For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Julia's POV 

Pagkagaling sa Toy Kingdom. Naglibot pa ulit kami sandali. Ang dami nga namin napamili. Ang nakakahiya pa,si Daniel lahat nagbayad. Ayaw akong pagastusin eh. Ang sweet tlaga. Tapos siya rin nagbitbit sa ubod ng daming paperbags. Ayaw akong pagbibitin kahit isa eh. Mukha tuloy siyang alalay ko. Hahaha

"Kawawa naman yung guy oh,pinapahirapan ni girl" sabi nung babae

"Oo nga. Hayaan mo na. Baka may LQ lang cguro yung dalawa" sabi naman nung kasama niya

Napatingin ako sa kanya. Parehas kaming nagpigil ng tawa. Nung nakita namin na nakalayo na yung dalawang babae saka kami humagalpak ng tawa

"HAHAHAHAHAHAHA......HAHAHAHAHA" tawa pa namin. 5 minutes din siguro bago kami tumigil ng katatawa. 

"Ikaw kasi. Hahaha. Ayaw mo ako patulungin,kung anu-ano tuloy iniisip ng mga tao ngayon" sabi ko pa na hinihingal

"Hahaha. Nakakatawa sila mag-isip. Hayaan mo na lang sila sa iniisip nila. Ginagawa ko yo dahil mahal kita" sabi niya

"Wow! Tugma pa yung cnabi mo. Hahahaha" Sabi ko pa. Nagtawanan lang ulit.

Nakaramdam din ako ng pagod at gutom. Kaya naupo muna ko sa isang bench

"Pagod ka na ba?" I just nod 

"Gutom ka na ba?" tanong ulit niya

"Mind reader ka ba?" sabi ko pa.

"hahaha. Hindi naman. Ganun ata talaga kapag mahal mo yung tao" sabi niya. Mahina yung pagkasabi niya nung huling sentence. Hindi ko tuloy nadinig,dahil na rin cguro sa ingay sa mall

"hah? Anu sabi mo? Hindi ko kasi nadinig" pagtatanung ko sa kanya

"Wala. Sabi ko bumili ka ng cotton buds. Ang bingi mo eh" sabi pa niya. Tumawa lang ako

"Tara na. kain na tayo" sabi niya sabay abot sa akin ng isang kamay niya. Humawak ako dito saka tumayo. Nakita ko na sa jollibee na naman kami kakain

"Mukhang gustong-gusto mo sa jollibee ah" sabi ko sa kanya

"Hehe. Hindi naman" sabi niya. 

Nung makahanap kami ng upuan. Nilapag niya yung mga pinamili namin.

"Wait lang ah. Order lang ako" tumango na lang ako saka siya umalis.

Konti lang naman ang tao sa jollibee. Ang ipinagtataka ko lang. 15 minutes nang wala si Dj. Ang tagal naman niya..

And finally ayan na siya. Hawak-hawak yung trey

"Sorry nagtagal ah" sabi niya

"Okay lang" sabi ko sabay ngiti.

Nilapag niya yung pinggan sa harap ko na pa-heart shape <3 tapos may nakalagay pang "Dj <3"

"Ui. Dj sayo yata toh. Namali ka ata ng bigay na pinggan" sabi ko sa kanya sabay tulak ng pinggan papunta sa kanya.

"Anu ka ba. Sayo yan" sabi niya sabay usog sa pinggan pabalik sa akin.

"hah? Eh bakit Dj nakalagay? Tapos may heart pa?" pagtatanung ko sa kanya

"DJ stands for Daniel & Julia ok?" sabi niya sabay smile. 

"Ahh.. Kaya pala" hahaha.. Hangsweeet :">

-katatapos lang namin kumain-

"Tara na" pag-aaya niya

"Teka anung oras pa lang ba? Ang aga natin umalis kanina eh. Uuwi na tayo? Hapon pa lang" sabi ko  sa kanya

"Chillax ka lang. Hahaha. May pupuntahan pa tayo" sabi niya na parang inaakit ako. Sabay kindat

Oh my. Saan ako dadalin ni Dj? Lord. Help me. Mabait namang tao si Dj kaya alam kong hindi niya yun gagawin. 

Pero. Hindi ako mapakali kung saan ba talaga ako dadalin ni Dj? Wahhhh.. Kinakabahan ako. Lalo na sa tingin niya. Hindi pa nga kami. Ganyan na sya. Waaah !.

----

Putol muna :)

Saan nga kaya dadalin ni dj si julia? Hmm..

May part 3 pa po ang date nila

Wait for my next update ;))

Vote...

Comment...

Become a Fan...

Add to Reading List/Library 

thank you :)

-CutePrincess28

Should I Choose You ? (JulNiel) [Revising]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!