July 10 (One Shot) [Kyungsoo FF]

343 23 2
                                    

“Hoy Shaley, late ka nang bata ka. Wala ka bang balak pumasok ha?”

Tumayo na ako dahil nag wawala na yung tita ko sa galit, kahit kelan talaga tong tita ko oh. Palibhasa matandang dalaga.

“Ito na po.”  

Sabi ko at pumunta na sa c.r ok lang na malate ako, para naman sabay kami nang crush ko sa pag pasok. Lagi kaya yun late, teka kailangan ko pa bang magpakilala? Wag na, di naman yun importante.

“Hoy Shaley Ann Madrigal, dyan ka nab a titira sa c.r ha?”

Sabi ko nga eh, aalis na ko sa c.r eh. Pagkatapos maligo malamang nag bihis na ako nang school  uniform ko. Pagkatapos ay kinuha ko na yung baon ko.

“Tita pamasahe ko?”

Sabi ko habang nakalahad yung kamay ko.

“Oh ito na, mag iingat ka ah. Nabasa ko kanina sa dyaryo na malas daw itong araw na to sayo.” 

Tiktik na yan, naniniwala dun si Tita?

“Sige po, alis na ko.”

Sabi ko at lumayas na sa harap niya, pumunta naman ako agad sa terminal. Baka kasi na unahan na ko nang crush ko eh.

“Sha.”

Pag tingin ko sa tumawag sakin nakita ko si crush, oo nga pala kilala ako nang lalakeng to kasi

“Nakita mo ba si Bea?”

Sympre hahanapin niya yung girlfriend niya, tsk bat kasi sumali ako sa dance troupe yan tuloy nagging close kami nang babaeng yun.

“Ewan ko.”

Magsasalita na sana siya kaso nga lang may tumigil nang jeep sumakay naman ako agad, tapos umupo ako sa may pinakadulo yung sa likod nang driver.

“Bat dito ka umupo?”

Pagtingin ko katabi ko na pala si Kyungsoo.

“Eh sa gusto ko dito eh, saka kung ayaw mo ditto dat di ka na tumabi sakin.”

Asar na sabi ko sakanya, sarap sapakin nang lalakeng to.

“Ito an gaga aga ang init nang ulo mo, kumain ka na ba?”

Tanong naman niya sakin.

“Hindi pa.”

Sabi ko naman sakanya.

July 10 (One Shot) [Kyungsoo FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon