Prologue

3 2 0
                                        

Nagising ang diwa ko ng may maramdaman akong malakas na hangin at tila may naririnig akong sumisigaw. Unti unti Kong iminulat ang aking mga mata at tila'y nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa kinatitirikan ng araw.

Nasan ako? Nais Kong magtanong pero tila walang niisang bahay akong nakikita.

Inilibot ko ang aking paningin ngunit puro naglalakihang puno lamang ang nakikita ko, at bakit sumobra naman ang lapit ng mga puno sa langit? Siguradong kapag inakyat ko ang isa sa mga puno ay abot na abot ko na ang kalangitan. Teka nasa heaven na ba ako?

Nagulat ako ng may marinig nanaman akong sigaw na papalapit na sa akin pero imbis na matakot at tumakbo ay inantay ko nalamang itong lumapit. Ngunit agad na napalitan ng pagkakainis ang kaninang katahimikan na nararamdam ko ng makita ko ang nag-iisang barumbado, kutong-lupa na pinakapangit na ginawa ng may kapal.

"Anong ginagawa ko dito Adamson?! Anong kalokohan nanaman ito?" Inis na tanong ko dito. Simula ng isinilang ako sa mundong ito ay hinding Hindi nawala ang inis ko sa pagmumukha ng lalaking nasa harapan ko.

"Easy girl, easihan mo lang Evelyn, and I haven't done wrong! I don't know where are we!"

"Wag mong pinaglololoko Adamson! Kailanman ay Hindi na talaga ako natuwa sayo!" Asar na sabi ko dito at akmang tatalikod na ako ng may marinig akong palakpak sa may likuran ko. Agad na lumingon ako sa pumalakpak at laking tuwa ko ng makita si Jacob.

"Jacob!" Galak na sabi ko.

Nginitian niya lang ako saka bumaling ng tingin sa nag-iisang pangit.

"Maligayang pagdarating sa Heaven's Gate" sabi nito.

"Heaven's gate?!" Sabay na sigaw namin ng pangit.

Agad na sinamaan ko ito ng tingin at ganun rin ito.

"Ito ang heaven's gate kung saan dapat ninyong itama ang pagkakamali nila Adan at Eba"

"ANO?!" Sabay ulit na sigaw namin.

Anong tinutukoy nitong si Jacob? Anong itatama ang pagkakamali nila Adan at Eba? Don't tell me..

"Welcome our new generation of Adam and Eve's, Adamson and Evelyn"

Oh. No.

***

The Last EveStories to obsess over. Discover now