"Life is a long journey and walking it alone is yeah, lonely. Hindi ba mas masaya kapag may kasama ka? You're right, not everyone will go the same way as yours. You might get hurt along the way. But you can still meet a lot of people on the way. It is all about taking chances and gaining experiences. Something worth to put in your baggage. Something worth to carry until you reach the finish line."

Mahinang tumango si Rocky. "Don't worry, I have one now."

"I'm sorry, dude?"

"I have..." He pointed his finger on me. "You. Can I keep you until the finish line?"

My eyes widened in shock. Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko matantiya kung seryoso ba siya o isa na naman ito sa kanyang mga banat na kalokohan lang.

"Ayaw mo ba?" bahagyang lumungkot ang kanyang boses.

"H-Hindi naman---"

"It's okay. I have God," he cut me out. "He won't abandon me no matter how evil I am."

"Sira. Iba pa rin 'yung tao na maituturing mong kaibiga---"

"Are you suggesting yourself?" Ngumiti ito nang nakakaloko. "Okay, fine. Hindi naman kita matitiis."

Natawa na lang ako. Maaga pa naman kaya napagpasyahan akong dalhin ni Rocky sa kanyang tinutuluyang condominium. Since, alam na niya bahay ko ay gusto naman niyang sa kanya ang malaman ko. Medyo malayo pa ang binaybay namin bago kami huminto sa isang nakakalulang building.

We got in the elevator and stopped at the 79th floor. Naglakad pa kami nang bahagya bago huminto sa isang room. Binuksan 'yon ni Rocky. Napangiwi ako nang makita ang pinakamakalat na bahay na napuntahan ko sa buong buhay ko.

Nakakalat sa sala ang mga balat ng mga junkfoods, mga unan, may bote pa ng alak. Kitang-kita ang lahat ng kalat dahil nakataas ang puting kurtina at nakatutok ang sinag ng araw.

"Pasensya na medyo magulo," ani Rocky bago pinulot ang unan at binato sa sofa.

"Okay lang. Medyo lang naman magulo eh," pabalang kong sagot.

"Ayaw mong pumasok?" tanong niya sa akin nang manatili ako sa gilid ng pinto.

Ako ang nahihiya sa gulo ng condo unit niya. May mga damit pa sa sahig. Namula ang mukha ko at mabilis na umiwas ng tingin nang makita ang kulay itim na boxer short sa sahig.

"Maupo ka," turo ni Rocky sa sofa na kung saan may isa pang laptop na nakapatong. "Sige na. Huwag kang mahiya. Kukuha lang ako nang maiinom natin. Juice, coffee, tea or softdrinks?"

Tumabi lang ako sa sofa at hindi umupo.

"Juice na lang," sabi ko habang pinipigilan ang sariling mapatingin na naman sa bagay na 'yon.

"Sige." Kumunot ang noo nito. Napansin ata niyang hindi ako umuupo. "Baka mangawit ka. Kukuha lang ako ng juice." Saka na siya lumabas.

Napabuntong-hininga na lang ako bago tinignan ang couch. Inayos ko ang mga throw pillow do'n at itinabi ang laptop. Lumapit ako sa kurtina. Mula rito ay kitang-kita ang taas namin. Nakakalula. Alam kong maganda ang view dito kapag gabi. Bahagya kong ibinaba ang kurtina para naman maitago ang ibang kalat.

May malaking flat screen TV. May dalawang kwarto rito. May isang aquarium sa gilid na may isang isda. Nilakasan ko ang AC dahil naiinitan ako. Nang mangawit ay umupo na rin ako.

"Medyo..." bulong ko habang nakatingin sa mga kalat.

Lalaki rin naman si Mikael at minsan ay makalat, pero marunong naman siyang maglinis. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Rocky. Paano niya nasisikmura ang ganito karuming bahay? Maganda nga ang condo unit na ito pero nagmumukhang low class dahil sa hindi nalilinis.

Every GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora