One

10 0 0
                                        

She is Claire Castro, 18 years old. Matagal na siyang may gusto sa kanyang matalik na kaibigan na si Ace. Kanina lamang ay nakasalubong niya ito at mukhang masayang masaya, na kanya naman kinatuwa sapagkat kung masaya ito ay masaya na rin siya. Maganda kasi ang mga ngiti nito at medyo matagal na rin niyang di nakikita ang magagandang ngiti nito sapagkat ilang linggo na itong matamlay kaya naman ng makita niyang masigla ito ay kanyang kinatuwa. 

Naka-upo siya sa isa sa mga bench sa kanilang school nakatingin sa kalangitan kahit na nakasisilaw ang sinag ng araw atsaka ngumiti sa kalangitan. 

"Gusto ko pang makita ang mga ngiti mo sa labi" walang kamalay malay niyang na sabi ang mga salitang iyon. 

Wala siya sa sariling nakatingin sa kalangitan sapagkat pinapantasya niya ang kanyang matalik na kaibigan. Nang biglang may tumawag sa kanya na sanhi ng kanyang pagkagulat, kaya't naman bumalik siya sa kanya wisyo.

" Chin!!" tawag sa kanya ni Ace at tinabihan siya sa bench.

"Ano naman kailangan mo?" 

"May good news ako sayo" nakangiti nitong sabi sa kanya, gusto niya na lang malusaw dahil sa nakakasulaw na mga ngiti nito. 

"Siguraduhin mong goodnews yan ah" hinampas pa niya ito sa may braso.

"Oo, treat pa nga kitang Mcdo maya dahil sa goodnews na'to." para namang nagpintig ang kanyang tenga nang marinig niya ang salitang libre.

"Hoy, basta libre di ko tinatanggihan yan" 

"After class ko, maiwan na muna kita malapit na next class ko. Bye!!!" kumakaway kaway pa ito habang tumatakbo papunta sa kanyang next class. 

Napangisi naman ito , ayan yung isa sa mga gusto niya kay Ace na parang napapagaan nito yung kanyang pakiramdam sa simpleng aksyon lang nito. Kung pano nito pagaanin ang kanyang loob ang isa sa nagustuhan niya. 

Tumayo na rin siya para pumasok sa next class, mukha inspiradong haharapin at mananatili siyang gising sa susunod niya klase sapagkat siya ay inspirado. 

Natapos ang kanilang klase na mukhang wala naman siyang natutunan kasi buong klase nasa isip niya lang na makikita niya si Ace mamaya at kakain sila. Kaya naman pagkalabas niya ng room ay aga niyang kinuha sa bag ang kanyang cellphone para tignan kung may text si Ace at tama nga ang kanyang hinala meron nga itong text. Magkita na lang daw sila sa Mcdo mismo. Kaya naman kulang na lang ay takbuhin niya na simula sa building nila hanggang Mcdo makasama niya lang ulit si Ace. Iba sigurado talaga nagagawa kapag mahal mo yung isang tao para kang nagiging ibang tao. 

Nang makarating siya sa Mcdo hinihingal pa nitong binuksan ang pinto at nakita niya kumakaway kaway ang binata sa kanya. Pinuntahan niya ito, mas lalo siyang kinilig ng makita niyang alam na nito ang o-orderin niya. 

"Alam na alam ah" sabi niya at umupo na siya sa katapat na upuan nito. 

"Syempre"

"Ano pala yung good news?" sabi niya atsaka kinuha ang burger atsaka kinain habang nagsasalita. 

"Siyempre kaya titreat kita kasi may girlfriend na ako" masaya nitong sabi sa kanya na hindi niya kinatuwa dahil ng paglakas ng tawa niya.

"Nagbibiro ka ba? Ikaw magkaka-girlfriend" mayabang pa itong tumango-tango sa kanya. 

"Oo naman wala ka bang bilib sa akin" masakit sa kanya at ayaw niya man itong paniwalaan pero mas minabuti na nitong umaaktong normal lang sa kanya ang balitang pinahayad nito. 

"Congrats" ayan na lang nasabi niya, sobrang sakit halos nawala na siyang kainin ang burger na kanyang kinakain. 

"Thanks you, Chin. I want you guys to know each other sooner." halos maiiyak na siya kaya naman parang pilit na ngiti itong ngumiti sa kanya. 

"Yeah, I'm looking forward for it." medyo napipiyok niyang sabi. Nakita niyang nagbago itsura ng mukha nito at nag-aalala siya tinignan. 

"Are you okay?" pagtatanong nito. 

"Pabalot na lang natin ito, medyo masama kasi pakiramdam ko ngayon"

"Okay, take care yourself din kasi minsan puro ka-study dyan pano naman health mo" pagpapagalit naman nito sa kanya. 

Masakit para siyang pinagbaksakan ng langit at lupa sa narinig niya galing sa binata. Wala siyang karapatan na diktahan ito sapagkat kaibigan lang naman siya sa buhay nito. Nasasaktan siya dahil wala siyang magawa para rito. Sobrang sakit na parang pinupokpok ang kanyang dibdib.

Pagkadating niya sa bahay agad siyang pumasok sa kwarto at nagmukmok hanggang gabi.




Solely YouStories to obsess over. Discover now