"Makinig ka sa akin Amara... wag na wag kang magpapauto sa haring iyan!" sigaw ng lalaking nakaluhod ngayon sa harapan ng nagmamay-ari sa akin.
"Sa tingin mo... susundin ka ni Amara sa mga sinasabi mo? Ni paghawak ni Amara sa buhok niya ay di ka niya susundin" puno ng awtoridad na sabi ng nagmamay-ari sa akin. Iisa lang ang nasa isip ko ngayon... yun ang sundin ang mga ipag-uutos sa akin ng may hawak ng kwintas.
Nagpupumiglas ang lalaki sa pagkakahawak sa kanya ng mga kawal ngunit kahit anong pagpupumiglas niya ay di siya makawala.
"Amara! Amara! Sa akin ka makinig! Wag mong gagawin ang mga pinag uutos niya! Marami ang mamamatay sa mga plano niya sayo... maraming buhay ang babawiin ng demonyong iyan! Ka--"
mabilis pa sa isang minutong isinaksak ko sa kanya ang espadang binigay sa akin ng hari na inutusan akong patayin ito.
"Amara..." sambit nito sa aking pangalan bago ito nalagutan ng hininga. Di ko alam sa sarili ko pero kusang may tumulo na luha sa mata ko na agad ko namang pinunasan gamit ang aking makasalanang kamay.
Bumabalik sa aking isipan ang mga sigawan ng mga tao at mga hinanaing nila na nagmamakaawang wag sila patayin ngunit... isa-isa kong kinitil ang mga buhay nila.
Tulala pa rin ako sa lalaking nakahandusay sa sahig nang may mga kamay na pumulupot sa aking maliit na bewang. Nakayakap ito sa aking likuran kaya di ko mawari kung sino ito ngunit nanuot ang pamilyar nitong amoy sa akin.
"Wag mong hayaan ang lalaking iyan na guluhin ang isip mo... ako lang dapat ang nasa isip mo at paniniwalaan mo ... naiintindihan mo aking Amara?"
Awtomatikong napatango agad ako.
"Walang dapat umangkin sayo... dahil akin ka Amara... AKIN KA." Alam ko... dahil nasa sayo ang kwintas na kayang kumontrol sa akin.
Sa taglay kong lakas.
Binuhat niya ako at naglakad siya patungong trono niya kung saan sumisimbolong siya ang pinakamataas na nilalang dito sa kanyang kaharian. Pagkaupo niya'y pinaupo rin niya ako sa kanyang kandungan na walang kahit anong angal mula sa akin.
"Ihanda ang tarangkahan!" Napalingon ako sa kanya na may malademonyong ngisi na.
"Amara... patayin lahat ang mga taong nagtataksil sa akin"
Kusang tumayo ang aking mga paa at lumabas ang mga itim kong pakpak.
Liningon ko itong muli at humarap dito na nakatingin lang sa akin na matiim. Lumuhod ako sa harap niya mismo at iniyuko ang aking ulo bilang paggalang sa kanyang inuutos .
"Masusunod ang inyong kahilingan.. AKING KAMAHALAAN"
YOU ARE READING
AS YOU WISH MASTER
Romance" Kung iniisip mong may takas ka sa lahat ng ito. Pwes haharangin ko lahat ng butas na maaari mong lusutan , papatayin lahat ng lalaking magtatangkang agawin ka sa'kin at babaguhin ang tadhana kung hindi ka mapapasakin dahil Amara... gustuhin mo man...
