CHAPTER 1

376 3 0
                                        

"MY goodness, are you sure about this, Callie? Look! Halos lahat ng nakikita kong pumapasok ay mga nasa mid-40s na yata! Girl, I'm telling you na magback out ka na!" Saad sa kanya ng kaibigan niyang si Monday. Kanina pa ito silip ng silip sa labas upang tignan ang mga business men na magpaparticipate sa auction.

"Shut up, Monday. Kaya ko ang sarili ko. At saka last pa naman ako, paniguradong ubos na 'yong mga pera ng mga 'yan kapag turn ko na."

"But look at them, sa tingin mo may gustong mag-uwi sa mga 'yan? Kaya ikaw ang last kasi ikaw ang big catch! Girl, please, mag-backout ka na. Akong bahala sa Daddy mo kapag binugbog ka na nama---"

"Sshh! You're so noisy. No one can change my mind right now, Monday. I'm sorry and thank you for your concern. I'll be okay, alright? This will be the first and the last, promise. Basta bahala na mamaya." She assured. "Kaya ngayon, umuwi ka na."

Monday pouted. "Paano ako uuwi kung gan'to 'yong sitwasyon mo ngayon? Sa tingin mo hindi ako tatanungin ni Oliver tungkol sa'yo? I'm sure he'll look for you at kapag nalaman niyang nandito ka, baka mag-ala action star 'yon dito!"

She sighed. "Then do me a favor. Huwag ka munang umuwi sa unit mo. Mag-stay ka muna doon sa boyfriend mo para hindi kayo magkita at hindi ka matanong."

"Ihh! Ayoko! Meron ako ngayon! Alam mo namang hindi ko kayang tiisin 'yon."

Napailing na lamang si Callie at pinitik ang noo ni Monday. "Just make out, then! Bwisit ka, pinag-isip mo pa ako r'on. Umalis ka na nga. Mukhang magsisimula na oh."

Monday pouted again and hugged her friend. "Take care, okay? Ilagay mo sa speed dial 'yong number ko para kapag may emergency, on the way kaagad ako. Goodbye."

"Goodbye. I love you," she smiled.

"Heh! I hate you!" Parang batang saad ni Monday at umalis na ng backstage.

Napasandal na lamang si Callie sa inuupuan niya at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ano ba kasi 'tong pinasok niyang kabaliwan? Bakit pumayag siyang maging parte ng auction na 'to? Paano kung magkatotoo ang sinabi ng kaibigan niya? Paano kung sugar daddy nga ang mag-bid ng pinakamataas? Hahayaan na lang ba niyang magpagamit sa ganoong lalaki?

Aminado na naman siyang hindi na siya virgin pero iisang lalaki pa lang naman ang pinagsukuan niya ng bataan. Hindi niya kayang magpagamit sa mga lalaking kasal na o mas matanda sa kanya ng ilang taon para lang sa pera. Parang gusto niyang mag-back out pero hindi pwede. Para ito sa pamilya niya at para makabawi siya sa Daddy niya.

Kaya ko 'to!

"Nagsisimula na ang auction! Please be ready! Oh, ikaw? Bakit wala ka pang make-up?" Tawag sa kanya ng isang staff.

Umupo siya ng tuwid at nginitian ang staff. "I prefer to show them my natural beauty," she said. Agad namang nagtinginan ang iba sa kanya at karamihan ay napakunot ang noo.

Hindi niya layuning magmayabang pero sinasadya niyang hindi na mag-ayos ng bongga. Kailangan niyang maging pangit kahit ngayong gabi pa lang.

"Oh, okay. You're indeed beautiful," she commented and left them.

What? Hindi 'yon ang ini-expect niyang sagot. Handa na siyang pagalitan pero bakit gan'on? Bakit napuri pa siya? Ito yata ang unang beses na ayaw niyang mapuri. Ang akala niya ay hahayaan siyang magplain na lang nang bigla siyang lapitan ng isang make-up artist at ibang staffs.

"HINDI mo naman kailangang magparticipate.Kahit manuod ka na lang. Basta ang mahalaga, nandito ang presensya mo," bulong ni Patrick sa pinsan niyang si Ansel.

Ansel snorted.

"Pero mas exciting siguro, Sir kung sasali ka. Ikaw kaya ang pinakamayaman dito," tugon naman ng secretary niyang si Albert.

DIRTY ROMAMCEStories to obsess over. Discover now