ANG SIMULA NG BUHAY NI MARIA MERCEDES

30 0 0
                                        

WARNING!!! :)
PARA SA AKIN, MEDYO SENSITIBO ANG STORYANG ITO...LALO NA ITONG SIMULA KO...HUMIHINGI NA AGAD AKO NG PAUMANHIN SA MGA TAONG ...IBA ANG MAGIGING PANANAW DITO... TAO LANG DIN NAMAN TAYO, DIBA? AT HINDI SA LAHAT NG BAGAY AY MAGKAKASUNDO TAYO...

KUNG MASYADO KANG SENSITIBO AT HINDI MO TALAGA AKO BET, SIGE LANG. OKAY LANG! :)) MAGPAPATULOY  PA RIN AKO.

BASTA AKO...

SINASABI KONG "SPG 'TO!!!"

ANUBA...DI LABAS-PASOK, AH...IBANG SPG 'TOH :)))
SINISIGURADO KO.


-RED


[ANG KANYANG BUHAY...]
MARIA MERCEDES' POINT OF VIEW :








Bata pa lang ay maaga nang naimulat ang aking mga mata sa mga taong nakapaligid sa akin.
Magkakaiba ang mga taong nakatira dito sa skwaters area---


Feeling mayaman


Magnanakaw

May pekeng manghuhula




Akyat-bahay gang




Killer

Mga taong nalulong sa droga


Mga batang natuturuan ng gumawa ng masama sa murang edad pa lang nila


Bungangera

Chismosa


At higit sa lahat, ang mga babaeng may trabaho katulad ng sa Inang ko...



Pero iisa lang ang gusto naming mangyari sa buhay namin---ang makaahon sa kahirapan.



Pero alam naman nating lahat na walang makakaahon pag wala kang ginagawa.

Pag pakiramdam mo ay nalulunod ka na ng tuluyan, subukan mong gumalaw sa ilalim ng tubig...itaas mo ang sarili mo ...at huminga ka agad ng malalim.


Huwag kang umasa sa mga tao na tulungan ka...gumalaw ka!
Humanap ka ng matinong paraan...
Huwag kang magpapa-uto sa mga maling naririnig mo at magpatuloy ka lang sa pag-angat.




Balik sa istorya ko, bata pa lang ako ay alam ko na kung gaano kababa ang napiling trabaho ni Inang at kung gaano ito kamali para sa ibang tao at---para sa akin.
Sa tuwing may bumibisita na mga kalalakihan dito sa aming bahay ay agad ko silang kinakalabit sabay tanong ng --- "balak niyo po ba kaming buhayin?"
"Aakyat ka po ba ng ligaw sa Inang ko?"
"Papakasalan mo ba Inang ko?"



At dahil sa iba't-ibang tanong ko, napapaalis agad sila.

Natakot. Tangina!


At nang magkaharap na kami ni Inang, sasabunutan niya na lang ako at gigil na gigil akong pinangaralan.
"Hoy, bata ka! Kung hindi mo ititigil 'yang kabaliwan mong pagtatanong sa kustomer ko, ililigpit na talaga kita dito sa bahay natin!" Yan agad ang maririnig ko mula sa kanya at mapapanguso nalang ako dahil sa tinis ng kanyang boses.






Sa tuwing magsisimula na ang away namin, magkukumpulan na agad ang mga kapatid kong anak sa labas, ay iba...parang hindi ako anak sa labas kung makapagsalita. Halos kami namang lahat anak sa labas, eh. Yung mga ama raw kasi namin ay may mga pamilya na at hindi mapigilan ang kati sa katawan.

Siguro kinakalabit din sila ng mga alaga nila sa tuwing gusto nitong pumasok sa ibang kweba.


Juiceko! Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh...ni walang filter ang bibig ko habang tumatagal.


Ang Kahilingan ni Maria MercedesStories to obsess over. Discover now