"Pa'no ba 'to na-lock?" aniya.

Ako ang huling pumasok pero hindi ko naman ini-lock. "Nala-lock 'yan mag-isa minsan. Pero sobrang minsan lang."

"May susi ba nito ang mga guards?"

"Hindi ko alam. Pero baka puwede nilang buksan mula sa labas."

"Tawagan natin," kalmadong sabi ni Jacob kahit nakikita ko ring nanginginig siya.

"Nasa labas ang phone," sabi ko. "Dala mo 'yong cellphone mo rito, 'di ba? Tatawag muna ako kay Tiana o kay Dolly para itanong 'yong number ng security sa baba."

Nagpatiunang lumakad si Jacob pabalik sa hinigaan niya. Iniabot niya sa'kin ang cellphone niya bago mapatingin sa air-con.

"Patayin muna natin 'yong air-con. Basa ka pa naman. Baka magkasakit ka sa lamig."

Tumango ako. "Baka magkasakit ka rin. Pagod ka pa galing sa biyahe."

Jacob turned the air-conditioner off while I dialed Tiana's number. Walang sumasagot kahit nakailang ring na kaya kay Dolly na 'ko tumawag.

"Hey, girl..." bati ko. "Si Iya 'to."

"Ah, ikaw pala. Hindi ko sana sasagutin dahil unregistered number, eh. What's up? Nasa office ka pa?" aniya.

"Yep. Sorry sa istorbo. I'm just... in a kind of a situation. Alam mo ba 'yong number ng security sa baba?"

"Bakit? Ano'ng nangyari sa'yo?" aniya.

Napasulyap ako kay Jacob na nakahalukipkip na sumandal sa conference table. "Uh... I used the bathroom kasi. Tapos, na-lock ako rito sa conference room."

"Ah. Nagla-lock minsan mag-isa ang bolt niyan, eh. Dapat, naglagay ka ng stopper pagpasok mo."

"I forgot about it. Hindi ko nalagyan. Ano'ng number ng security?"

"Wait, tingnan ko sa notes ko," aniya bago, "Wait. This number you're using... You're with your boyfriend? Diyan sa office? Magkasama kayong na-lock?" parang masigla pang tanong niya.

"Uh... yep."

Tumili siya. "That's great!"

Kumalat ang init sa mukha ko. Hininaan ko ang boses ko, "Ano'ng great?"

"Naka-lock kayo diyan at hatinggabi na. Naggagala ang guard sa convenience store sa ganitong oras. O 'di naman kaya, umiikot sa building. Samantalahin n'yo na. I won't tell!"

"Oh my God..." Alam ko kung ano'ng sinasabi niya. She's putting thoughts in my head na ayoko ngang i-entertain. "This is not romantic, okay? Malamig dito sa conference at--"

"Malawak ang conference table, girl. May carpet ang sahig. You haven't seen each other for two years! Oh my God! It's okay to--"

"Dolly!" saway ko.

"And your boyfriend's super hot, 'di ba? I promise I won't tell. I-chika ko lang kay Tiana, if ever!"

"Loka-loka ka! I won't do that!" napalakas na tutol ko. Paglingon ko kay Jacob, nakita kong curious din siyang nakatingin sa'kin. " 'Yong number ng security, please..."

"Are you sure you want it? I won't judge if you don't," tukso ni Dolly.

Nailing ako. Gano'n na siya manukso samantalang hindi pa nga niya alam na hindi lang kami nakakulong ni Jacob sa conference. Basa rin kami pareho dahil sa katangahan ko sa automatic faucet. At malamig pa rin kahit na pinatay na ang air-con.

"I want it. I-text mo rito sa number ni Jacob," sabi ko. "I'll hang up."

"Tell Jacob good luck for me!" humahagikgik na sabi ni Dolly.

Pinutol ko ang connection.

"Iya?" tawag ni Jacob. "Okay na?"

Lumingon ako sa kanya. Nakasandal siya sa malapad na conference table habang basa ang damit. Ramdam ko rin sa kinaaapakan ko ang malambot na carpet. Hatinggabi na at dalawa lang kami sa buong office.

No! I shouldn't entertain naughty thoughts! Si Dolly kasi!

"Ite-text ni Dolly 'yong number ng security," sabi ko.

Tumango siya at ngumiti. Nakatingin lang ako.

"May problema pa?" aniya sa'kin.

Problema ba 'yong hindi ko alam kung pa'no maghihintay sa magbubukas ng pinto sa conference room? Pinoproblema ko bang dalawa lang kami ni Jacob sa malamig na kuwartong 'yon?

"Wala," sabi ko. I should hold out. Hindi por que na-miss ko si Jacob, magpapadala na 'ko sa nararamdaman ko at sa tuksong naiisip ko.

Pagtunog ng cellphone ni Jacob, text na iyon ni Dolly para sa number na kailangan namin.

"Nandito na 'yong number," sabi ko. "Tawagan ko lang 'yong security."

Tumango lang si Jacob at tumungo na parang nag-iisip.

I dialed the number and waited for someone to pick up. Pero naglalagalag nga yata ang mga guards nang gano'ng oras, dahil umabot ng sampung minuto na wala pa ring sumasagot.

Nang mapagod ako, nag-text ako kay Dolly: Anong oras bumabalik ang guards pag gumagala?

Unregistered number:
Hanggang 1 AM minsan. Minsan, mas matagal.

Napapikit ako nang mariin.

Unregistered number:
Enjoy, girl.

Loka-loka talaga 'yon. Kinalma ko ang sarili ko bago lumingon kay Jacob.

"Jacob... uh... mukhang wala pang magbubukas sa'tin dito sa office. We're stuck here."

Kumunot ang noo niya at lumunok. "Ah."

Matagal kaming nakatingin sa isa't isa.

"Mga ga'no katagal tayo rito?" aniya.

Umiling ako. "Hindi ko alam eh."

Sandali siyang nag-isip. "Nilalamig ka pa rin?"

Tumango ako. "Ikaw?"

"Oo."

Inilahad niya ang kamay niya sa'kin. "Come here. Mas mainit sa tabi ko."

OA ang bilis ng tibok ng puso ko dahil lang pinalalapit niya 'ko.

Shut up, self. This isn't what Dolly says!

Mabagal ang hakbang ko nang lumakad palapit. Nang ibigay ko ang kamay ko kay Jacob, hinayaan ko siyang hilahin ako sa katawan niya.

Lumalaban ang init niya sa lamig ng mga basang damit namin. He held me closer and kissed the top of my head.

"Mas mainit, 'di ba?" aniya.

Inilusot ko ang kamay ko sa tagiliran niya at yumakap nang mahigpit, habang hindi humuhupa ang bilis ng tibok ng puso ko. "Yes."

Inihilig niya ang pisngi niya sa'kin at malalim na bumuntonghininga.

Pumikit naman ako. ++158h / Nov12018

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now