Prologue

19 1 0
                                    


"No! Hindi ako papayag. Ano? Wala ka bang gagawin? Susunod ka na naman sa kanila?"

Jana upbraided me.

"Babe, wala akong choice."

"Wala kang choice? Eh ano ba ako sayo Levi? Mahal mo ba ako?"

"Mahal na mahal kita Ja."

"Pero bakit? Bakit wala kang choice?"

"Hindi na maganda ang takbo ng kompanya namin. At ang tanging paraan para maisalba namin to ay ang pakasalan ang nag-iisang anak ng mga Reyes."

"Pambayad utang ka? Ganun? Aren't you resisting about it? Levi, papayag ka? Ginagamit ka lang ng mga magulang mo"

Alam ko. Alam kong ginagamit lang ako ng tatay ko. At alam ko ring wala akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Dahil kapag tinanggihan ko yun, hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng nanay ko. Wala, anak sa labas eh. At kabit lang si Mama.

"I tried. Pero Ja, alam mo naman kung sino at ano ako sa bahay diba."

"Are you giving me up?" She asked me almost crying. And it hurts me to see her that way.

"Ayoko. Ayokong mawala ka sakin. I love you so much Ja."

"Anong iniisip mo? Levi, ayokong mawala ka sakin. Please."

"Ssh. Makinig ka sakin, hindi pa naman kami pwedeng ikasal eh. I'm 16 and she's 15. Maghihintay pa kami ng tatlong taon para mangyari yun. Sa ngayon, kontrata lang ang kailangan. I can still do something. Hahanap ako ng paraan. I will make my dad realize na may pwede pa kaming gawin para maisalba ang kompanya nya. Tutulungan mo ba ako?"
Yun lang ang naiisip kong paraan sa ngayon. Ang ipakitang pumapayag ako sa gusto nila.

"Yes. Yes. I will help, I promise. Basta wag ka lang mawala sakin Levi."
Jana hugged me. And it makes me feel better. Yung alam kong hindi ako nag-iisa and I got her.

" Pero, may hihingin sana akong pabor sayo?"

"Ano yun?"

"Nobody should know that I still have a girlfriend. I'm sorry babe, but we need to do this. For now. Hanggang maayos ko na to lahat."

Alam kong labag sa kalooban nya ang gusto kong mangyari pero pumayag sya.

"Wag kang mag-alala, I'll always make way to get up to you. Madalas pa rin tayong magkikita."

"Promise?"

"Pangako."

-----

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Amante InocenteWhere stories live. Discover now