Prologo

11K 395 20
                                    

NAGISING si Mykael sa malakas na sigaw ng isang babae. Napabalikwas siya ng bangon at napalinga-linga sa paligid. Rinig na rinig niya ang alon ng dagat mula sa labas. Tumagos ang maaliwalas na sikat ng araw mula sa nakabukas na mga bintana. Ramdam na ramdam niya ang malamig at preskong hangin sa kanyang paligid.

Ang natural na singkit na mata ay lalo pa yatang lumiit when he realized that he was not in his room and definitely not in his fuckin house.

"Magbihis ka!"

He gasped as soon as he felt something hard hit his head. He grimaced in pain. Napamura siya sa isip. Seriously? Binato lang naman siya nito ng palakang coin purse. Tsk, ang babaeng 'to. Kung 'di baliw, may pagka-abnormal.

"What?" inaantok at medyo paos pa niyang tanong. Oh well, he remembered now. "Inaano ba kita?" dagdag pa niya sa malambot at maarteng boses na malayong-malayo sa natural niyang boses. Yes, he did not correct this woman about his real gender preference. Yeah, fucking crazy, right? He will probably gonna regret this later. "Ang aga-aga mong mambulahaw. Ano bang pinaglalaban mo, girl?"

"Magbihis ka!" sigaw nito sa mahinang boses.

Takot na mabulahaw nito ang mga tao sa ibaba.

"Sinong may sabing pwede kang maghubad? At naka boxer shorts ka pa talaga. Dios ko, paano na lang kung makita ka ng mga kapitbahay?" Nakatakip nito ang isang kamay sa isang mata nito habang pinupulot ang mga gamit niya sa sahig. Lihim siyang natatawa kapag tumatama ang mga gamit niya sa katawan nang isa-isa nito 'yong ibato sa kanya. "Ano na lang iisipin nila sa akin?" stress na stress na siya oh. "Alam kong bakla ka pero, please moderate your actions, sinisira mo ang image ko."

You care too much about your image, Gumie. Chill, okay? I'm still adjusting. Sagot niya rito sa isip. Inis siya kanina but her reactions are superb. Naaliw siya rito. Trust me, I'm harmless.

Naingat niya ang mukha sa magandang mukha ng babaeng nasa harap niya. Kung kasing ganda rin sana ng pangalan at mukha nito ang paraan ng paggising nito sa kanya, 'di sana magkakasundo sila at hindi niya ito aasarin nang sobra. May ugali din kasi 'tong babaeng 'to. Buti na lang pasensiyado siyang tao.

But Gumamela's too cute with that frown. And that beautiful long legs of hers, damn, he should really remind himself always that he's there to help the poor woman and not because of his own sexual desires. Remind yourself Mykael na ginusto mo 'to. You could have said no but you fuckin didn't.

Gumie's not the type of woman who plays around. Makikipaglaro ito pero hindi sa harutan, makikipaglaro ito sa patayan, and that's kind of crazy. Well, she is sort of.

Pulang-pula na ang mukha nito. This time, ang dalawang mga mata na nito ang natatakpan ng isang kamay nito pero magkalayo naman ang spacing ng mga daliri nito kaya alam niyang may nakikita pa rin ito.

He couldn't help but smirk silently in his mind. Sus, kunwari pa ang 'sang 'to. Gustong-gusto rin naman nito ang magandang view na nakikita nito. Not to brag, pero iilan lang ang nabibigyan ng pagkakataon para masilayan ang angkin niyang kakisigan sa umaga.

She should be grateful.

But Gumie is not his fling type woman. She was different - a lot different and pretty much weird and abnormal, not to mention, a very unfortunate human being. But of course in a good way. In short, she finds the woman really interesting and fun to be with kahit laging high blood.

Pass muna siya sa kapusukan.

Mukhang magandang magbakasyon at magpaalaga sa isang Gumamela.

"And so? Fiance mo naman ako. Anong masama kung rumampa akong hubo't hubad sa bahay ng pakakasalan ko?!"

HB 2: HIS BEAUTIFUL LIE - COMPLETEWhere stories live. Discover now