promise na magiimprove ako. Kindly support me guysss.. Yun Lang. labyall!!
ESTÁS LEYENDO
Vanishing in time
Ficción históricaArcie Morales. A girl who accidentally traveled back in time and meet Leandro Enriquez. As time flies the two fall for each other but how are they going to fight for a forbidden relationship. Can you really love a person who's a hundred years older...
