Prologue

14.2K 296 49
                                    

"Renee," Ngumuso sa akin si Hillary. Nagsisimulang magtubig ang kan'yang mga mata kaya mabilis ko siyang nilapitan at niyakap.

"Hillary, 'wag kang iiyak," Sambit ko sa kan'ya. Natatakot ako na kapag tumulo ang luha sa kan'yang mga mata ay tutulo na rin ang luha ko. Ayokong masira ang make-up ko, and most importantly, ayoko na muling lumuha pa.

Pagod na pagod na ako.

The only thing I want right now is to be contented. Ayon na lamang.

"I'm sorry," Tumawa siya nang mahina at pinunasan ang kan'yang mga mata. "I just... I can't help it."

Hinigpitan ko ang yakap sa kan'ya at pinigilan ang luha ko sa pagtulo. I love this woman, she has been here for me ever since, simula noong mga panahon na sobrang nababaliw ako sa Serendipity. Hindi niya ako iniwan, at kahit na paulit-ulit niya akong pinagsasabihan na ang tanga tanga ko at hindi ako nakikinig sa kan'ya, narito pa rin siya.

Hindi siya napagod sa akin.

"I just hope you'll be happy here," Hinagod niya ang likod ko. "Kahit naman kasi sobrang katangahan mo, gusto ko pa rin masaya ka. Deserve mo naman 'yon, eh."

Tumango ako sa kan'ya. Sana nga... Sana ito na ang kasiyahan ko.

Nagpanggap akong excited sa lahat ng kapamilya ko, kahit sa pre-wedding pictorials at videos, sinubukan kong ilabas ang matatamis na ngiti ko.

Pero alam kong kulang iyon.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang binubuksan ng isang bodyguard ang bridal car. This is it. Dahan dahan akong bumaba sa sasakyan. Pumatak ang isang luha pero agad ko iyon pinunasan. I can't look sad right now.

At least not on my wedding day.

Ang daming naging preparations, ang daming pera na ang nagastos. Ultimo itong gown na suot ko ay daang libo na ang halaga. I know Papa only wants the best for me, and he only wants me to move on kaya binigay niya lahat ng gusto ko para matupad ang dream wedding ko?

But what if this isn't the best for me?

Magagawa ko bang harapin ang bawat bukas na patuloy na nagpapanggap?

Totoo ba ang sinasabi nilang fake it 'til you make it?

Nagbukas ang pinto ng simbahan, the smoke and bubbles started to cover my view. Muli akong huminga ng malalim at kumapit sa bouquet na hawak ko. Dahan dahan akong naglakad. Bawat hakbang sobrang bigat.

Everybody was smiling at me, and how I wish I can share the same smile.

Sa gitna ay naroon si Papa. Nakangiti rin siya ng malaki. Damn, it makes my heart clench in pain. I love Papa so much. Siya lang ang aking pamilya simula nang mawala si Mama. Hindi niya ako sinisi sa pagkamatay ni Mama kahit na ako naman talaga ang dahilan. I was a miracle baby, they said, but do miracles really cost another person's life?

Kailangan ba talagang kunin si Mama kapalit ng buhay ko?

Hindi ako sinisi ni Papa, pero sinisi ko ang sarili ko.

"You look beautiful, my daughter," Papa's voice cracked into a sob as he offered me his arm. Niyakap ko siya bago tinanggap iyon.

Isang buntong hininga pa.

Sobrang bigat ng suot kong gown na pakiramdam ko kahit ito ay pinipigilan akong magpakasal.

"You'll be happy with him," Papa assured me.

And I want to be happy. After all these years, iyon na lang ang natatangi kong hiniling.

I looked at my groom who looked back at me in awe. Inabutan siya ng kan'yang best man ng isang panyo, and I know he was crying. He was crying in joy.

And damn, I have always wished that these eyes produce happy tears as well, na sana ngayon, hindi na ako umiiyak dahil sa kalungkutan. Pero gan'on pa rin iyon, eh. Kahit gaano kasaya ang lalaking papakasalan ko, ay gan'un rin kabigat ang damdamin ko.

I've always been a fan of wedding videos. I have always wanted someone to look at me the same way the groom looks at their bride in those videos - full of awe, full of love, full of promises. Pero ngayon na natupad na ang pangarap ko, ngayon na nakikita ko na ang titig niya sa akin, hindi ko malaman kung bakit hindi ako masaya.

Ito naman ang gusto ko noon pa man. Everything here is perfect. This is my dream wedding. Ito iyong pinangako niya sa akin.

Pero mayroon lang talagang kulang.

Papa hugged my groom and gave his final blessings. Isang buntong hininga muli bago ko hawakan ang kan'yang braso. He is dazzling as ever, no doubt at that, kaya naman hindi ako nagtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa kan'ya.

"You look beautiful, my love," Aniya saka iginiya ako gitna ng simbahan. The priest was waiting for us, his smile felt so genuine, pero habang nagmimisa, wala akong ibang gustong mangyari kung hindi ang matapos na ito. I just wanted to get this over with.

"Do you, Adam Ezekiel Feledrico, take Renee Iver Gamboa as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?"

Nilingon ko siya. His eyes were full of hope, full of faith, full of promises.

"I do," Mabilis niyang sagot. Walang pagdududa, na parang siguradong sigurado siya.

"Do you, Renee Iver Gamboa, take Adam Ezekiel Feledrico as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?"

Napakagat ako sa labi ko at napatitig sa sahig. Halos managutan ako ng hininga.

"Renee?" Adam whispered beside me, his voice pained.

Isang luha ang tumulo... Dalawa... Tatlo... Hanggang hindi ko na mabilang pa. Akala ko kaya ko. I thought I can fake it 'til I make it, but I was only cheating on myself, cheating on him, and cheating on everyone around me.

This was the perfect wedding, for the perfect bride, pero hindi ako iyon, and Adam doesn't deserve this. He doesn't deserve a lifetime with me only wishing he was someone else.

Taas-noo ko siyang hinarap, ang kan'yang makapal na kilay ay nakakunot, halos nagtutubig ang kan'yang mga mata, and this was the sight I didn't want to see everyday for the rest of my life - him, pained, for loving someone who still loves another person.

Because that was the exact pain I've been through.

It makes you feel worthless, it makes you question your existence and your purpose.

FidelityWhere stories live. Discover now