Love #1 Edited

Beginne am Anfang
                                    

Siguro nga wala akong pag-asa sa kanya. Pero naniniwala parin ako na walang imposible sa mundong to.

" Oi! Tigilan niyo nga si Sade! Nagmumukha ka lang tanga diyan, paulit ulit ka. " sabi ni Belle. Siya yung kaklase kong may pagka boyish dahil makikita mo naman sa kilos at pananalita, parang kayang makipagbugbugan.

" Psh! " yun nalang ang nasabi ni Bernard at naglakad sa may blackboard at nagsimulang magpashoot ng chalk sa dust board.

Ng makaalis na si Bernard hinarap ko si Belle.

" Hindi mo na dapat sinagot yun, baka pagdiskitahan ka pa nun. Pero salamat. " sabi ko sa kanya at binuksan nalang ulit yung librong binabasa ko bago dumaan si Stephanie.

" Tss. Kayang kaya ko naman yun. " sabi niya sakin kaya naman tiningala ko siya.

" Yabang mo. Bumalik ka na nga dun sa upuan mo. " sabi ko sakanya at tinapik siya palayo.

" Basta wag kang makinig sakanila. Magtiwala ka lang sa sarili mo. " sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit alam ko na yun dati pa, pakiramdam ko nadagdagan yung determinasyon ko dahil may nagsasabi sakin na parang tama yung ginagawa ko.

***

Stephanie's POV

Nandito ko sa may library, buti nalang may upuan dito kaya hindi ako nangangalay sa paghihintay kayna Krystal at Luna na manggagaling sa covered court dahil hindi sila nakapag practical quiz kanina.

Nagulat pa ko ng malakas na bumukas yung katabi kong pintuan ng library at patakbong lumabas si Bernard. Tss, pasaway.

Hindi nagtagal bumukas ulit yung pinto at nagmamadali namang lumabas si Sade na walang salamin. Hindi ko alam pero parang ang gwapo niya pag walang salamin.

"S-sade! " tawag ko na agad naman niyang nilingon.

"Yung glasses mo? Nakay Bernard." sabi ko sakanya.

"O-o nga. P-pinagtripan ako." sabi niya na parang gulat na gulat na tinawag ko siya.

"Tulungan na kitang kunin? " sabi ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit inaalok ko siya ng tulong kahit na wala naman ako dapat pakielam.

" Hindi, okay na ko. May gagawin ka pa ata. " sabi niya at tumakbo narin para sundan si Bernard.

Mga bwisit sa lipunan talaga yung mga bully na yan.

" Girl! " tawag sakin ni Luna na parang nagmamadali.

" Ang tagal niyo ah! " pagrereklamo ko.

" Tara dun! Nagsusuntukan si Chester at Sade!! " sigaw naman ni Krystal. Ano ba yan ang bilis ha!  Parang kanina lang kasama ko si Sade tapos ngayon nagsusuntukan na.

Tumakbo na sila kaya sumunod na ko. Ano bang nangyayare sa mundong earth?

"Wow ha, maalam ka pala makipagsuntukan, akala ko basa ka lang ng basa. Pero ito lang ang gusto kong sabihin sayo ha, mag back-out ka nalang sa buhay ni Stephanie tutal stalker ka lang naman niya. " sarkastikong sabi ni Paul kay Sade nang maabutan naming tatlo.

"Putangina mo Paul. Oo nga sinusundan ko lagi si Stephanie, alam ko yung mga tungkol sakanya pero ano bang pakielam mo? Hindi naman ako nangingielam sa panliligaw mo ah! Kung nangangamba ka dahil lang sa tulad ko, masasabi kong duwag ka. "

"Basta tigilan mo si Stephanie dahil sigurado naman akong ako ang sasagutin niya eh. " mayabang na sabi ni Paul at sinikmuraan Si Sade.

Napaluhod si Sade kaya naman sumingit na ko bago pa sundan ng suntok ni Paul si Sade. Ngayon parang nagiguilty ako sa mga nangyayari kahit alam kong wala naman akong dapat ikaguilty pero the fact na ako yung dahilan ng pag-aaway nila nagsisisi akong naging maganda pa ko.

[Takte. Naibawi mo pa yun ha? GGSS?]

"Ano bang problema niyo sa kanya?! " tanong ko kay Chester at Bernard.

Dahan dahan kong itinayo si Sade.

" Steph... " rinig kong sabi ni Sade sakin matapos ko siyang maitayo ng maayos.

" Langya ano to? Ano bang ginawa niya sayo? " mariin na sabi ko na sapat lang para marinig niya. Masyado ng maraming nakikisawsaw, di uso dito sa dalawa ang salitang privacy eh kaya dito pa nagsuntukan.

" Inaagaw ka niya sakin, kahit wala naman siyang pag-asa. " sabi niya na ikinainis ko.

" Hindi mo naman ako pagmamay-ari Paul. Kaya kung ako ang tatanungin, mas mabuti pang si Sade nalang, kasi he's not causing me any trouble! Kaya kung ako sayo, tigilan niyo na si Sade pati narin ako. " sabi ko sakanila at inalalayan na si Sade maglakad.

Biglang inagaw ni Paul yung glasses na kinuha ni Bernard kay Sade at binato. Sira na e. Sarap sapakin. =___=

" Let's just buy a new one. " sabi ko sa kanya at kinuha yung sirang glasses.

Nagpaalam na ko kayna Luna at Krystal, si Sade nalang muna ang sasamahan ko, this time he's my responsibility.

" Sorry. " sabi ko kay Sade ngayong nadito na kami sa kotse namin.

" B-bakit naman? " tanong niya sakin.

" Kasi ako ang dahilan kung bakit ginaganun ka nina Paul, kung hindi naman dahil sakin hindi ka naman gaganunin nun e." sabi ko sa kanya.

" Di ah. Wala ka namang kasalanan dun eh. " sabi niya na halos nakatungo lang pag nakikipag usap sakin.

Kesa naman magtalo pa kami, ibinigay ko yung glasses niyang nasira.

" Papaltan nalang natin yan, sasamahan kita. " sabi ko sa kanya.

" H-hindi na. Wag nalang. " sabi niya sakin and gave me a weak smile.

" Sigurado ka? "

Tumango siya kaya hindi ko na pinilit dahil ramdam ko yung pagka ilang niya sakin.

"Kain nalang tayo ng dinner, okay lang ba sayo? "

***

" May masakit ba sayo? " tanong ko kay ngayong nandito kami sa parking lot ng mall at nagpa take out nalang kay manong ng pagkain dahil mahihirapan pa Si Sade maglakad.

" Wala naman. " sabi niya. Kung nakikita niyo lang talaga, ang gwapo niya. Hindi ko talaga inakala, grabe.

" Buti naman. Nga pala, sabihin mo sakin kapag hindi ka nila tinigilan ha? Papasalvage ko. " sabi ko sakanya.

Napatawa siya ng mahina at tumango.

Pagkatapos namin nagpaiwan na siya sa bus stop sa labasan ng mall dahil masyado daw malayo ang iikutin kung ihahatid pa namin siya at masyado na kaming gagabihin ni manong. Sobrang bait niya, sobrang caring at parang nararamdaman mo yung importance mo kapag siya yung kasama mo, na parang hindi ko naranasan sakanya.

¬

A/N: Edited version na to mga tsong sana magustuhan niyo.

Love,

Exo_KimDo13

Love [HunLi FanFic]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt