Combo Breaker Extended

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero pagdating sa isang tipikal na babaeng katulad ko na nagkagusto sa isang lalake, ang hirap sabihin na may gusto ako sa kanya. Minsan kasi namimisunderstood ako... kami. Porket naging matapang ako at inamin na may gusto ako sa kanya, maaaring isipin ng iba na maharot ako o kaya malandi. Ang masama pa nun, minsan, nagiging feeling pogi pa yung lalake kasi may nagkacrush sa kanya. Arrrgghhh. Nakakinis lang.

Siguro mali lang yung approach ng pagiisip ko. Kung magkaibigan man kami dati at nagkagusto ako sa kanya, mas magiging madali ba ang pagamin ko sa kanya? Parang hindi naman. Labing-walong taon na akong nabubuhay dito sa mundo at kamakailan lamang ay natuto akong magtext at gumamit ng isang cellphone. Ang sabi nung kapit-bahay ko, mas madali daw magsabi ng nararamdaman sa text kasi tinitype mo lang ung gusto mong sabihin. Yun nga lang daw, mas madali ka din daw maloloko dahil sa mabubulak na salita na ginamit sa’yo. Kaya naman natutunan ko na  kung may gusto akong tao, dapat sabihin ko ito sa taong iyon nang personal at puno ng emosyon.

*ring* *ring*

“Mmmm. Sino ka..” sagot ko sa cellphone. Di ko na tinignan kung sino tumawag. Naalimpungatan ako sa pagtawag niya eh.

“Serene! Buti gising ka pa!”

“Ginising mo ko. Teka. Sino to?”

“Lyra! Si Lyra to! Di kasi sumasagot si Cierra eh! Kaya ikaw tinawagan ko.” Napansin kong medyo naiiyak yung boses niya.

“Umiiyak ka ba?”

“Hindi naman. Gusto ko umiiyak pero hindi ko kasi magawa..”

“Okay. Lyra.. ikwento mo na sa akin yan bago pa ko matulog ulit.”

“Naaawa kasi ako sa boardmate ko eh. Nakikita ko siyang umiiyak dahil sa isang lalake. Ano ba dapat kong sabihin sa kanya?”

“Aba ewan ko... hmm.. sandali uupo ako para hindi ako makatulog..”

“Okay..”

“So? Nakikiiyak ka sa kanya?”

“Oo. I mean hindi nga ako makaiyak eh! Naaawa lang ako. Tapos gusto ko siya bigyan ng tamang desisyon o kahit advice man lang...”

“Sige. Kahit na wala akong alam sa pag-ibig, ikwento mo sa akin. Sabi kasi ng kapitbahay ko, kahit daw ung mga NBSB, nagiging expert sa pag-ibig kapag nagbibigay ng advice sa kaibigan nila. Try naten yun.”

“Ang weird mo talaga. Sige. Yung kaboardmate ko kasi, may ka M.U siya. Alam mo naman ibig sabihin nun diba? Parang sila na pero hindi pa. Kilala ko yung guy at mabait naman siya. Kaso bumagsak yung lalake sa course kaya kailangan niya magshift ng ibang course. May tiwala naman kami sa kanya, tsaka palagi silang nagkikita. Yung guy pa nga yung gumagawa ng paraan para lang magkita sila. Busy kasi yung boardmate ko sa studies niya lalo na at mas humirap yung mga aaralin.

Siyempre, dumating din sila sa point na nag-aaway sila. Pero naaayos din yun. Naririnig ko kasi sila mag-usap sa phone. Hanggang sa naulit nang naulit yung pag-aaway nila. Ang hindi ko alam, may nakaclose pala yung guy sa bago niyang section at yun yung palagi niyang kausap sa tuwing nag-aaway sila.”

“Wait wait. Klaruhin ko lang ah. Hindi mo alam, pero alam ng kaboardmate mo?”

“Hi-hindi ko sure.. pero tingin ko kasi nakahinala na din siya. Alam mo na, girl instincts. Tapos may event na, nakita niya yung chat conversation nung guy at nung kaclose niya sa fb. Alam kasi ng kaboardmate ko yung fb nung guy. Nakakainis kasi, ang sweet nilang dalawa sa chat. Mas nakakainis kasi, pumapatol naman yung guy! Kaya ngayon tinawagan siya nung guy. Gustong magsorry. Siyempre umiiyak yung kaboardmate ko.. anong sasabihin ko?”

Me, You and Everyone I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon