Chapter 24: Birthday Celebration

Start from the beginning
                                    

"Mom, please don't call me baby in front of our guests." Agad namang nag pout si mom sa sinabi ko. "Nagpahangin lang po ako sa tabi tabi." Walang kwenta kong palusot. Pahangin amp.

"Wews. Nagpahangin nga ba talaga?" Parinig ni kambal.

"Ahh ganun ba. Next time magpaalam ka man lang sana sa akin para 'di ako mag aalala ng ganito." Tinanguan ko na lang si mom at nagsmile ng kaunti. "Sige, mag ready na kayong dalawa ni Michael. In 5 minutes, magsisimula na yung party. Maiwan ko muna kayo dito, may kakausapin lang ako saglit..." Pinanood ko lang si mom na maglakad palabas sa living room. Agad naman akong napatingin kay kambal dahil bigla niya akong siniko.

"Potek! Ang sakit nun ahh!"

Lumapit siya sa akin sabay ngisi. "May lq kayo ni Patty noh?" Sabay taas baba ngmga kilay niya.

"Tsk! Wala!" Pagkatapos kong magsalita, agad akong pumunta sa hagdanan. Naisipan kong humiga na lang muna sa kwarto ko habang nagpapalipas ng limang minuto. Naiingayan kasi ako dito sa baba! Nakakadagdag init ulo yung mga kanta! Ang lakas ng music tapos ang iingay din ng mga guests. Paakyat na sana ako pero may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
Nainis ako ng maalala ko nanaman yung scene nila ni Daryll kanina. Di pala scene, scenes pala dapat!

"MIKEEYYY!!" Pagkalingon ko, nakita ko yung buong G7. Sobrang laki ng mga ngiti nila, yung tipong parang isang taon kaming di nagkakita kita.

"Oh?" Plain na sabi ko sa kanila.

"Oh? Yun lang yun! Nag effort pa naman kaming magsuot ng mga ganito..." sabay turo ni Christian sa suit niya. "...tapos oh lang sasabihin mo?" Sabay pout niya. Eww! 'Di bagay!

"Pa pout-pout pa ampotek! Tigilan mo nga 'yan Christianito! Hindi bagay sayo!" Pabarang sabi ni Kyle.

"Tsk! Inggit lang kayo! Bagay kasi sa akin ang mag pout pero sa inyo hindi! Bleehh!!" Sabay belat niya sa amin. Mukhang bata amp.

"Tigilan mo nga 'yan. Hindi ka na bata, Christian." Sabi ni James. Pagkatapos yun sabihin ni James, nabalot naman kami ng katahimikan.

"Huy Mikey! Tignan mo oh!" Sabi ni Basti habang nakaturo sa kaliwa. Lahat naman kami napatingin doon sa tinuturo niya. Agad namang umakyat yung dugo ko ng makita ko silang dalawa! "Si Patty tsaka....Daryll?" Nagtataka niyang tanong.

"Tss..."

"Ano? Wala ka man lang bang gagawin? Papabayaan mo na lang ba silang magkasama buong gabi?" Tanong sa akin ni Luke.

"Ayoko. Pabayaan mo sila diyan! Mukha naman silang nag eenjoy ehh. Bakit ako makikialam?" Sarkastiko kong sabi. Tinitignan ko lang ng masama sila ni Patty habang nakanguso. Nakakainis ehh!! Birthday ko 'to! Dapat ako ang kasama niya, hindi si Darylampa!!

Sakto naman, biglang nagtama yung tingin namin ni Patty. Agad naman akong napaiwas. Bigla akong kinabahan doon ahh!!

"Ohhh look, Mikey!! Palapit na si Patty babes mo!" Bulong sa akin ni Luke. Hindi ko alam kung titignan ko ba si Patty habang palapit siya sa akin, or titingin na lang ako sa paa ko or kaya....!! Hah! Di ko alam!

"Hello guys!" Masayang bati ni Patty sa G7. Binati naman nila siya pabalik, bukod sa akin. "Happy birthday Mikey!! Mag—"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

May Forever Daw?! Wala Kasi Akong GanonWhere stories live. Discover now