We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

The Enchanted Princess

11 1 0
                                        

Sa isang malayong lugar sa Enchancia merong isang prinsesa na  nakatira sa isang malaki at magandang kaharian. Siya si prinsesa Larah Marchesa siya ay maganda at lahat ng prinsipe ay nagkakagusto sa kanya, kanilang nililigawan ang prinsesa munit palagi nalang niya itong linalait at pinapahiya sa madaming tao.

Isang araw habang pumapasyal ang prinsesa sa hardin may lumapit sa kanyang pulubi at tinanong kung pwede ba niyang pakasalan ito. Pero walang awang sinabi ni Larah sa pulubi"Umalis ka nga dito sisirain mo lang ang maganda kong hardin pangit at maduming pulubi!" Sabay tulak sa pulubi. Biglang may nakakasilaw na liwanag na umilaw. Pag mulat ni Larah sa kanyang mga mata nagulat siya sa kanyang nakita. Ang pulubi ay naging isang diwata."Te-teka sino ka? Nasaan yung pulubi?!", natatakot na tanong ni Larah. "Ako ang pulubi Larah , dahil sa iyong kasakiman isusumpa kita na maging isang pulubi para maranasan mo ang mga ginagawa mo sa ibang tao at para matutunan mo ang iyong leksiyon", sabi ng diwata. Takot na takot si Larah. Nawala na si Cassandra at naging isang pulubi na  nakatira sa pangit at maduming  kalsada.

Isang araw may dumating na sundalo na kakagaling lang sa digmaan. Siya si Angelo Lamarroza. Siya ay umuwi na sa kanyang bahay para alagaan na ang kanyang ama na may sakit. Kinabukasan maulan pero pumunta parin siya sa palengke para bumili ng prutas para sa kanyang ama. Nang pabalik na siya doon niya naksalubong si Larah na linalamig at basang basa sa ulan. "Ahmm.. babaeng pulubi, a-ate gusto niyo po ba sumama sa aming bahay maliit lang po pero magiging kumportable kayo sa amin",sabi ni Angelo. Mas importante na ngayon na makatira ako sa isang bahay para ako ay makisilong ng sandali, sabi ni Larah sa kanyang isip. "S-sige , sabi ni Larah. Kinabukasan maganda na ang panahon magtitinda na si Angelo ng mga suman at iba pa sa palengke. "Sama ajo Angelo", sabi ni Larah. "Hindi na bantayan mo nalang ang aking ama" ang sabi naman ni Angelo. 59 na ang araw simula ng isumpa ng diwata si Larah at 2 araw nalang natitira kay Larah para mahanap niya ang kanyang tunay na pag-ibig, dahil 61 araw lang ang binigay sa kanya ng diwata munit habang palapit ng palapit ang araw na ang bingay sa kanya ng diwata mas lumalapit ang damdamin nina Angelo at Larah sa isa't-isa.

Nang ika-60 na araw na nang ibigay ang sumpa kay Larah nag-away sila ni Angelo dahil sa hindi pagkakaintindihan umalis na si Larah sa bahay nila Angelo at saka lang nalaman ni Angelo ang sumpa kay Larah nang 12:55 ng gabi. Mahal niya parin ito kaya bigla na lang iyang kumaripas ng takbo at hinanap si Larah. Sigaw ng sigaw si Angelo hanggang nakita niya si Larah na umiiyak  sa isang kanto. "Larah! Alam ko na ang tungkol sa'yo Mahal kita at alam kong mahal mo ko kaya wag kang umalis dito ka lang sa tabi ko", sabi ni Angelo kay Larah at agad niya itong hinalikan at naputol na ang sumpa ni Larah. 1 taon matapos maputol ang  sumpa kay Larah ay mayroon na silang kambla na babae na ang pangalan ay Criselda at Crisanta. Dumating ang diwata at natuwa dahil mabuti na ang prinsesa."Prinsesa Larah mabuti at ikaw ay nagbago na maraming salamat Angelo at napabago mo si Larah". sabi ni diwata at umalis na siya. At nabuhay na sila ng masaya at mapayapa...

          
 

          

                THE END...

  
  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Secret PrincessStories to obsess over. Discover now