Alam niya nga siguro ang pangalan 'ko, at onti tungkol sa buhay 'ko. Pero hindi sapat ang lahat ng yun para malaman niya kung ano ako noon. Wala siyang alam. Hindi niya alam na ang katulong na kasama niya ngayon ay dating malditang mayaman noon. 

Bakas sa mukha ni Migel ang pagkagulat sa mga tanong 'ko pero agad siyang umiwas ng tingin at ngumiti, "Wala lang. May pinapatanong lang yung kapatid 'ko kanina. Atsaka, bakit naman ako magagalit sa kaniya?" Natatawa niyang tanong. "Ayaw 'ko sa kaniya pero hindi 'ko sinabing galit ako sa kaniya." 

Parag saabog na ang utat 'ko sa mga impormasyong nakalap 'ko at sa mga bagay-bagay napansin 'ko. Hindi 'ko alam kung ano ang tama. Magtatanong pa sana ako pero narinig 'ko ang malakas na pag-sigaw ni Xine sa akin ni Migel. Madaming tanong pa ang naglalaro sa utak 'ko ang gusto kong itanong pero mabuti na sigurong dumating si Xine para kahit papaano ay hindi makahalata sa akin si Migel. 

"Tara na? Excited na ako!" Masayang sabi ni Xine habang nagtatatalon pa. Lalo tuloy siyang nagmumukhang bata tuwing ginagawa niya 'yun. 

Napatawa si Migel at napailing na lang, "Okay, let's go!"

Naging maingay at masaya sa plaza dahil sa mga tao doon at mga bandang tumutugtog pero para siguro akong tanga na naligaw lang dooon dahil parang ako lang ang hindi nakikigulo at nakikisigaw sa mga tao doon. Nakaupo ako sa isang bench na malayo sa stage para kahit papaano ay makalayo ako sa ingay. Sinabi 'ko na lang na nahihilo ako kayla Xine at balikan na lang nila ako doon. Pero ang totoo, gusto 'ko lang talagang mapag-isa. Hanggang ngayon ginugulo pa din ako ng mga naiisip 'ko. Maliit nga lang talaga  ang mundo, akalon mong 'yun, magkakilala pala si Calix at Migel? 

Nakarinig 'ko ng maaingay na paglalakad sa likod 'ko at namukhaan 'ko agad na si Migel 'yun dahil sa soot niya. Hindi niya siguro ako napansin kaya dire-diretso lang siya. May kausap ulit siya sa telepono at ngayon ay pasigaw siyang sumasagot dahil nga sa malakas na tugtog.

"....Dammit! I can't hear you!" Malakas niyang sigaw sa cellphone niya. "Ah, damn! Tiningnan 'ko na nga kanina, wala pa sa mga newspaper! Dammit! Check 'ko na lang pag-dating 'ko bukas..." 'Yun lang ang huli kong narinig dahil lumayo pa siya. 

Sino ba ang kausap ni Migel? Bakit pakiramdam 'ko, tungkol pa din 'yun kay Calix? Ano ba talaga ang meron sa kanila? Bakit ba parang galit siya kay Calix? Ano bang nangyari? Dammit. Ang hirap naman ng ganito, punong-puno ka ng tanong pero hindi  mo alam kung paano masasagot. Shit. 

-

 Kinabukasan, nagpatulong na agad sa akin si Migel mag-ayos ng mga gamit niya. Pati yung mga nagamit niyang damit ay pinaayos na din ni Madam. Paalis na siya mamaya dahil malapit ng magsimula yung klase nila, at nakakalungkot 'yun. Ewan 'ko ba, hindi 'ko makwento 'to kay Xine pero kay Migel nakwento 'ko agad siya ng ganun-ganun lang. Siguro nga magaan talaga ang loob 'ko sa kaniya. At nakakainis kasi simula ngayon, sa sarili 'ko na lang ulit masasabi tong mga nakakasawa kong problema. 

"Mamimiss kita." Mahina niyang sabi habang tinutupi niya yung isa niyang t-shirt. Kanina 'ko pa sinasabing ako na ang bahala sa mga gamit niya, pero tingnan mo ang kakulitan ng isang 'to. 

"Mami-miss din kita." Sagot 'ko na lang at tipid na ngumiti. "Hindi. Babalik ka naman diba?" Napatigil ako sa ginagawa 'ko at agad na tumingin sa kaniya, nakatitig siya sa akin at dahan-dahang tumango. "'Yun namana pala eh! Nakakainis ka naman, di ka manlang nagpatagal kahit isang linggo dito. Mababaliw na naman ako. Wala akong makausap."

Narinig kong napatawa siya sa sinabi 'ko, "Nandito naman si Xine, ah? Tapos may iba pang mga katulong dito na pwede mong mapag-kwentuhan." 

Gusto kong sabihin na hindi 'ko naman ganung close ang mga tao dito pero nanatili na lang akong tahimik. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa 'ko. Hindi na rin naman umimik si Migel. Bigla 'ko tuloy naalala yung kay Calix. Hindi ako nakatulog buong gabi dahil kakaisip doon. 

"Migel, pano mo nakilala si Calix Fontanilla?" Pinilit kong magtunog normal para hindi siya mag-hinala. Umupo ako sa tabi niya at tumingin. "Alam mo naman 'diba, fan na fan ako ni Calix." Nakakatawang isipin kasi dati, diring-diri ako kay Calix. Tapos ngayon, proud na proud pa akong sabihin na fan niya ako. Pero ayos lang naman. Gusto 'ko lang sabihin na kahit hindi kami nagkikita at nagkakausap, gusto kong malaman niya na sinusuportahan 'ko pa din siya. 

"Dahil kay Kuya saka kay Ken-Ken." Simple niyang sagot. Magtatanong pa sana ako nang biglang nag-ring ang phone ni Migel. Sinagot niya agad 'yun at dahil nakasaksak sa speaker ang phone niya, naririnig 'ko ang usapan nila. 

"Hello?" Narinig naming mahina at mukhang matamlay na boses ng isang babae. 

Kumunot ang noo ni Migel at agad na sumagot, "Ken-Ken?" Napangiti siya nung narinig niyang napatawa ang babaeng nasa kabilang linya, "Ayos ka na ba? I'll visit you later." 

"Yehey." Sagot nung babae. Sino ba 'to? "Cant wait to see you, Migs! Ingat ka mamaya, okay? Baka magaya ka sa akin." Natatawa niyang sagot. 

"Baliw ka, Ken-Ken. Diba sasama ka dito kay Kuya? Gusto kang makita ni Lola." Napatawa ang babae at madami pa silang napag-usapan. Dahil hindi 'ko naman siya kialala, tinuloy 'ko na lang ang pag-aayos 'ko ng gamit ni Migel. Napatingin na lang ako kay Migel nung narinig kong nag-paalam na sila sa isa't-isa. 

"Sino 'yun?" 

"Si Ken. Dadating 'yun dito.. baka bukas. Mabait 'yun. Sigurado akong magiging close kayo." Sagot sa akin ni Migel bago ngumiti. Sana nga. 

//

Comment naman kayo, ples. Gusto komabasa mga saloobin niyo. Char! Hahahaha!

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon