He's Definitely a Superstar (One Shot)

Beginne am Anfang
                                    

Masisisi nyo ba ako kung nasasaktan ako ngayon? Sigurado, kung kayo rin ang nasa lagay ko, you would feel the same way.

Wala sa sariling tumayo ako at naglakad papunta sa kama ko at humiga. Doon ko ipinagpatuloy ang pag-iyak.

Hindi ko alam kung ilang minuto or oras na akong umiiyak ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita kong nagmamadaling nilapitan ako ng bestfriend kong si Angie. May susi kasi sya dito sa unit maging sa kwarto ko. Dito kasi sya laging nag-ii-stay kapag nag-aaway sila ng Daddy nya.

Namalayan ko na lang na hinihila na pala nya ako palabas ng building.

"Ui Anj! Teka lang! San mo ba ako dadalhin?!" pasigaw kong tanong habang hila-hila nya pa rin ako.

"Basta! Manahimik ka na lang dyan!" sagot lang nya sabay pinapasok ako sa kotse nya.

"Ui Angela, sabihin mo na nga kasi! San mo ba talaga ako dadalhin?!" patuloy pa rin ako sa pangungulit sa kanya.

Nagda-drive na sya ngayon at wala akong idea kung saan ako dadalhin ng babaeng ito. Mamaya pala, hindi na sya ang bestfriend ko dahil naabduct na ng mga aliens ang katawan nya, tapos kung saan ako nito dalhin. Baka mamaya, dalhin pa ako sa planeta nila.

Uwaaahh!!! Wag naman sana!!!

"Basta! Just trust me, okay?!"

Ay hala! Nabasa nya yung nasa isip ko?!

Waaahh! Baka nga alien talaga 'tong babaeng 'to!

Lord, tulungan nyo naman po ako! Huhuhu...

"Andito na tayo..." sabi nya pagkaraan ng ilang saglit pagkatapos ay ipinreno yung sasakyan.

Tumingin ako sa paligid at nagulat ako nung marealize ko kung asan kami.

"O ano pang inaantay mo dyan? Baba na!" sabi nya habang tinatanggal yung seatbelt nya pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.

Saka ko lang narealize na si Angie pala talaga sya at hindi sya isang alien, but that doesn't mean na natutuwa ako sa binabalak nya.

"Ayoko." Madiin kong sagot sa kanya.

"Ah! Ayaw mo ah?!"

Walang sabi-sabing binuksan nya ang pintuan ng sasakyan na nasa may side ko, tinanggal yung seatbelt na nakakabit sakin, at pagkatapos ay kinaladkad ako papasok sa ABS-CBN compound.

Sinubukan kong tanggalin yung kamay nya na nakahawak sa braso ko, pero sadyang malakas sya. Aba'y eh, anong laban ko dito, eh Black Belter to sa Taekwondo nung High School kami. Aish!

Wala na akong nagawa pa, dahil nagawa na nya akong kaladkarin hanggang dito sa set ng...

Wait!?

Showtime?!

Anong ginagawa namin dito?!

Nakataas ang kilay na tiningnan ko si Angie, pero imbes na magsalita ay ngumuso lang sya sa harapan. Awtomatikong napatingin ako sa tinuro ng nguso ni Angie at doon ay nakita ko si RJ.

Nakadenim pants sya at long-sleeve na red shirt na napapatungan naman ng blue and white checkered style na polo. He looks dazzling as always, but it doesn't change the fact na galit pa rin ako sa kanya.

Saka ko lang napansin na may spotlight rin palang nakatutok sa'kin. Bigla tuloy akong na-conscious.

At conscious na nga ako, mas lalo pa akong na-conscious sa mga sumunod na sinabi ni RJ.

"So here she is now... Happy 5th year anniversary Babe... Alam nyo po kasi,.. galit sa akin ang Babe ko ngayon dahil dun sa kumalat na balitang magkasama kami ni Rachel sa mall... Yeah, I admit, totoong magkasama kami noon, pero hindi ibig sabihin na there's something going on between us... I just asked a favor from her na samahan akong bumili ng ipangreregalo sa girlfriend ko. And the reason behind that, you know... behind that picture is... nakakatawa man sabihin... pero, muntikan na kasi syang matapilok, kaya natural lang na mapahawak sya sa braso ko..."

"So please, sa mga reporters at manunulat... I know it's your job, but please don't make up stories. It doesn't mean na porke hindi nyo kami nakikitang nagde-date ng girlfriend ko ay hindi na talaga kami nagde-date. I'm just trying to make our relationship private as much as possible, kasi ayaw kong madamay ang mahal ko sa magulong mundo ng showbiz..."

"I want all of you to know and witness how much I love this girl infront of me..."

Hanggang sa hindi ko namalayang kanina pa pala ako humahagulgol sa iyak. Ngayon ko nga lang napansin na may hawak na pala akong mic. Hindi ko matandaan kung sinong nagbigay nito sa'kin. Naramdaman ko na lang ang marahang paghagod ni Angie sa likod ko.

Magsasalita na sana ako sa mic ng biglang umurong yung dila ko dahil sa sunod na ginawa ni RJ.

He kneeled in front of me at mula sa likod nya ay may nilabas syang maliit na box. Binuksan nya yung box sa harapan ko and I was so speechless ng makita ko ang kumikinang na bagay na nasa loob nito.

"Ms. Nimfah Grace Cortizano, will you marry me?"

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa mata ko, pero this time, hindi na dahil sa sakit kundi sa labis ng kaligayahan.

Pinatayo ko sya and then immediately threw myself on him and hugged him very very tight. After several seconds, humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. My arms still wrapped around his neck while his hands are still on my waist.

"Yes Mr. Ryan James Salvador. I'll marry you..." I said and then kissed him on the lips afterward.

I guess it's still a happy ending after all.

>>>♥<<<

He's Definitely a Superstar (One Shot)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt