Nanlambot ako kasi sobrang ganda ng boses nya nanahimik ako bigla at napatulala sa kanya hindi nya lang alam kung gaano kalakas ang dating sakin ng magagandang boses na nagpplay pa ng piano. Hindi ko napansin yung sarili kong nakatitig at ang laki ng smile sa kanya kaya nung medyo nagchorus na sumabay na ako
So open your eyes and see
The way our horizons meet
And all of the lights will lead
Into the night with me
And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home
And, oh, I know
And oh, I know, oh
I can see the stars
From America
Nakanta sya ng nakapikit parang ako lang din. Pero simula nung pumikit sya hindi na ako na ako napapikit. Tinitigan ko na lang talaga sya. Natapos na yung kanta nakatitig pa din ako sa kanya dun ko lang narealize na gwapo din sya. Ewan ko ba nainlove talaga ako sa boses ang galing pa magpiano.
“Marunong ka palang kumanta?”-sabi nya
“Oo konti lang, ang galing mo tumugtog, ang ganda din ng boses mo. Nag music lesson ka ba?”
“Hindi no. Sa nakasanayan kong laging pagiisa nasanay akong walang ginagawa kaya pagnabobored ako sa bahay kumakanta ako magisa sa music room ko. Nagaaral na lang din akong tumugtog magisa nanonood ng videos ng mga turoial at bumibili ng mga books na pwedeng gamitin. Ang ganda ng boses ang galing mo ding mag gitara”
“Hindi ako magaling, marunong lang. Gaya mo din ako nagaral magisa. Nagkukulong lang din sa music room ko”
Pagkatapos ng usapang yun umorder na lang kami parehas e sabi nya ittreat nya daw ako kaya pumayag ako pero hindi nya ako tinanong kung anong gusto ko pag balik nya sa table nakita ko yung mga orders nya and yun din yung mga gusto ko para syang si Rj lahat ng gusto nya ganun din kay jad.
“Paano mo nalaman tong gusto ko?”
“Favorite ko kasi tong mga food na to e ako naman ang gagastos e kaya sinubukan kong piliin din yan para sayo baka sakaling magustuhan mo”
“Oo nagustuhan ko. Favorite ko to e. Dito kami lagi kumakain ng pinsan ko nung mga panahong magkasundo pa kami e nakasanayan ko ng kainin to kaya inaraw araw ko na”
“Ako din. Ganun din kami ng pinsan ko. Bestfriend ko sya”
Hindi ko na lang napansin na namumula ako. Grabe. Ang init ng pisngi ko. Iba talaga tama sakin ng lalaking to. Pakiramdam ko nga talaga magkakasundo kami. Lahat ng gusto ko gusto nya din lahat ng ginagawa ko ginagawa nya din. Bahala na si batman. Crush ko na sya, pero konti lang. Hahahaha.
Nanahimik ang buong kapaligiran dahil busy kami parehas kumain. Parehas din kaming gutom.
“Sabi mo may pupuntahan ka?”
“Oo nakapunta na ko. E bigla kasi akong nagutom kaya dumiretso ako dito”
“Ah san ka nagpunta?”
“Sa park nandun kasi mga bata e. Pinuntahan ko sila”
“Sinong mga bata?”
“Mga batang walang magulang, mga abandonadong bata”
“Anong ginawa mo dun?”
“Nagpatayo kasi akong foundation para sa kanila e nagyaya silang lumabas kanina e kaso madilim na kaya pinauwi ko na lang sila, kasama naman nila mga tauhan don sa loob e”
“Ano yun para san yung foundation na yun?”
“Syempre para tulungan yung mga bata.Hindi ko din matitiis na naggagala sila sa labas tapos nagmamalimos”
“Wow? Ikaw ba talaga yan? Hindi ganyan pagkakakilala ko sayo akala ko wala kang pakielam sa paligid mo. Hahahaha”
“-___________________-“
“Joke lang”
Natapos na kaming kumain nagyaya na ko pauwi. As usual hinatid nya na naman ako sa bahay.
“Thank you kanina J”
“Welcome. Ingat ka paguwi ha. Madilim na sa daan”
“Ok lang yan sanay na ko”
“Sige sige. Bukas ulit”
“Alam mo yung everything has changed na kanta?”
“Nope. Why?”
“Aralin mo yun. Next time yun tutugtugin natin”
“HA? Ok. Sige”
“Sige uwi na ako. ”
“Bye”
“-_________-“
“What?”
“Wag bye. Ayoko ng word na yan” Napatigil ako yan din kasi sinabi sakin ni RJ e.
“Ah sige. Sorry. Ingat J”
Tapos naglakad na sya papalayo sakin. Nakita ko yung anino nya na paliit ng paliit at naalala ko na naman yung nangyare kanina naalala ko yung ganda ng boses nya at pumasok ako ng bahay ng nakangiti at nakita ako ni ate may pag aayiieee ayiee pa kinikilig daw kasi ako. Sabi ko hindi naman pag ba nangiti lang e kinikilig agad? At yun niyakap na naman ako. Sabi ko aakyat na ko kasi busog na ako. Tapos nag bukas akong wifi at pinakinggan yung everything has changed.
“Ang lungkot naman ng buhay ng lalaking to”
Chapter 14
Start from the beginning
