P.S. Remember me: III

53 6 32
                                    

Chapter III

His Ex

Marahas niyang binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan at tinulak ako papasok. Umikot siya at sumakay sa driver's seat. Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata kaya pinili kong manahimik.

Nasa labas pa rin kami ng bar at hindi ako makahinga ng ayos sa nangyari. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa ginawa niya o dapat bang matakot dahil galit na naman siya ngayon.

"F*ck! Why are you clinging with that idiot?" Sigaw niya sabay hampas sa manibela.

Ginapangan ako ng takot ngunit nawala rin dahil sa naging reaksiyon niya. Naisip kong may pakialam siya sa akin dahil sa ipinakita niya.

"It's not what you think-"

Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko dahil nagmura na siya at hinampas ulit ang manibela.

"Bitch." Halos pabulong niyang sinabi ngunit narinig ko pa rin.

Pinaandar niya na ang sasakyan at pinaharurot ito. Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mainit na likido sa gilid ng aking mata. Parang pinipiga sa sakit ang dibdib ko. My husband is gone. Hindi ko na siya kilala. Napahikbi ako at dumungaw sa aking cellphone. I just want to inform Ara na umuwi na ako.

"Don't cry."

Napalingon ako sa kanya at mas lalong bumuhos ang luha ko. Nakatingin lang siya sa daan at pilit ko namang pinipigilan ang pag hikbi kahit ang sakit na sa dibdib.

"Stop crying, bitches don't cry." Asik nito.

Hindi ko alam na pati ugali pala niya ay maaring mag bago. Isang punyal na naman ang ibinaon sa akin ng sinabi niya. Hindi na yata niya ako matatanggap.

Nakarating kami sa bahay at dumiretso na ako sa kwarto namin. I took a shower and my tears flowed like wine. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung baki

Pagkatapos kong mag-shower ay nagbihis at humiga na ako sa kama. He's not here. Gusto ko na sanang matulog ngunit binabagabag ako ng utak ko. Bumaba ako at hinanap siya. Namataan ko siyang naka-upo sa couch habang nanonood sa T.V.
Napansin niyang nandyan ako kaya dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig.

"H-Hon.." Nanginginig kong sabi habang inaabot ang baso sa kanya.

"Stop, Celine! Hindi ka ba napapagod? Ilayo mo sa akin 'yan." Sigaw nito at hinawi ang baso dahilan para mahulog at mabasag ito.

Dumugo ang kanang kamay ko sa pagka-basag ng baso at pumatak ang dugo sa sahig. Napatayo si Texas at hinawakan ng mahigpit ang sugat ko.

"Sh*t! Bakit ba ang kulit mo? Tumigil ka na dahil kahit kailan, hindi kita maaalala. Hindi kita magugustuhan." Madiin ang bawat salitang binibitawan niya.

Iwinakli niya ang aking kamay at mas lalo itong dumugo. Padabog siyang bumalik sa kwarto at isinara ng malakas ang pinto. Pinagmasdan ko ang nagkalat na butil ng nabasag na baso. Hindi ako gumalaw dahil baka mabubugog ako. Tinakpan ko ang aking sugat at naupo sa couch.

"Ma-am, ano po ang nangyayari dito?"

Nagulat ako sa presensya ni Glenda. Nanlaki ang mata niya nang makita ang tumutulo kong dugo sa sahig.

"Nako, Ma-am! Dalhin ko na po kayo--" may bahid ng pag-aalala ang boses nito ngunit hindi ko na iyon pinatapos.

"Okay lang ako, Glenda. Paki-linis nalang ng mga nagkalat na bubog." Utos ko sa kanya at kumuha ng first aid kit sa cabinet.

Nilinis ko ang aking sugat at binalot ng benda. I am hurt, physically and emotionally. Pinanghihinaan ako ng lakas sa bawat araw na nakikita ko siya. Sana nga totoo na ang puso ay hindi nakakalimot, ngunit kaakibat naman ang pagkabulag nito.

P.S. Remember MeWhere stories live. Discover now