Chocolate

8 0 0
                                    

Naging komportable naman kami kalaunan, friendly naman pala kase sila.

"Akala ko talaga nong una maarte ka" sabi sakin ni ate Lea.  Sya yung medyo ka close namin ni Kim,  pareho pala kase kami ng probinsya at magkasama din kami sa iisang kwarto.

"Yan naman lagi naging first impression ko" tumatawa kong sagot.

Ilang linggo na kami dito at nag eenjoy naman ako kasama sila.

Simple lang ang trabaho at minsan pa nga ay inaantok nalang ako habang nag aantay na may ipapagawa si Dudan.  Ang manager namin.

He's different  from other manager bukod kase sa nakakatuwa sya, napaka down to earth, mabait at higit sa lahat nakakatawang isipin na nag alinlangan pa syang utusan kami. 

Like seriously....

He's our clown in the office. Natural kase yung mga jokes nya hindi trying hard kumbaga.

"Bakla ba si Dudan? " curious  kong tanong kay ate Lea.

"Ano sa tingin mo " she laugh as if I asked an obvious question.

Naalala ko yung paano sya maglagay ng alcohol every now and then, base sa mga kilos at pananalita nya at yung pinapapabuhat pa nya ang isang box na stocks kay Joshua imbis na sya nalang magdala. Well, obvious nga!!

"Kuya Dan absent ako mamaya masakit ngipin ko" paalam ni Gianelli

"Mas masakit pag walang ngipin" sagot naman nya.

Yung linya nyang..

"Tadyakan ko yang tyan mo"
"Itupi kita sa walo"

Tapos nong wala si Sir at bigla syang tumayo at nagpa ikot ikot sa loob ng office yun pala ay naglalaro ng Pokemon Go.

Isa lang yun sa mga kabaliwan ginawa nya kaya may parte sakin na gustong mapalapit sa kanya.

Para kaseng walang dull moments pag kasama sya.

It was Monday morning at medyo nalate kami ni Kim,  medyo napagod kase kami sa lagad namin kahapon kaya medyo late ng nagising.

Yesterday was Valentines Day at nagpasama sya sa date nila ng boyfriend.

Half day lang pasok namin pag linggo kaya nong mag uwian na ay dristo na agad kami sa meeting place nila.

Ng makapasok ng office at pumunta na sa pwesto ko ay nagtaka ako ng may nakapatong na Chocolate sa ibabaw ng laptop ko.

Sa pag aakalang may nakaiwan nun don ay tinaas ko yung chocolate habang nagpalinga linga with curled forehead.

"Galing kay Dudan yan!" ate salve answered.

I was a bit stunned at mas lalong kumunot yung noo ko.

"Oy,  ang sweet nya kaya binigyan nya lahat ng girls ng chocolate ".  She exclaimed raising her chocolate same as mine.

Nilingon ko si Kim to confirmed at hayun nga sinubo na nya ang isang Chocolate na nasa box na nakangiti sakin.

It's  not my first time na bigyan ng chocolate during Valentines day pero I'm happy na nakatanggap ako ngayon. I wasn't expecting na ganyan pala sya ka sweet sa girls.  Na amazed ako sa pagiging thoughtful nya.

"Asan pala sya ate? " tanong ni Kim na nakadalawang subo na kahit di pa nakapag thank you.

"Andun ata sa 7B nag aayos ng order nya" she's pertaining sa bagong account  na hawak ni Dudan.

He's busy lately. Medyo tinulungan nga sya ni Gianelli.

"Luren, nakita mo yung post ni Dudan" baling nya.

"Anong post ate? " Luren answered with amusement.

"Yung picture na kasama yung ate at nanay nya. Yung caption talaga yung nagdala" kinilig pa nyang kwento.

"Happy Valentines Day sa dalawang babaeng pinakamamahal ko next time tatlo na kayo"

Napa  "Aweeeee" din kami sa kilig.

Napakawerte siguro ng babaeng pangatlo.

"Akala ko ba bakla yun? " bulong ni Kim na kumuha naman ng pangatlong chocolate.

Siguro bago makabalik si Dudan ay ubos na to.

Nagkibit balikat nalang ako.

I WONDERED.

Paano nalang kaya kung naging lalaki sya?  How is he like to be a boyfriend?

Natawa at napailing nalang ako sa isiping iyon. May parte sakin na nasasayangan.

SuddenlyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum