Kabanata 1l

18 0 0
                                        

Bakit sa lahat ng bagay ay marami tayong katanungan?
Iisa na doon ang mga bagay na hindi natin maipaliwanag. (tugon ni Prof. Daniel)

Habang ako ay kabadong kabado pa sa lahat ng nasa paligid ko. Transferee lang kase ako dito sa university na toh, at ang university na ito ay ang University of the Philippines o UP Diliman.

Naaalala ko yung time na inintroduce ko yung sarili ko sa mga estudyante dito sa room na toh.
Tekaa recap natin...

"Okay class pay attention! I have something to tell you that we have a new transferee."
(Tugon ng lalaki habang ako ay nasa tabi nya)

"So now introduce yourself to your new classmates." (Sabi sakin nung lalaki na si Prof. Daniel)

"Hi! Good morning to all of you! I'm Lily Linda Clark and I'm glad to meet you all." (sabi ko sa kanila)

Habang ang mga estudyante ay nagbulungan pagkatapos ko ipakilala ang sarili ko.

Hindi ko naman alam kung ano ang dahilan kung bat sila nagbubulungan,
feeling ko tuloy may something sakin na di ko napapansin. Hindi ko na malayan na natulala na pala ako sa harap nila dahil sa kaiisip kung ano yung dahilan kung bat sila nagbubulungan.

Yun pala

Ayun ang dahilan para mapabulong sakin si Sir Daniel at sabihing "Ughhm? Miss Clark?nakabukas unti yung zipper mo" Gossshhh nakabukas pala yung zipper ko ng di ko namalayan. Yung tono ng pagsabi ni Prof. ay parang nagaalangang sabihin sakin yun. (Hays nakakahiya talaga yung time na yun. CARELESS MO TALAGA LILY KAHIT KAILAN)

Bigla nalang ako nagulat kase may kumalabit sakin. Pinakalabit pala ako ni Prof. sa katabi ko para matauhan ako, nakatulala pala ako habang nagtuturo si Prof.

"Miss Clark!" (tugon ni Prof. Si Prof. Daniel sya ang Human Science teacher namin)
"Ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay yung nakikita kong nakatulala lang ang estudyante ko habang ako'y nagtuturo dito sa harapan. Since you are a transferee here, maybe you don't know the things that I hate the most while I'm teaching because you are new here. So now you know. I will forgive you this time, but just make sure that you will not do it again."

Napayuko nalang ako at sinabi kay Prof. na "Yes Prof. hindi na po mauulit."

Napatango-tango naman si Prof. at halata sa mukha niya na hindi niyanagustuhan yung ginawa ko.
Hays pangalawang beses na kong napahiya dito, new student pa naman ako...

Hapon na at uwian na namin. Kahit na bago lang ako dito feel ko masasanay rin ako pagnakatagal na ko dito.

Nasa labas na ko ng bahay agad naman akong sinalubong ni mommy sa gate ng bahay namin para malaman niya na safe ako nakauwi.

Palagi kase akong hatid sundo ni dad nung nagaaral pa ko sa Virgin Mary College dito malapit samin pero di na nya magawa akong ihatid sundo pa kase malayo na ito sa amin pati makakasagabal din toh sa work niya. Workaholic kase si daddy, pero si mommy....sakto lang hehez

Dalawa lang kaming anak nila nila mommy pati ni daddy kaya natutugunan nilang dalawa mga kailangan namin kase dalawa lang naman kami, ako si Lily at ang isa kong kapatid si Debbie. Si Debbie yung kapatid kong matalino, seryoso sa bagay na desidido siya pero nagkakaroon naman kami ng bonding sa isa't isa pero nung mga bata talaga kami nakuu para kamingmga unggoy!!! HAHAHA share kowampoh

Naalala ko nung bata pa kami, kapag nagtama yung mga mata namin habang nangungulangot alam na!!! Nagkakaroon ng eye contact sa isa't isa kaya kapag nakita ko na yung mata niya na nanlilisik tapos nakangiti pa sya alam ko na kung anong ibig sabihin nun! Pahidan kulangot time!!!! HAHAHA ngayon ko lang narealize na ang dudugyot ng mga pinagagagawa naming dalawa! Kaderder! Pero nakakamiss din yung mga childhood memories, sayang nga lang dahil sa sobrang busy namin ngayon minsanan nalangkami nagbobonding :(

Our Lucid Love StoryWhere stories live. Discover now