HI, WELCOME 

            Inalaska na naman ako nina Karen at Ramil. Si Jerson na naman daw. Nangungulit.

            Nainis ako. Dahil ang kulit ni Jerson. At dahil kalo-load ko lang ng 20 pesos na may unlitext at unlicall, talagang tinawagan ko ang mokong na ito at ito ang nilitanya ko.

            “Ano ka ba, Jerson? Bakit text ka pa rin nang text? Hindi ba’t sinabi ko nang hindi ako puwedeng magboyfriend ng high school hanggang college? Na puwede lang akong ligawan kapag nagtatrabaho na? Ligawan mo lang ako pag matandang dalaga na ako dahil –“

            “Wait, wait! Hey, is this Welcome? Do I have the right number?”

            Teka, hindi boses ni Jerson yon, a. Hindi yon nag-iingles!

            “Who’s this?” Bigla akong kambiyo, nanginginig pa ang boses. “Hindi ba si Jerson ito?”

            “No, this is Ward. Welcome, this is Ward.”

            Oh no! Natalakan ko si Ward. And worse, sinabi ko na hindi ako puwedeng ligawan hangga’t hindi tumatandang dalaga! Why is this happening to me?

            Hinga…hinga…Welcome, relax…kalma…ano ang gagawin ko?

            Pinatay ko ang unlicall.

* * * * *

            Right at that moment, ang tingin ko no’n sa mundo, ang dilim. Parang babagyo. Feeling ko, wala na! Hindi pa nag-uumpisa, dead na ang romance. Kasi naman, nauuna ang bibig kesa utak.

            Paano pa ako ngayon liligawan ni Ward niyan, soplak to the max na!

            Lalo akong nalungkot nung umpisa na ng Pilipino Class namin, kahit may vacant seat sa tabi ko, sa likod siya umupo. Sa tabi naman ni Ramil.

            During recess, wala talaga akong gana. Ni hindi ko makagat ang banana cue na binili ko. Buti na lang, ando’n si Karen at pinapasigla ang mood ko.

            “Friend, tama na ‘yan. It’s not the end of the world.”

            Pero sad talaga ako, e.

            “Bakit hindi mo na lang siya kausapin?”

            “At ano ang sasabihin ko? Na si Jerson lang ang hindi puwedeng manligaw? Na siya, puwedeng-puwede?”

            “Hmmmm.”

            Yun lang ang nasabi ni Karen. Sunud-sunod na naman kasi ang tanong ko sa kanya, e.

            Noon dumating si Ramil. Tumabi sa amin. “Uy, banana cue! My favorite!” sabay dampot sa banana cue.

        Pero inagaw ko sa kanya yon. “Akin yan.”

        “Sungit! Di naman kinakain e.”

        “E, ano? I feel bad.”

        “Dahil natalakan mo si Ward?”

        Para akong maamong tupang tumango lang.

        “Problem solved. Sinabi ko na sa kanya na si Jerson yon. Na nanliligaw sa iyo pero ayaw mo. Gets naman niya!”

        “Talaga?” para akong kuwago na lumuluwa na ang mga mata.

         “Oo. Sinabi ko rin na siya ang gusto mong manligaw sa iyo. I mean, si Ward.”

            “Sinabi mo yon?” napalakas yata ang boses ko. Nagtinginan sa amin ang ibang students.

            “Siyempre, hindi no? Sinabi ko lang na ayaw mo kay Jerson dahil hindi gentleman. Ang hinahanap mo, gentleman.”

            “Ano ang reaction ni Ward?”

            Ngumiti lang si Ramil. Halatang nanmbibitin.

            “Ramil, sabihin mo na!” Si Karen yon na halatang excited din.

            “Akin na lang yang banana cue.”

            “Iyo na!” sabay abot ko sa banana cue. “Ano ngang reaksyon niya?”

            Pero kinain muna nya ang banana cue. Sabay pabili ng softdrinks. Inis na inis na kami ni Karen pero walang magawa. Blackmailer talaga itong si Ramil. “Ano na ang sabi niya?” nanggigigil ko nang pangungulit.

            “Wala. Ngumiti lang siya.”

            Isang batok ang napala sa amin ni Ramil.

* * * * *

            Pero after recess, during classes, hindi ulit umupo sa tabi ko si Ward. Kaya sad talaga ako.

            Kaya after class, nang magyaya si Karen at Ramil na mag-mall, pumayag ako. Palabas na kami ng gate noon nang may makita kaming naghihintay sa labas.

            Si Ward.

            “Hi,” sabi niya sa amin, pero sa akin siya nakatingin. Nakangiti.

            “We’re going to the mall,” sabi ni Ramil. “Wanna come?”

            “Sure,” nakangiting sabi ni Ward. Pero tumingin ulit sa akin. “If it’s okay with Welcome.”

            Kahit walang salamin, alam kong namumula ako.

            “Welcome, ano? Huwag kang magpagirl diyan. Welcome bang mag-join sa atin si Ward?”

            I smiled. And nodded sabay hawak sa crown ko at sash.

Miss Universe ako, bakit ba?

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon