Fallen Angel [Asystole]

Start from the beginning
                                    

Tumingin ito sa mata ng babae at nakikita niyang may busilak itong kalooban, tumingin ito ng diretso at nagtama ang mata nila ng batang lalaki na kasing edad niya lang. Prenteng nakaupo sa backseat na sobrang nabuburyo na dahil halatang-halata ito sa itsura niya.

Nginitian niya ito at ngumiti din ito pabalik sa kanya na kailanama'y hindi niya inaasahang may papansin sa kanya. Hindi nagsalita ang batang babae at nagkunwaring hindi ito nakapagsalita "gusto ko magsalita kaso bawal, tama na yung mga salitang nabanggit ko kanina" bulong nito. Tumango na lamang siya sa babae at ngumiti.

"Bata ito pera oh, itago mo yan ha? Makakatulong yan sayo" Isang mestisong lalaki ang lumabas sa driver seat at nag-abot sa kanya ng isang libong piso. Tinanggap ito ng bata at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Ako nga pala si Richard Gomez at ito naman yung asawa ko, at yung batang lalaking yun ang anak namin yung pangalan niya Kyle Echarri" Pagpapakilala ng lalaki at napakunot naman ang noo niya. "Akala ko ba anak? Bakit magkaiba yung apelyido nila, okay ba yun?" sabi nito sa kanyang isip at tumango na lang.

"Paano ba yan bata aalis na kami ha? Sigurado kang okay ka lang talaga ha?" Pagpapaalam ng asawa ng lalaki at sumakay na sa sasakyan nila, nagpaalam ang bata gamit ang kamay niya at nagkatinginan sila ng batang lalaki, nagtama ang kanilang mata at nagulat ang lalaki ng umilaw ang gilid nitong mata. Nagulat man ay sinawalang bahala niya na lang ito at hinayaang mawala ang batang babae sa paningin niya.

"Umilaw na naman yung gilid mata ko, isa ito sa nagpapatunay na isa akong kakaibang nilalang, mabuti na lang at walang tao ang nakakaalam sa ibig sabihin nito dahil kung meron man naikulong na siguro nila ako haysst" Bulong ng bata at nagpatuloy na sa paglalakad suot-suot yung sobrang dungis at maduming kasuotan niya.

Tiningnan niya ang isang libong piso at ngumiti ito dahil sa naisip niyang ideya. Tumakbo ito sa direksyon kong nasaan ang ukay-ukay.

Fantacia

"Kamusta na ang reyna?" Tanong ng isang nag-aalalang boses sa taong gumagamot sa pinakamamahal niyang reyna. Punong-puno ito ng lungkot habang hinahaplos ang mala anghel at makinis nitong mukha gamit ang kanyang mga kamay. Habang dumadaan ang mga araw patuloy itong humihina at may samu't saring posibilidad na hindi na ito kailanman magigising. Isang taon na ang nakalipas ngunit kahit isang dilat ngiti lang ng asawa ay hindi na niya nasaksihan. Punong-puno ng hinagpis at lumbay ang mukha niya dahil sa pag-aalala nito sa taong pinakamamahal niya.

Nakahiga ang reyna sa isang napaka marangyang kama na may bahid ng ginto ang paligid, sobrang komportable ito sa isang kutson na sobrang lambot at animo'y parang natutulog lang ito nang matiwasay at walang iniindang lason sa katawan.

"Malala pa din yung kalagayan niya mahal na hari, at humihina na siya. At yung batang walang magulang na nagngangalang France na naglason sa kanya naparusahan na po, isang taon na po siyang nagsasakripisyo at nagdurusa sa kasalanang nagawa niya sa reyna" Buong galang na sagot ng manggagamot sa hari. Tumango lamang ang hari at hinalikan sa noo ang asawa.

"Viceral? Kamusta naman yung paghahanap sa anak ko, may alam na ba kayo?" Tanong nito sa pinagkakatiwalaan niyang tao sa kaharian na to.

"Ganun pa din fafa Ag's walang ebedensiya" Malanding sagot nito.

"Ganun ba, kailangan na nating mahanap ang anak ko sa lalong madaling panahon siya lang ang magiging susi upang mapagaling yung asawa ko." Malungkot nitong turan at hinawakan ng mahigpit yung kamay ng asawa niya.

Napatulala ito at inalala yung araw kung saan ipinanganak yung nag-iisang prinsesa nila, ang kwintas na suot-suot ng reyna ay ipinamana sa kanya ng kanyang ina at mga ilang henerasyon na din itong binibigay sa bunsong anak na babae nang reyna kung sakaling ito ay mag-aasawa.

Ang taglay na kapangyarihan ng kwintas ay walang katumbas kaya naisipan niyang ibigay ang kalahati nito sa anak niya, hinalikan niya ang dalawang araw niyang sanggol sa mata at yun na ang simbolo na inilipat na niya ang kalahati ng kapangyarihan ng kwintas sa anak niya kaya naging kakaiba ito. Ikatlong araw habang tulog ang asawa niya doon nabalitaang nawawala ang kanilang anak at hanggang ngayon hindi pa nakikita.

"12 years" bulong nito at rinig na rinig ito ng mga kasamahan niya sa kwarto.

"Alam mo haring Aga, yung ulilang bata na naglason kay Queen Lea yung si France magkasing edad sila ng anak mo" Banggit ng mangagamot na nagngangalang Jodi Sta.Maria , dali dali naman siyang sinuway ni Viceral at nilakihan ng mata.

"Alam mo Jodi heheh ang daldal mo noh? Ayaw mo namang masumpa siguro?" Biro ni Viceral pero alam nitong hindi lang ito isang biro kundi maaaring maging totoo.

"hehehe sorry po, sige alis na ako babush" dali-daling lumabas ito at iniwan ang dalawa.

Napaisip naman ng malalim si Aga tama, magagawa nga ba ng isang walang alam at muwang na bata ang gumawa ng kasalanan na alam niyang pagsisihan niya sa huli? Magagawa niya bang lasunin ang reyna na alam nitong hindi niya maaring gawin at may kapalit itong parusa? Hindi gagawa ang isang bata ng krimen at kasalanan kung walang may nagdidikta sa kanya. Nakaramdam na naman ulit ng awa at paghihinagpis sa batang pinarusahan na animo'y gustong-gusto niyang yakapin sa di malamang dahilan, naaawa siya sa bata at bilang hari gusto niya itong iligtas at patawarin ngunit,hukom ang nagpasya nito wala na siyang magagawa at labag man at masakit sa loob niya ay tinanggap na lamang niya ito.

"I'm sorry"

---

"Kyle, we're already here goodluck bhabe, love you" Masayang banggit ng nanay niya at nagpaalam na ito sa kanya.

"Bye mom! Love you back" sagot ng batang lalaki at lumayo na sa kanila.

"I want to know that, girl...." he whispers.

■■■

💛COMMENT VOTE AND FOLLOW.💛

So, how's the first chapter? Comment down your thoughts, & open for dedications. Thank you for reading. God Bless!

-mscalistathetics-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallen Angel | Kyle Echarri/Francine DiazWhere stories live. Discover now