"You know I'll be your love
Your voice
Your reason for this
My love
My heart is beating for this
Moment in time
I'll find a word to say
Before you leave me today"
Napahigpit ang kapit ko sa pulang rosas habang manghang mangha sa lalaking kumakanta sa aking harap na punong puno ng damdamin at tila naglalabas ng pagibig sa bawat lirikong kanyang kinakanta.
Ang lalaking aking mahal at minamahal.
Napangiti ako at pinigilan ang mga luhang nagbabadya ng bumuhos dahil sa tuwa at kilig dahil ang kantang iyon ay para sa akin.
Ang tunog na gitarang kanyang tinutugtog at ng organ na tinutugtog ng kanyang kaibigan na napilitan lang atang tumugtog kasama sya ay tila nagpapagaan ng aking puso.
Ang malamig nyang boses at ang bawat ngiti nya tuwing kumakanta at ang paraan nya ng pagpapasaya sakin ay higit pa sa aking inaasahan.
Ang gabing ito ay napakasaya.
Para akong lumulutang sa ere dahil sa sarap ng pakiramdam at- -
"Beca!"
Biglang siko sa akin ng aking katabi na ikinagulat ko naman.
"H-Huh?"
"Andyan na si Lianne!Ngumiti ka pag iaabot mo ang red rose ha?"
Napayuko ako.
"Oo naman"
Sabay ngiti ko ng mapait at nang dumating na ang babaeng ito,binigay ko ang roses at ngumiti ng matamis.
"Happy 4rth monthsary sa inyo Lianne. Congrats!"
"Thank you Beca!" maluha-luha na nitong tugon.
Napangiti na lamang ako at dumiretso na sya sa paglalakad.
Oo na ang tanga ko.
Oo na assumera ko.
Masama ba na isiping para sakin yung kanta?
Masama bang kahit ngayon lang angkinin ko muna sya at isiping ako ang babaeng mahal nya?
Pero,ngayon napagtanto kong masama nga.
Hindi ako yung babaeng yun.
Hindi para sa akin yung kanta.
Hindi ako yung mahal nya.
Nautusan lang akong magabot ng rosas sa kanya dahil monthsary nila.
Hindi para sakin yung event.
Pero ito ako ngayon, patuloy na umaasa kahit wala talagang dapat asahan.
"Happy Monthsary babe. I love you so much"
The guy I love in front said to the girl he love so much.
But the thing that really hurts...
I'm not that girl and will never be...
YOU ARE READING
What If He's Mine
RomanceFirst cut is the deepest. Ito ang katagang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ni Beca. Ang babaeng nagmaghal ng lalaking may mahal ng iba. She thought she could move on and let go, pero papaano? Kung ang ang gusto nyang takbuhan ay patuloy na lumalapi...
