Nasa club kame ngayon kasama yung mga high school friends namen. Dapat kase mag sasambo lang talaga pero yung isa nameng friend ang nag ayang mag inom, halos lahat napayag. Kame lang yata ni cel ang tumanggi kase pati si bea ay pumayag rin.




Wala na kameng nagawa ni cel kundi sumama na rin, syempre sasama si bea, siguradong mag iinom ito ng bongga at malalaseng na naman po sya. Saka ipinagkatiwala sa kin ang babaeng ito ni tita det kaya may responsibilidad ako.




"Iba ang kutob ko, cel." ako. "Parang may ano eh....."




"Jusko, maxine!" si cel. "Ayan ka na naman. Walang mangyayare no."




"Di mo naman ako masisisi na mag isip agad ng ganon lalo na at mag iinom na naman si bea." ako na panay lang tingin kay bea na kausap ng isa nameng friend sa kabilang upuan. "Alam naman naten kung pano nasaktan sya sa nangyare sa kanila ni jho tas partida pa nyan ha di pa sya nag iinom nun. Pano pa kaya mamaya pag nalaseng na tong friend naten?"




"Hindi yan. Nukaba?!" si cel tas uminom na rin. "Nasabihan naman naten sya di ba na wag magpapakalaseng kung hindi isusumbong naten sya kay tita det."




"As if naman makikinig talaga sa tin ang pasaway na yan." si maki. "Kilala mo naman yun pag nasapian na yan ng espirito ng alak ay wala na.....May magdadrama na naman po."




"Imbes na intindihin mo yan, mag enjoy ka na nga muna." si cel. "Nag tatamang hinala ka na eh. Pag narinig at nalaman yan ni bea ay naku baka pagtawanan ka pa nya."




Baka nga napaparanoid lang ako. Pinangungunahan ko na yung mangyayare kahit wala pa man talaga. Ini-stress ko lang yung sarili ko,  Actully, almost 2hours na kame pero pansin ko namang matino pa si bea. Patagay tagay lang to ngayon kausap yung isa pa nameng high school friend.




Ewan ko ba kahit pilitin kong mag enjoy muna ay di ko magawa talaga. Para na nga akong yaya ni bea na lageng nakamasid sa kanya, sa mga ginagawa nya. Nagtatanong kung san sya pupunta, lageng binibilinan na wag magpakalaseng at kung anu ano pa. Haisstt!




"Sorry. Nagpasama kase yung isa kong friend." bungad agad neto ng makalapit na sa kin. "Asan sya?" sabay libot ng paningin.




"Ayun." nguso ko sa kabilang table. "Salamat madz ah, kaw lang yung close at kilala ko sa team nyo eh, syempre bukod kay ano....." at sumimsim sa iniinom ko.




"Nukaba!" si maddie at natawa. "Okay lang."




Tinawagan ko sya kase for back up sana kung sakaling may gagawing di maganda si bea ay may kasama at katulong ako dahil ying magaling kong friend na si cel ay may amats na. Mas naunahan pang magkatama kesa dun sa binabantayan namen.




"Buti na lang talaga di ka pa umuuwi sa davao." ako.




Natawa si maddie. "Nasa pinsan ako ngayon nag stay dito sa manila."




"Kelan ang uwi mo?" ako.




"Ha?...." si maddie na parang nagisip pa sandali. "Depende...."





"Depende sa ano?" balik ko sa kanya.




"D-depende kung---"




"Hey, madz. What are you doing here?"




Sabay kameng napatingala sa harapan namen. Si bea pala at ang famous kunot noo neto ng makita si maddie dito sa club at kakwentuhan ko.




Best thing i (N)EVER hadKde žijí příběhy. Začni objevovat