Sabi nila dapat kalimutan na kita
Sabi nila maglibang ako upang sumaya
Sabi nila bigyan ko ang sarili ko ng pagkakataong lumigaya
Sinubukan ko naman..
Sinubukan kong kalimutan ka.
Pero sa bawat paglingon ko sa dako paroon
Mukha mong mapang-asar ang naroroon
Kahit sa pagpikit ng aking mga mata
Mukha mong masaya ang siyang nakikita.
Pinilit kong kalimutan ka
Sinabi ko sa sarili kong hindi na kita iisipin pa
Nilunod ko ang aking sarili sa mga bagay na sa aki'y makapagpapasaya anila
Pero sa aking pag iisa, ikaw pa rin ang aking naaalala
Mahal pa rin kita.
Iyan ang nais banggitin sa tuwing ika'y aking makikita
Ngunit ako'y mapapahinto at matutulala
Dahil ang kayakap mo'y iba.
Masakit, ngunit anong magagawa
Bakit ko ipagpipilitin ang sugatang puso kong nasaktan?
Bakit ko isisiksik ang sarili sa taong hindi ako mahal?
Kaya aking susubukan na ika'y kalimutan.
VOUS LISEZ
Sinubukan Ko Namang Kalimutan Ka
PoésieGiving up doesn't always mean you are weak, sometimes it just means you are strong enough to let go.
