Chapter 2 - Batangas Trip

333 11 4
                                    

Patungo na kami ng Batangas gamit ang aming Van, hindi ko aakalain na kaming labing tatlo ay nagkasya, sa bagay UV naman ito at lahat ng gamit namin ay nasa likod kung nasan nandun sina Nyco at Trick na naglalaro ng mobile game.

Ang mga kaibigan ko namang sina Emily, Kyle, at Pia ay tulog sa likod sa hilera sa harap nila Trick at Nyco habang sina Lance at Renz naman ay kumakain kasama si Olivi at Yca.

Si Yca ay nag-aayos ng kanyang camera at ako ay nasa passenger's seat katabi ni Zein na nagmamaneho ng aming sasakyan.

Nang kami'y nasa daan na ay, "Wala man lang ba music? Road trip oh." sabi ni Yca sabay baba ng kanyang camera at itinago ito.

"Teka sige." Nang kami'y nahinto sa stoplight ay may ginawa si Zein sa kanyang phone at binigay ito kay Yca. "Ikaw na bahala kung ano gusto mo ipatugtog sa Spotify. Naka-connect na yan sa bluetooth ng van." paliwanag ni Zein sabay kuha ni Yca sa phone.

"Wow, high tech ang uv na 'to. Hmm.. sige, ito nalang." Sunod kong narinig ang kanta ni Charlie Puth na Attention. 

Yca's POV

Hindi ko muna syempre ibinalik ang phone ni Zein at kinalikot ang kanyang gallery... puro letrato ng kanilang aso kasama siya, jusko may album pa ng mga date nila ni Dylan!? Wow.

Sunod kong tiningnan ang kanyang ig, at tsaka naman agad na tumingin si Olivi na katabi ko.

"Uy, dami mo na followers, Zein oh." bigkas ko.

"Halos bawat linggo nadadagdagan dahil dun sa pageant." rason ni Zein at nag-green light na kaya natuloy ang kanyang pagmamaneho.

Tumingin ako sa isa sa mga post niya,

Tumingin ako sa isa sa mga post niya,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Uy ang cute!" komento ni Olivi.

"Si Brusk 'yan 'no? Wala kasing gustong umampon sa kanya kaya kami na ni Rylie ang kumuha." komento naman ni Zein.

Natungo ako sa ig ni Dylan kung saan hindi gaano karami ang kanyang post pero mukhang simula nang mag-date sila ni Zein ay may ngilan-ngilan na akong nakikitang mga letrato.

Natungo ako sa ig ni Dylan kung saan hindi gaano karami ang kanyang post pero mukhang simula nang mag-date sila ni Zein ay may ngilan-ngilan na akong nakikitang mga letrato

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ayooonn~" tukso ko sa kanila.

"Oy wag masyado tumingin sa gallery ko uy." panimula ni Zein.

"Nasa ig ako ni Dylan." sagot ko kaagad at napatingin si Dylan sa akin mula sa salamin at binigyan ko siya ng ngiti pabalik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sensation's Goodbye (boyxboy)Where stories live. Discover now