Prologue

25 3 5
                                        


PRESENT

I am currently on my way to the mall, and I was planning to buy stuffs na kailangan ko ngayong college. Lalo na't freshman palang ako sa University na pinapasukan ko. B.S Biology pa naman kinuha ko, need kong bumili ng mga highlighters, mga binder notebooks and also tons of pen. Kailangan ko ring bumili ng mga color pencils and maraming bond papers tsaka yellow pad since balita ko na kailangan din naming mag drawing sa kurso na kinuha ko. 


As I was listing the things that I needed to buy sa utak ko, di ko namalayan na andito na pala ako sa tapat ng SM. Agad akong nag pasalamat kay manong driver at nagtungo na papasok sa mall. Una kong hinanap yung department store. Mas mura kase mga school supplies doon, compared sa National Book Store. 


Nang makapasok ako sa department store, agad akong nag hanap ng cart para dun mailagay mga bibilhin ko. Matapos nun, hinanap ko na agad yung school supplies section. Grabe, ang tagal na ata nung huling beses na nakalabas ako ng ganito kapayapa paligid ko. Kahit may mga ingay man sa paligid, hindi naman ito kasing lala ng pinagdaraanan ko noon sa tuwing lumalabas ako. 


Habang hinahanap ko yung school supplies section, bigla akong napatigil sa paglalakad nang mahagip ng aking mata ang isang poster. 


Wala paring ipinagbago yung itsura niya. Gwapo parin siya. Ano ba naman yan, Alex? Kailan ka ba magtatanda? Gulo lang naman dinala sayo niyang lalaking yan. 


Agad naman akong nagpatuloy sa aking paglalakad, ngunit ngayon ko lamang napansin na nagkalat pala yung mukha ng lalaking yun dito sa mall. Well, ano pa bang i eexpect ko? Artista yun eh. Malamang, kahit san ako tumingin, makikita ko mukha nun. Hindi ko nalang igagala mata ko para hindi ko makita. 


Di rin nagtagal at nahagilap ko narin sa wakas yung station kung saan nakalagay ang samu't saring mga school supplies. Agad ko namang kinuha yung mga bagay na kailangan kong bilhin. Gusto ko na kase umuwi, marami pa akong gagawin. 


Ballpen, color pencils, bond papers, yellow pad, highlighters, ano pa bang kelangan ko? Ayun binder notebooks! Dali dali akong nagtungo sa stand kung saan andoon ang mga binder notebooks. Nag tingin tingin ako sa mga design na nandoon ngunit walang pumapasa sa taste ko. Nang sumilip ako sa may pinaka baba, may nakita ako doong, magandang binder notebook. 


Akmang kukunin ko na sana ito, ngunit may nauna ng kumuha nun. Inis naman akong bumuntong hininga at hinarap yung taong kumuha ng binder notebook na gusto ko. 


"Excuse me, 'yan sana yung bibilhin ko--" 


Agad akong napatigil sa pagsasalita nang mapagtanto ko kung sino yung taong kaharap ko ngayon. Lumingon rin ito sa akin at napatigil siyang bahagya sa kaniyang ginagawa. 


Putangina. 


Sa aking harapan ay isang matangkad na lalaki. Naka suot man siya ng cap at facemask, alam kong siya iyon. Kabisadong kabisado ko ang mga detalye ng kanyang mukha. Kahit na mata lang niya ang makita ko, alam kong siya iyon. 


Mataman pa akong tinitigan nito bago mag salita. "Alex?" 


T.V ShowStories to obsess over. Discover now