Chapter | Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

        Agad akong tumakbo sa kanyang gawi at sa mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin. Kung huhugutin ko ba ang patalim o hahayaan na lang o uunahin ko muna ang bataong nakadagan sa mga paa niya.

        "Axon," anas ko habang nagpalinga-linga sa paligid para humingin ng tulong.

        "Wag mo nang tangkain humingi ng tulong E-Emerson," wika niya saka hinigpitan ang hawak sa may braso ko marahil ay sumisiid na ang sakit sa sugat kugn saan nakabaon ang patalim.

        "May pag-asa pa Axon."

        "Wala na." Huminga siya ng malalim and sinusubukan niyang pakalmahin ang kanyang nalalantang katawan. "I-ito na 'yung k-kamatayan ko."

        "'Wag mong sabihin 'yan."

Sinubukan niyang ngumiti kahit papaano. "E-Emerson... wala na akong oras. K-kailangan mong patayin si Sabrina para bumalik ang lahat sa normal. Kailangan maibalik ang balanse ng mundo para matapos ang lahat ng ito."

        "H-hindi," iling ko, "hindi ko p-pwedeng mangyari 'yon Axon. Hindi pwede!"

Ang dugo ay nag-uumpisa nang umakyat sa kanyang lalamunan. "I-iyon lang ang tanging paraan Emerson."

        Bago pa 'ko makasagot ay nawalan na ng buhay si Axon. Mabilis na nanlamig ang kanyang katawan at 'di kalaunan ay naging yelo ang kabuuan niya at unti-unti natunaw pero hindi naging tubig kundi naging balahibo siya at tinangay ito ng hangin.

        Naiwan akong natutula at sa muling pagdilat ng aking mga mata ay nasa apartelle na kami kasama si Sabrina. Nakaupo ako sa sofa at katabi ko si Aldrin na nanunuod ng balita. Hindi na ako nagtaka kung papaano nangyari iyon. Ibig sabihin kagagawan iyon lahat ni Axon para magkita kaming muli kahit sa huling sandali ng buhay niya. He was been a good friend and a great guide. At alam ko na kahit hindi ako ang pumatay sa kanya ay ako pa rin ang may kasalanan ng lahat. It will always be my fault. Wala sanang kaguluhan at wala sanang mga buhay na nadadamay kung hindi sa kagagawan ko.

        I'm a monster. Worst than a predator.

        "Parang wala ka sa sarili mo," ani ni Aldrin nang mapansing may pagtataka sa'king mga mata.

        "Huh?" untag ko na parang hindi ko narinig ang sinabi niya.

        "Sabi ko parang ngayon ka lang dumating dito sa bahay. Kanina ka pa kaya namin kinakausap parang wala ka sa sarili mo. Para kang naka-autopilot."

        "Ahh," iyon lang ang nasabi ko. "M-masama lang ang pakiramdam ko," pagkuwa'y pagdadahilan ko atsaka tumayo at nagtungo sa maliit na terasa kung nasaan naroon din si Peige habang may hawak na baso ng juice at nakatanaw sa malayo.

        Tumingin muna ako sa'king likuran at siniguradong walang makakarinig ng sasabihin ko. "You knew all along," nag-aakusang sabi ko. Dahil alam kong alam na ni Peige na mangyayari ito noong isang gabing nag-uusap kami. Na ito ang solusyon para matapos ang lahat at bumalik ang katahimikan: Kamatayan ni Sabrina.

        "Anong ibig mong sabihin?" humarap siya sa'kin.

        "You knew all along na kailangan kong patayin si," humina ang tinig ko bago ko binaggit ang kanyang pangalana, "si S-Sabrina. Iyon hindi ba? Iyon ang nakita mong solusyon para pigilan ang plano ni Ergott, hindi ba?"

        Nag-iwas ng tingin si Peige at ibinalik ang tingin sa malayo. Feeling relieved. "Yes," pagkukumpirma niya. "H-how did you know? A-ayaw ko muna sanang sabihin ito dahil hindi ko alam kung tama ang hinala ko o nag-iimbento lang ako ng solusyon."

        "Tama ka dahil iyon ang solusyon na sinabi sa'kin ni Axon. B-bakit kailangan ko siyang patayin?" tanong ko kahit alam ko na rin ang isasagot niya sa'kin.

        "Dahil siya ang sumira ng balanse ng lahat ng mundo. Kungbaga virus na kinuha mo sa hukay at binuhay mo siya sa kasalukuyan. Kaya para bumalik sa normal ang lahat ay kailangan mo siyang..."

        "Patayin."

        "I'm sorry," mahinang sabi niya.

Ngayon pa lang nag-fully sinked-in sa'kin ang katotohanang totoo nga ang sinasabi ni Axon. At sa pananaw ko kugn ako ang magdedesisyon ng solusyon base sa mga nagaganap ay ito rin ang nakikita kong nag-iisang pag-asa ng lahat. Pero ang isipin ko pa lang na papatayin ko si Sabrina ay tila kinikitil ko na rin ang sarili ko at parang sinasakmal ko na rin ang aking tumitibok na puso.

___________________

NOTE:         Hi po Reader :) Nagpapasalamat ako sa patuloy mong pagbabasa at hindi ko mailarawan kung gaano ako ka-blessing dahil may sumusuportang gaya mo. Kung may time ka, iwan ka naman ng comment hihi. Salamat ulit at God bless :)

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon