Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2

Mulai dari awal
                                    

 

*Tsk! Kung ganon ay ikaw pala si Hades Hellsflame Olympus.” Sambit ni Viel.

Sa mga oras na ito ay kasalukuyang lumilipad ang apat na phoenix sa ibabaw ni Hades at nakahanda na ang mga ito sa ipag-uutos ng kanilang itinuturing na ama.

“Tama! Ako nga si Hades Hellsflame Olympus! Ang dyos ng apoy! Sisiguraduhin kong magiging mga abo kayo, mga taong pusa!” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

*Fufufu.. Tingnan ko lang ang galing mo.” Nakangiting pagkakasambit ni Viel.

Matapos magsalita ay sumenyas na si Viel sa kaniyang mga kasamahan na palibutan nila si Hades. Agad namang na-alerto si Hades at mabilis na pinakilos ang kaniyang mga phoenix na lumipad at sunugin ang mga puno sa kanilang paligid.

*** SFX: Ruuuuuuuuuuuuuuuuu! *Burn! *Burn! *Burn! *Burn! ***

Mabilis na napa-atras ang mga werewolf na kasalukuyan ngayong naka-paikot kay Hades, dahil na rin sa mga nasusunog na puno sa kanilang paligid.

 

*Fufufu.. Ngayon makikita nyo ang kaibahan ng lakas ko sa mga pusang tulad nyo.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

*** SFX: Woooooooooooooooooosh! ***

Matapos magsalita ay mabilis na nagtipon ang mga apoy sa buong katawan ni Hades. Nakaramdam naman ng panganib ang mga werewolf, kabilang si Viel na namumuno sa mga ito.

 

“Kung ganon ito pala ang kapangyarihan ni Hades.” Sambit ni Viel derekta sa kaniyang isipan.

 

“Mag-iingat kayo sa kaniya.” Sambit ni Viel sa kaniyang mga kasama.

Muli ay agad inalerto ng mga werewolf ang kanilang mga sarili sa posibleng gawing pag-atake ng kanilang kalaban. Samantalang si Hades naman ay agad inutusan ang kaniyang mga phoenix na lumipad paitaas, dahil binabalak niyang paatakihim muli ang mga ito.

 

“** WRATH OF THE PHOENIX! ** Ngayon na!” Sambit ni Hades.

Matapos magsalita ay agad umatake ang apat na ibon at mabilis nilang sinunog ang ilan sa mga werewolf na nasa kanilang paligid. At sa pagkakataong ito ay mabilis na ring umatake si Hades patungo kay Viel. Agad namang inalerto ni Viel ang kaniyang sarili para sa gagawing pagsugod ni Hades.

 

*** SFX: VOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! BOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang nalikha matapos tumama ang nagliliyab na kamao ni Hades kay Viel, dahilan upang masunog at tumilapon ito.

 

“*Arrrgh! Sobrang lakas niya! Ganito ba talaga kalakas ang mga artipisyal na nilalang na likha ng mga sorcerer? Kung hindi ko nasangga ang ginawa niya ay natitiyak kong patay na ako ngayon!” Sambit ni Viel derekta sa kaniyang isipan.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang