"E? Thank you :))))). Ikaw lang nagsabi sakin nyan"
"Totoo yun. Teka gusto mo bang sumama sakin? Wla din naman akong kasama e"
"Saan?"
"Syempre kahit saan. Dito sa school o kahit sa labas ng school kung gusto mo"
"As in parang friends? And bigla nyabg hinila kamay ko tsaka sya nagpakilala. Ako nga pala si ellah. At ikaw si chairmane"
"Teka pano mo nalaman pangalan ko?"
"Matagl na kitang kilala di ka pa napasok dito kilala na kita. :)"
Paano?
At biglang may sumigaw sa likod ko. "Hoyyy!" sa sobrabg inis ko napasigaw ako. "Ano ba!" pag tingin ko sa kanya si jad pala. Bigla na lang akong napangiti ng di ko alam ang rason kung bakit.
At biglang dumating si Maam dausin. At nagpaalam na lang muna ako kay ellah and mamaya nya na lang ieexplain kung papaano nya ako nakilala. At pumunta ako sa may pangalawa sa likod katabi ni Rj. Hindi ko na napansin na dumating silang dalawa busy ako makipagusap kanina e. Pag tingin ko kay jad sa likod ko nakasmile lang sya at tipong gusto nya kong palipatin sa likod sa tabi nya kaso bawal kas kahapon yung prof namin ok lang kahit saan maupo e ito namang si dausin dito ko pinaupo pero ok lang dito naman si Rj e.Syet natutunaw ang nguso ko. Este puso pala. Ang gwapo ng ngiti nya. Tapos pag tingin ko kay Rj nakangiti din sya sakin at nakasmile. Syet. Pwede mo na kong kainin lupa ka ka. Ngayon na. Hahahahaha. Ang landi ko ba? :D
Natapos na yung 2 klase. 7:30:10:30 lunch na kami nawala na naman sa paningin ko si Rj and lumapit sakin si jad as usual magkasama na naman kami pero yung dating inis ko everytime na kasama ko sya ngayon nagtrasform into kilig. Hahahahaha landiiii powsxzcsx. And nilapitan ko si ellah ng nakasunod sakin si jad
"Paano mo ko nakilala?"
"Sa soundcloud. Lagi kong pinaplay yung mga kanta mo. Play list ko nga mga covers mo e and sa ichill"
"E? Grabe. Nakakahiya may fan pala ako dito. Choss"
"Oo idol kita e."
"Awwwwwwe thank you. Wag kang maingay about dun ha. Ayoko ng may nakakaalam na iba na kilala ako sa personal e. O tara na maglunch?"
At pag tingin ko kay jad nakikinig sya. Nakangiti lang sya. Nainis ako sa ngiti nya kaya hinampas ko na lang sya ng book na hawak hawak ko. Naglunch kami ng sabay sabay. Atleast kahit papaano ngayon hindi na lonely is the life ang buhay ko. May nakakasabay na ko. lonely is the night pala. Hahaha. Ganun na din yun magkatunog na naman :D
Kaso feeling ko ang awkward. Kasi naman ang tahimik ng dalawa kong kasama si jad normal na tahimik talaga ewan ko ba kung sadyang tahimik o ngayon lang kasi bago bago pa lang kaming magkakilala eto namang si ellah. Biglang nanahimik nung nakasama namin si jad ang daldaldal nya kanina nung naguusap kaming dalawa e. Tapos bigla syang nanahimik nung nakasama na namin si jad. Ewan ko kung trip nya lang talagang manahimik o nahihiya sya sakin o kaya kay jad. Tss. Bahala silang dalawa. Basta kakain ako :D
And dumaan na yung madaming oras uwian na. Nagbabye na sakin si ellah and nung sinabing bye ni ellah ang sama ng tingin ni jad sa kanya. Hahaha ayaw nya nga pala ng word na yun.
"Uwi ka na ba? Tara jam tayo sa ichill? Naaral mo ba everything has changed?"
"Oo. Kaso di ako makakatambay. Aalis din ako kaagad pag uwi ko ng bahay e."
"E san ka ba pupunta?"
"Sa park"
"Bakit?"
"Skateboard."
"Marunong ka? Kababae mong tao"
"Oo naman. Tinuruan ako ni kuya e"
"May kapatid ka pa lang lalaki"
"Oo nga diba kakasabi ko lang. So paano alis na ko?"
"hintayin mo ko sa inyo pupuntahan kita"
"Bakit?"
"Sasama ako sayo"
"May skateboard ka ba?"
"Wala. Kaya nga hintayin mo ko diba bibili ako saglit"
"Ok fine. Bilisan mo. Pag 4 at wala ka pa iiwan kita. Sumunod ka na lang"
"Hindi! Basta hintayin mo ko sa inyo. Mapano ka pa sa daan e. Basta turuan mo ko ha"
"K fine. Whatever"
Enebeee. Keneleg eke den. Hahahahahah.
Since saturday naman ngayon and wala kaming klase bukas at maaga kaming nakalabas naisip ko magpasarap na muna.
Chapter 15
Magsimula sa umpisa
