Stephanie's POV
" huwag!! huwag nyong gawin iyan para nyo nang awa" sigaw ng isang babaeng hawak ng dalawang armadong lalaki.. Masasabi nyong isa syang mayaman dahil sa kanyang kasuotan.." Papa parang awa mo na *huk* mahal ko sya at *huk* di na magbabago iyon *huk*" sabi ng babae na patuloy parin sa pagtangis.." anak alam mong kayamanan lang ang habol nyan sayo.... Heto halika at tignan mo" pagtatawag sa kanya ng lalaking may edad na " nakuha ko ito sa bulsa ng kanyang baro" sabi nyang muli " ngunit ama " pagtutol nya at bakas sa kanyang expresyon ang pagaalinlangan.." ayaw mo bang maniwala sa akin anak? heto tanungin. mo ang magling na ito" sabi ng kanyang ama habang tinuturo ang kawawang lalaki.. Halos mawasak na ang kanyang mukha dahil sa mga galos na kanyang natamo. " mahal *huk* totoo *huk* ba?" tanong nya sa lalaki na sya namang ikinatango ng binata " paano mo *huk* nagawa sa akin *huk* to? Pinag- *huk* katiwalan kita pero *huk* ito ang isusukli mo?" di na napigilan pa nang dalaga ang kanyang galit na nagsanhi ng pagtaas ng kanyang boses "anak tama na baka maatake ka!" sigaw ng kanyang ama "halika't pumasok ka sayong silid" pagaaya ng ama."ma--hal san--da-li mag *argghh* magpapa--liwanag. a-ako *argghh* " mababakas sa mata ng binata ang pagsusumamo na handa namang pakinggan ng dalaga "h-hindi ko *argghh* ni--ninakaw y.." di na natapos ng binata ang kanyang sasabihin ng biglang sumigaw ang ama ng dalaga "TUMIGIL KA NA". at kasabay nun ang malakas na alingaw-ngaw ng mga bala na nagbigay ng kamatayan sa binata.."MAHAL" sigaw ng dalaga
"HUWAG" agad akong napabangon sa aking pagkakahiga na hinihingal at pinagpapawisan. "bakit p-parang totoo yung mga panaginip ko?"
"Steph? anak? okay ka lang dyan?" tanong sa akin ni mama habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko
"Opo mhie nanaginip lang po ako"sagot ko sa kanya
"ah ganon ba?sige, go back to sleep. Maaga ka pa bukas."sabi nya
"sige po. Kayo rin po" sabi ko. Nakarinig ako ng yabag papalayo sa kwarto ko senyales na umalis na sya. Bumangon uli ako sa pagkakahiga dahil di ko na makuha ang tulog ko.
Kinaumagahan
*kriiing kriiing*
Tunog ng alarm clock ko. Isang oras lang ata ang tulog simula nung magising ako kagabi dahil sa panaginip ko or should i say nightmare. Parang totoo kasing nangyari na ewan, nung binaril yung lalaki nakaramdam ako ng sakit. Hindi sakit sa katawan kundi sakit dito, dito sa dibdib ko,bigla syang nanikip, parang may koneksyon kami.
Naglalakad ako papuntang classroom ng may nabangga ako isang ale mukhang may hinahanap matanong nga. "ahm lola may hinahanap po b kayo?" tanong ko bigla syang lingon sa akin at sinabing "sa wakas nahanap na rin kita!" sabi sabay ngiti. "po? Baka po nagkakamali kayo" sabi ko sa kanya " hindi iha, ikawang kailangan ko" sabi nya na mas lalong ikinataas ng balahibo sa balat ko. " STEPH!!" sigaw ng best friend ko di kalayuan sa kinatatayuan ko. Nilingon ko uli yung lola pero nagulat ako ng mawala ito sa pwesto nya kanina. Paanong bigla nalang syang nawala? eh kausap ko palang sya "holy crap"
Sigaw ko ng bigla akong akbayan ng best friend ko. "besy anyari? Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong nya sa akin. Di ko sya sinagot sa halip ay hinila ko nalang sya papuntang cafeteria.
"ANO??BIGLA NALANG NAWALA YUNG MATANADANG KAUSAP MO?" tanong nya sa akin.
"oo at kung pwede sana wag kang sumigaw. Ang sakit sa tainga" sabi ko sa kanya
"ano bang sabi nya sayo?" tanong nya at ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari simula sa pagkakabunguan namin hanggang sa pagdating nya..
*kriiiinnnngg*
Natapos ang maghapong klase pero ni isang subject wala akong naintindihan..
Papunta akong parking lot nandun na daw kasi si Louie manliligaw ko ganito ginagawa nya kada hapon sinusundo nya ako at hinahatid sa amin pero bago ako umuwi ipinapasyal nya muna ako sa kung saan-saang magagandang lugar na minsan ko lang mapuntahan.
YOU ARE READING
Time Machine
Random"hey, lady..are you sure that this old school watch can do it?" " oo, kung maniniwala ka, agad mo itong magagamit., ngunit kung ikaw ay may pagaalinlangan, maaaring mahaba- habang panahon pa ang iyong hihintayin" " what if I dont want to accept it?"...
