Part Two

17 1 0
                                    

-Jejemon-

Oh, may kaklase kang ganyan? Di yan nawawala lalong lalo na sa mga public schools. Eow phowzxs. Gross.

Hindi lang naman sa Text umaatake ang mga Jeje. Pati na din sa pananamit.

*Super duper over-sized Shirts

Bat ba kelangan malaki ang damit? pag PE namin may nakakasalubong akong ganto. Kadiri, parang dress na.

*Jeje Cap

Hindi na uso ang ganyan kaya kung pwede lang, tigilan nyo na. Nasa loob ng school, nakasumbrero? Ulol lang?

Meron din namang hindi talaga jeje pero mukha talagang Jeje.

-Romance-

Kalandian. Walang seryoso sa High School. Pwedeng trip ka lang nya or trip mo lang sya. Yung iba, nagboboyfriend or girlfriend para lang makasabay sa uso. Tangina, lahat ba ng uso kelangan sasabayan nyo?

Meron pang Illegal Relationship, meaning hindi alam ng parents nyo ang relasyon nyo. Patago. Alam nyo yung feeling na pinapakeelaman ng nanay mo ang phone mo? Asdfghjkl para kang ulol nagmamadali sa pagkuha ng phone mo, baka kasi mabasa nya ang sweet messeges nyo ng bf/gf mo.

Meron pang Two-timer or mas malala, boyfriend ng bayan. May babae ding ganyan, pero syempre, mas kilala ang mga lalaki sa ganyanh aspekto ng buhay. Masarap nga ba maging flavor of the month? Takte. Kamusta kaya feelings nun? Yung iba kasi, okay lang kahit past time lang basta may matawag na bf o gf.

-Mga bullies-

Di ko na mabilang ang mga kakilala kong ganto. Mga stupidents na feeling hari't reyna ng eskwelahan. Yung akala mo may stiff neck dahil nakataas ang noo habang naglalakad. Meron kami bully box sa school, pero wala pa ring epekto. Bullies here, bullies there, and bullies everywhere. Basta daw matangkad ka, kahit si dumbo ka, pwede kang maging bully.

Yung mga ganun kasi, tinatakot yung mga maliliit. Meron pa ngang nabalita dito samin na ina- under daw ng mga higher levels and mga lower levels. Hinihingan daw ng pera, lol may ganun ba sa inyo? Panigurado, lalaki ang gumagawa nito e. Iba kasi ang ways ng babae.

Sa mga babae, pagchichismisan ka nyan. Ibaback stab ka, kunyare mabait yun pala demonyo sa loob. Pinaplastic ka, paplasticin mo sya. Edi fair.

-SECTION WARS-

Yessss, laging ganto. Kasi naman may mga sectiong nagmamagaling, mayayabang at feeling matalino. Sorry sa matatamaan, nanalo lang ng isang beses sa dance compterion magaling na agad? Diba pwedenh luto ang laban? Lol, step up all in lang ang peg?

Alam nyo kasi, may section din na walang sportmanship. Ayaw pumayag na talo sila eh kitang kita naman na mas magaling yung isa.

Bat kasi mas nanalo yung hindi magaling? Tapos yung THE BEST pa yung hindi nanalo. Ano to, The Voice kids lang? De jk lang. HAHAHA

-mga overpriced na foods-

Naiirita na talaga ako sa Canteen namin. Dinaig pa ang supermarket sa mahal ng bilihin. San ka nakakita ng 5 pcs ng cheese sticks worth P20 na agad. Tangina, feeling starbucks yung canteen namin.

Hindi naman kasi lahat ng nag aaral sa isang private school ay may kaya. Merong estudyante na hindi maafford ang mala- starbucks nyong canteen.

Dapat, hindi sila nagpapataw ng nataas na dagdag e. Sa jeep nga may discount ang estudyante, tapos nang mamahal ng tinda ng sa Canteen?

Hustisya please!!!

-CRAMMING-

Ang highschool, parang College lang din yan. Mas stress nga lang ng konti ang College. Alam nyo kasi, ang mga projects sa HS hindi ganun kadali. Pinagpupuyatan, pinagpapawisan, at pinaghihirapan.

Hindi lang naman kami sa projects nagccram. Pati na din sa assignments. Alam nyo yung feeling na nakalimutan mo yung assignment tapos pagdating mo sa school naghahanap ka ng makokopyahan? Ako alam ko yan, mahal ko kasi ang cramming.

Meron ding cramming sa review. Nakalimutan mo na may EXAM pala kayo, edi di ka magkanda-ugaga sa pagbuklat ng mga libro mo. Gaah! Sakit sa puso nun.

-Suprise Exam-

Tangina, one of the worst feeling ever. Bat ba nauuso ang mga surprise na ganun? Para saan yun ha? Para bumagsak ang grades namin? Kung sa periodical nga binibigyan tayo ng time para magreview tapos biglang may surprise quiz? Eh sana binagsak nalang nila ang grades naten. Yung mini heart attack naten tuwing may maririnig tayong, "Be ready, we're having a surprise quiz."

BURN!

Di ko talaga gusto ang mga ganyan, di kasi ako mahilig magreview. Pagdating ko kasi sa sa bahay, di ako gumagawa ng anything na may kinalaman sa School.

Para sakin kasi, pagdating sa bahay, puro pahinga nalang. Pagod na nga utak ko school pati ba naman sa bahay magaaral pa ako? Alam ko naman na para sa ikabubuti ko yun, pero masama ang sobra. Dapat tama lang. Baka maoverdose na tayo nyan.

-Masungit na guard-

Bat ba masyadong mahihigpit ang mga guards?

Diba dapat ang ginagawa nila ay bantayan ang seguridad natin? Hindi ko talaga maintindihan kung bat nila tayo pinapagalitan. At minsan, pinagbabawalan lumabas ng school. Naiintindihan ko naman na para sa safety natin yun, pero dapat wag masyadong mahigpit.

Meron ding guard na sobrang sungit! Aba, pinapagalitan ang mga estudyante? High school students na po kami, di elementary.

-Terror Teachers-

Sobrang ayaw ko din to. Bat ganun? Minsan mas sinesermonan pa nila tayo kesa sa mga parents natin. Sorry ah, pero kasi may mga teachers tayong cool or masayang kasama, di natin mapigilan ikumpara.

Terror teachers, yan yung mga mahilig magbigay ng assignments, seatworks at quizzes.

Malas nyo kung may teacher kayong ganto. Kami kasi, wala. Swerte namin mababait teachers namin.

(Aug. 13)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw ba ay isang High School student?Where stories live. Discover now