Aasa

33 0 0
                                    

Ikaw ang pangarap sa bawat saglit,
Ikaw ang inaasam na makamit,
Ikaw ang pinakamagandang panaginip,
Kung minsan ay bangungot kapag gising habang ako'y nakapikit,
Nais dumilat ng pilit,
Ngunit kapag sa isip ika'y nagsumiksik,
Naguunahan ang luhang lumabas ng buong pagpupumilit,
Ngunit, nais kong isipin ang masasayang saglit,
Na maaari ko pang ipilit ng ipilit ng ipilit,
Kahit ang dibdib ay naninikip,
Di maipaliwanag kung bakit,
Di nauubusan ng pagasa na pwede pang maglagablab ang init,
Na ngayon ang gatong ay naging abo na lang,
Gaya ng pagasa na dinurog ng panloob na kahinaan
Ngunit di napapagod sa pagaasam,
Na miski isang saglit man lang,

Ikaw na pangarap ay maging totoo kahit saglit lang,
Na yung salitang "ikaw at ako" sa diksiyonaryo mo'y masilayan man lang,
Patuloy ang pagasa ko,
'Di ko man kayang higitan ang pinapangarap mo,
Ni hindi ko man kayang pantayan ang mga taong nagnanais sayo,
Kahit hindi man ako yung gusto mo,
Pagpasensyahan mo na ako,
Kasi andito padin ako para ipilit to,
Kasi meron akong pangako sayo,
Sinukuan ka man ng ibang tao,
Lalo na sukuan ka man ng mundo,
Pero hinding hindi ako susuko sayo,
Panawan man ng pagasa ang puso ko,
Pero patuloy kong ilalaban yung nararamdaman ko,
Kasi alam ko na ang tama,
Ay magtiis at patuloy na umasa,
Magantay sa sagot sa panalangin ko sa paggising sa umaga,
At sa paghimlay sa gabing nais kang makasama,
Maging masakit man sa kahuli hulihan,
Ngunit kung hindi man ako ang ituro na tamang tao ng iyong nararamdaman,
Dito lang ako sa kadulu duluhan,
Tititigan ka hanggang sa paningin ika'y tuluyan ng lumisan,
Hindi ko man balikat ang iyong sinasandalan,
Hindi ko man braso ang iyong kinakapitan,
Makita ko lang ang pinta ng saya at ngiti sayong paglisan,
Habang hawak kamay kayong naglalakad papalayo sa kawalan,
Lingon ka lang at takbo pabalik kapag ika'y muling nasaktan,
Andito ako handang minsan pang pawiin ang kalungkutan,
Kahit na ilang beses ka pang patuloy na bumalik at muling lumisan,
Nandito lang ako, Sa dulo ng walang hanggan,
Handang yakapin ang 'yong ala-ala,
Handang yakapin ang patuloy na pagmamahal sayo sinta,
Hanggang sa muli nating pagkikita,
Bahala na ang Diyos sa kaniyang pagpapasya.

AasaWhere stories live. Discover now