MISTERious...

118 0 0
                                    

He’s the weirdest guy I know.

So mysterious. Hindi ko nga siya mabasa e.

Ewan ko ba. Pero pakiramdam ko may kakaibang aurang bumabalot sa kanya pag papasok siya sa klase namin.

And yet, all girls wants to be close to him—but not me.

Oo, nakaka-curious nga yung taong yun pero bakit ko naman siya pag-aaksayahan ng panahon, ano. As if he’s worthy.

Ang tanging alam ko lang ay ang buong pangalan niya.

Daniel Grey Christien Estilloso and he is MISTERious.

 

 

*****

[1]

 

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Papa Grey! I love you! I love youuuuuu! Waaaaaaaaaaaaaaaaah!”

Rinig na rinig sa kabuuan ng hallway ng tilian ng babae at mga feeling babae sa paparating na si Grey. Yes, yung pangalan niya kasing kulay ng aura niya.

Mr. Pokerface. Hindi mo siya makikitaan ng emosyon. Kung tumingin akala mo lampasan… akala mo hindi ka nag-eexist sa mundo niya.

Mr. Out-of-this-world. Masyado siyang mayaman. To think na wala siyang friends at wala siyang kahalubilo… in short, may sarili siyang mundo.

MISTERious. Yun ang bansag sa kanya. Napaka-misteryoso naman kasi ng lalaking yan. Hindi ko alam at wala naman akong paki kung ano bang problema niyan pero kasi yun nga. He got everyone’s attention at kahit sabihin ko na ayaw ko naman mapabilang sa kanila e, lumalabas na pati atensyon ko nakukuha na niya. Tsh.

Kakaiba naman kasi talaga siya. He will give you chills kapag tumingin na siya with his famous DEATH GLARE. Yung tipong pag tumingin siya sa’yo ng ganun e, ikamamatay mo na.

At kung totoo ngang nakakamatay ang mga titig niya nako! Baka nagpapakape’t biskwit ka na sa mga oras na ito.

We’re classmates… but the most awful news is… he’s my seatmate.

“Tabi!” yun lang ang sinabi niya sa akin at umupo na siya sa fave spot niya, ung upuan malapit sa bintana at natulog.

MISTERious...Where stories live. Discover now