Tumunog ang bell. Start na ng class.

            Pero ayokong lumabas dito sa cubicle.

            Diyos ko, sana talaga lumindol at gumuho ang school at lamunin na lang ako. Ay, teka, nasa C.R. ako. Nasa inidoro. Lapag lumindol, septic tank ang bagsak ko. Baka pag na-rescue ako, puno ako ng….yeeeew! Kadiri!

            “Welcome? Welcome! Are you here?”

            Boses ni Karen.

            “Wala! Wala ako rito,” sagot ko.

            Hindi sumagot si Karen for a while. Siguro, inisip niya kung naroon nga ako o wala. Pero siguro inisip din niya, kung wala ako roon, bakit ako sumasagot. Itong babaeng ito rin kung minsan, oo.

            “Ano’ng  ginagawa mo riyan?” katok niya sa cubicle ko.

            “Ano ba’ng ginagawa sa cubicle no?” sarcastic kong sagot.

            “May nakakita sa iyo kanina, namumula ka raw. Saka ka tumakbo rito. Bakit? Ano’ng nangyari?”   

            “Wala,” sagot ko. Maaamin ko ba kay Karen na may hinalikan akong guy na hindi ko naman kilala? Nung sina-suggest ni Karen na ikiss ko si Ward, kung makatanggi ako, wagas na wagas, parang kalalabas ko pa lang sa kumbento. Yun pala, susundin ko rin siya. At nagkamali pa ako ng guy na hinalikan. Nakakahiya!!!

            “Magsisimula na ang class. Halika na,” pangungulit ni Karen.

            Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng cubicle. At harapin si Karen. At harapin ang kahihiyang ginawa ko.

            “Namumula ka. Pinagpapawisan,” puna ni Karen. “Ano ba talaga ang nangyari?”

            “Wala nga. Halika na nga.”

            Ako na ang humila sa kanya palabas ng washroom, pabalik ng classroom.

            Pagpasok namin ng classroom, ang una ko pang nakita ay si Ward, nakaupo sa seat katabi ng chair ko. Naka-smile sa akin.

            Teka, si Ward ba ito? Baka ito yung kamukha niya?

            Ah, there is his nunal sa left eye. And his smile…his innocent smile.

            Si Ward nga ito.

Pero paano ko gagantihan ang innocent smile niya knowing what I did?

* * * * *

The logical thing to do is ask him kung may kakambal siya. Pero paano mo naman biglang tatanungin iyon? Iisipin niya, paano ko nalaman? E, di kailangang ikuwento ko na may nakita akong kamukha niya…na hinalikan ko. Oh no!

Kaya all through our class, tahimik lang ako. Ni hindi ko makuhang tumingin sa kanya. Alumpihit ako na parang nanay ko kapag malapit na ang bayaran ng tuition dahil hindi alam kung saan kukuha ng pambayad.

At nahalata naman niya iyon dahil lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin, nakakunot-noo. Nagtataka.

One time pa, bumulong siya sa akin. “Welcome, what’s wrong? Parang you’re not okay. You’re not your usual bubbly self?”

“Wala. Wala. I’m okay,” nakangiti kong sagot. Pero yung ngiti ko, parang binabatak sa magkabilang dulo. Yung pilit na pilit.

Recess. Pero hinatak ako ni Ward pabalik sa classroom habang ang mga kaklase namin ay nagpupuntahan sa canteen. Gusto raw niya akong makausap nang sarilinan.

“Something is wrong, Welcome. Hindi ka ganito. Something is bothering you,“ pangungulit ni Ward. C’mon, tell me. Hindi ako sanay na ganito ka.”

Pero paano mo ba sasabihin na: nakakita ako ng kamukha mo, natutulog, hinalikan ko.

Hinawakan pa niya ang kamay ko. “Look, pati ang hands mo, pinagpapawisan. Ninenerbiyos ka ba?”

Dati, iniimagine ko, pag hinawakan niya ang kamay ko, kikiligin ako nang todo. Pero ngayon, hindi. Pinagpapawisan nga ang kamay ko. Nasaan ang sweet don?

“Please, Welcome, tell me. I’m you’re friend.”

A friend. So finally, lumabas din. I’m just a friend to Ward. Kaya pala hindi niya ako nililigawan. And after all what I’ve been through. Hinalikan ko pa mandin ang kamukha niya sa pagbabakasakaling maglakas na siya ng loob na magtapat sa akin. Yun pala, I’m just a friend.

“Now, you’re sad,” pahabol niya.

Yes, I’m sad. I’m really sad, dahil kaibigan lang pala ako.

“C’mon tell me, Welcome.”

“Wala, pagod lang ako dahil marami akong work sa bahay,” sabi ko with a sad smile. “Sige, pupunta na ako sa canteen. Nagugutom na ako.”

“I’ll go with you,” sabi niya sabay sunod sa akin.

            Pero noon may pumasok sa classroom. Yung kamukha niya. Yung hinalikan ko habang natutulog.

“There you are, bro!”

“What are you doing here?” takang tanong ni Ward.

Hindi sumagot ang lalaki. Tumingin lang sa akin.

“By the way, Welcome, this is my twin, si Edge.”

So it’s true! May kakambal siya! Oh my God!

“And Edge, this is Welcome. My classmate.”

“So that’s her name,” nakangiti nitong sagot. “Unique name. Unique girl. Unique mag-greet.”

Taka si Ward sa sinabi ng kakambal niya.

“We’ve already met,” parang pagpapaliwanag nung Edge.

At dumagundong ang dibdib ko.

Si Ward naman ay napatingin sa kanya. Taka. “How? Kailan?”

Ngumisi lang si Edge habang nakatingin sa akin. That naughty and bad-boy-smile of his.

“This morning…in this classroom…”

Oh my God! Oh my God! Palindulin mo na talaga, Lord! Para lamunin na ako rito ng lupa! Matabunan na ako ng building.

            “She kissed me when she thought I was sleeping,” nakangisi niyang dugtong.

            “What?” gulat na sabi ni Ward.

            Hindi lumindol noon, pero gumuho ang aking perfect little world!

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon